The Same Order Game of Destiny

615 7 0
                                    


 "Sigurado ka ba sa information, Icee?" tanong ni Ryuji over a cell phone conversation. Nakapasak sa tenga niya ang earphones habang nagmamaneho. Papunta siya sa isa sa mga branches ng coffee shops ng kanyang ama.

"Kelan ba pumalya ang information ko, Ryu? Sigurado ako. May spy sa loob ng Kofi Cups and that particular person wants to turn your Dad's shop down!" tugon ni Icee, ang kanyang ever-reliable pinsan na Criminal Profiler sa PNP at isa sa mga trusted na tauhan niya sa Code Black Security System Inc., ang corporation na pinamamahalaan niya.

"Nasa'an ka?"

"Malapit na ako sa Kofi Cups," tugon nito.

"Okay, I'm on my way." He ended the call and concentrated on driving.

His father's Kofi Cups and Sweets, a coffee shop that caters all kinds of coffee blends and pastries, has been popular for the past 25 years. At dahil nga sa success ng negosyo ng magulang ay di maiwasan na may ilang mga coffee shops ang gumawa ng mga under the table tactics, makuha lang ang secret formula of success na coffee shop. Bilang panganay na anak nina Kofi at Eloi, hindi niya mapapayagang basta-basta na lang may sisira sa negosyong naging saksi sa pagmamahalan ng mga magulang niya.

That was a little melodramatic, indeed. Hindi man halata sa ugali niyang may pagka-happy go lucky na tao, pagdating naman sa usaping pampamilya ay tumitino siya. Ang bunsong kapatid na si Zuleika ang nagma-manage ng Kofi Cups dahil wala siyang hilig talaga sa walang thrill na negosyo pero hindi ibig sabihin noon ay wa pakels na siya. Higit sa lahat ng bagay sa mundo, mas importante sa kanya ang pamilya niya at ang mga bagay na nakapaligid sa angkan ng Candaza.

He parked his car sa VIP parking space sa harap ng shop at dali-daling bumaba ng kotse at pumasok ng Kofi Cups. Inabutan niya doon ang mga kaibigan slash kababata sa isang mesa andon na rin si Icee.

Umupo siya sa tabi ng pinsan. "Nasa'n?"

"70 degrees northwest," tugon nito habang patuloy sa pagtitipa sa laptop nito.

"Kayong magpinsan para na naman kayong mga sinanibang praning," komento ni Apple. "Ano na namang problema? Nung isang linggo, basta na lang kayo tumakbo palabas at may hinabol kayo tapos ngayon, may pa degree-degrees pa kayong nalalaman. Chill out mag-cousins, ang sarap kayang magkape. Try nyo!"

Tinawanan ng buong grupo ang hirit ni Apple.

"Ang kyut mo talaga, Apple. Halika nga," sambit ni Sunset.

"Bakit, 'tol?" Umarteng namang barakong lalaki in a pink dress and stilettos itong si Apple. "Mamaya pa tayo mangtsi-chicks 'tol. Wag kang excited. Darating tayo diyan!"

Lalong umugong ang tawanan.

"Hindi naman iyon, 'tol. Eh alam kong malakas ka sa chicks. Uutangan lang sana kita," patol ni Sunset sa biro nito.

"Ay bukas ka na lang umutang offline ako eh. Balik ka 'pag office hours na."

"Apple, tara dalhin kita sa studio," sabat ni Hiroshi.

"Whyness? Gagawin mo na ba akong artista sa TV network mo? O kaya naman ay news anchor? Model? Ay bongga! Stardom here I come!"

"Hindi ano! Ipapalinis ko sa'yo iyong stockroom namin. Mukhang wala ka kasing magawa sa buhay mo eh," tugon ni Hiroshi.

Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon