Story 2: When God Takes The Action- Part 2

113 4 0
                                    


Daig pa ni Icee ang napapraning na imbestigador habang hinintay niyang lumabas si Lee at ang ama niya sa board room ng Kofi Cups. Doon nga humantong ang eksenang naabutan ng kanyang ama. Ini-interrogate na ng ama niya si Lee at siya, nakaupo sa isa sa mga mesa sa coffee shop at naghihintay ng hatol.

She knew her father so much. Sa sobrang strict at protective nito sa kanya, bihadong nagigisa na ng buhay ang walang kamalay-malay na si Lee sa loob ng board room. Napabuntong-hininga siya sabay inom ng pang-tatlo na ata niyang kape sa araw na iyon. Kung bakit ba naman kasi basta na lang siyang hinalikan sa pisngi ni Lee? Eh di sana hindi na napahamak ito sa ama niya at hindi siya nawawala sa sarili ngayon.

"Last coffee mo na iyan ha," untag ni Ryuji sa malalim niyang pag-iisip ng theory sa kasong kinasasangkutan niya.

"Ryu, sa tingin mo buhay pa si Lee pag lumabas sila ni Dad?"

Tumawa ang pinsan niya. "Praning ka talaga. As far as my ears are concern, wala pa akong naririnig na gun shot unless your dad use silencer!"

Binato niya ito ng tissue. "Bad ka talaga! By the way what's your plan with Miss Lailah?"

"Give her the best that she deserves from intruding my father's business." Tumingin ito ng lagpas sa kanya, setting his eye on the entrance of the shop located at her back side. "Speaking of, my slave just entered." Tumayo na ito at sinalubong ang bagong pasok na suspected spy na na-trace niya ilang linggo na ang nakakalipas.

Napapailing na lang siya. She knew it. May ginagawang kalokohan ang pinsan niya. Few minutes more, lumabas na sa board room si Lee. Hindi alam ni Icee kung anong nangyari sa kanya at nagawa pa talaga niyang ayusin ang hawi ng kanyang buhok bago tuluyang makalapit ito.

"Icee? Can I join you?" tanong ni Lee. Tumango lang siya. "Tama ang iyong ama, may malaki akong kasalanan sa'yo," guilty na sambit nito.

"Huh?" kunot noong untag niya.

"Patawarin mo ako, Icee dahil nalapastangan ko ang pagkababae mo. Hindi kita dapat basta-basta hinalikan dahil natuwa lang ako. I was disrespectful at that case. I'm sorry."

Hindi niya ma-gets ang pinagsasabi nito. "Teka nga, bakit mo ba ginawa iyon?" tanong niya.

Seryoso itong tumitig sa kanya. Tila may kung anong magic ang nag-connect sa pagitan nilang dalawa habang mataman itong nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay lihim na inaanalisa nito ang mukha niya. Nahiya naman tuloy siya. Hindi siya sanay na may ibang taong nagbibigay ng ganong katinding upclose attention sa kanya. It was new to her... very new.

"Ikaw ang pinadala ng ating Panginoon para maging daan sa pagpawi ng aking alinlangan," tugon nito.

Ha? Baka pwede kang mag-modern Tagalong?Ang deep mo, pare! buska niya sa isip. Hindi tuloy naalis ang kunot sa noo niya.

Tila napansin naman nito ang wirdong expressions niya. "Ang ibig kong sabihin, iyong nangyari, hiniling ko iyon sa Panginoon." Wala siyang bagong reaction, still nakakakunot lang ang noo. "Okay, I'll explain further."

"Sure, go ahead."

Tinitigan siya nito. Pawang sinusuyo siya ng mga mata nito na maniwala sa mga sasabihin nito. His expressive eyes made her feel some rhythmic beat in her heart. "I told you before that I went out of the seminary to be test by faith. Noong lumabas ako at namuhay tulad ng nakakarami, marami akong natuklasan sa sarili ko. Most of these things created confusion to my vocation path. So I prayed to God and ask for a sign. Kung matatapunan ako ng kape sa di sinasadyang pagkakataon, ibig sabihin tutuloy na ako sa pagpapari. Sa dambana ng ating Panginoon ako nararapat magsilbi...iyon ang kapalaran ko. You just materialize the sign."

Kofi Cups And Sweets 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon