Pagbabalik

0 0 0
                                    

"Balikbayan"

Pagdating ko sa paliparan,
Puso'y walang humpay sa kagalakan,
Pagkat pamilya'y muling masisilayan.
Sa paglipad ng aking sinasakyan,
Para akong batang sabik sa magulang,
Na ang isip nauna na sa tahanan.

Sa pagkasabik kong umuwi,
Paglapag ng eroplano diko nawari.
Sa bayan kong pinagmulan,
Ako pala'y kanilang inaabangan,
Di mapawing saya sa mukha,
Kaakibat ay luha ng ligaya.

Isang taon din ako nawala,
Nakipagsapalaran sa ibang bansa.
Di man nila ako kapiling,
Panalangin nila'y aking kapiling,
sa puso kong puno ng pagmamahal,
Baon ko saking paglalakbay.

Bawat yakap at halik sa pisngi,
Lahat ng taong nakalipas,napawi.
Kay sarap sa pakiramdam,
Na sa taong kami'y nawalay,
Di nagbago ang samahan,
Bagkus tumibay,paglipas ng mga araw.

The happiness and love within the family never end when your away,rather it will hold us more to work hard for a better future.

We may not be with them physical in years but as long us we are bind with love, every sacrificed and longingness we felt when we were not there will be worth waiting.

In seeking for our dreams we should never forget to look back for those people who made us of who we are. Without them we can't achieved what we want it to be.

The Journey Of LifeWhere stories live. Discover now