Story 6: When Ryu and Lailah Collide- Part 4

152 4 0
                                    


Tahimik lang na nakaupo si Lailah sa isang mesa sa reception area ng 25th wedding anniversary ng mga magulang ni Ryuji. Iniwan siya ng binata para mag-entertain ng bisita, makipagkwentuhan, at marahil mang-chicks. Hindi na niya inabala na sundan pa ng tingin ang mga kilos nito. Bahala na ito sa buhay nito.

"Oh, bakit di ka pa kumakain?" may himig ng pag-aalalang tanong ni Ryu sa kanya nang makabalik ito.

"Wala akong gana," sagot niya. Feeling niya ay nakalutang siya nang araw na iyon. Napuyat kasi siya sa kakabasa ng pocketbooks na binigay ni Ryu sa kanya.

Nagtanong kasi ito kung ano ang favorite hobby niya noong huli silang nag-date. Sinabi niya ang totoo na mahilig siyang magbasa ng pocketbook. Without second thought ay kinaladkad siya nito papunta sa bookstore at sinabing bilhin niya ang kahit anong pocketbook na gusto niya. Tumanggi siya pero nagpumilit ito. Kaya kumuha siya ng limang pocketbooks at tinapos niyang basahin lahat ang limang nang nagdaang gabi. Bangag tuloy siya ngayon.

"Bakit?" Sinalat nito ang noo niya at pinagmasdan siyang maigi. "You look pale at medyo mainit ka rin." Iniyakap nito ang isang braso sa balikat niya. Here comes the unusual heartbeat again. "Ano bang ginawa mo at napuyat ka?"

"Nagbasa ng pocketbook. Tinapos ko lahat. Okay lang ako, Ryu. Wala lang ako sa mood na makipag-asaran sa'yo kaya sana day off ko muna sa pang-aasar mo, okay ba yon?"

Hindi ito umimik. Bagkus ay kinuha ng free hand nito ang kutsara. He scooped food for her. Sinubuan siya nito. "Lalo kang mamumutla pag di ka kumain. Here."

"Ayoko, Ryu. Wala akong gana."

"Hmm, ikukuha kita ng soup." Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Umalis ito at pumunta sa buffet table. Pagbalik nito ay may dala na itong soup at saka tea. "Yan, siguro naman kakainin mo na iyan. Hindi pwedeng hindi ka kakain. Manghihina ka lalo." Inakbayan uli siya nito at sinubuan.

Naengganyo siya sa amoy ng soup kaya tinanggap na niya ang in-offer nito. "Ako na lang, kaya ko na yan!" Akmang aagawin niya ang kutsara dito pero inilayo nito iyon.

"Let me. Minsan lang ako maging mabait. Bare with it."

Natigilan siya. Anong minsan? Lately nga ang bait-bait mo na sa akin e. At ang sweet mo pa. Para kang bidang lalaki sa pocketbooks. Nai-in love tuloy ako sa'yo. Natutop niya ng bibig sa tumakbong ideya sa isip niya.

"Here, eat more." Sinubuan talaga siya nito hanggang sa maubos niya ang soup. "Ayan, e di nagkakulay ka na."

"S-salamat."

Hinawakan nito ang ulo niya at marahang idinantay sa balikat nito. Naghintay siyang may sabihin ito pero wala. Nanahimik lang ito. Lately ay nagiging sweet nga ito, at hindi alam ni Lailah kung maniniwala ba siya o iisipin na lang niyang bahagi lang iyon ng pagpapanggap. Nasa palagid lang kasi ang magulang nito at maging mga kaibigan.

Naputol ang silent sweet moments nila nang naghihisteryang pumasok ng function hall ang isa sa kaibigan ni Ryu at tarantantang nilapitan ang mga magulang.

"Tatay! Akin na ang cellphone nyo! May bomba ang cellphone nyo! Akin na!" sambit ni Erika.

"Stay there, Lailah." Sa isang iglap ay nakaalis na si Ryu sa tabi niya at nilapitan si Erika. "Wala ng oras, itapon mo sa tubig, Erika!" sambit ni Ryuji.

The next thing happened, nakarinig na lang si Lailah ng malakas na pagsabog kasabay ng pagyakap sa kanya ng pamilyar na mapag-alagang mga braso. Ni hindi niya namalayan kung ano talaga nangyari. Nakita na lang niya na wala na siya sa mesa at nakita niya mismo ang mesang kinatatayuan niya kanina na ngayon punung-puno ng mga basag na glass. Kung naiwan siya sa lugar na yon, malaman nasa katawan na niya ang mga bubog. Kinabahan siya at natakot. Buti na lang yakap siya ni Ryu.

Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon