Kabanata 2

192 5 2
                                    

Tumulo ang luha niya habang hinahaplos ang lapida na nasa harap niya. Hindi parin siya makapaniwala na wala na ang ama't ina. "Ella, kailangan na nating umalis," aning lalaki na nasa kanyang likod. Agad siyang tumalima. Tumayo siya habang hinahawi ang mga luha sa kaniyang mukha.

Marupok siya. Hindi niya alam kung paano mabuhay nang wala ang kaniyang mga magulang. She needs to be strong. She must keep moving and never have a break. Hindi dapat sila abutan ng mga humahabol sa kanila.

"I'm sorry Marco, kailangan pa nating tumakbo at magtago. Sorry dahil hindi pa tapos ito," aniya. Hindi niya narasan sa buong buhay niya ang makapagpirmi at mamuhay ng mapayapa. Hanggang ngayon hindi pa niya alam kung bakit.

"You need...to be..strong, Ella," pautal na wika ng ina. Nagaagaw-buhay na ito matapos barilin at pagtatadyakan ng mga lalaking may tattoo sa mata. "Hawakan mo ang kamay ko anak," anito. Bumulalas ito ng mga salitang kakaiba. Tila mayroon itong ginagawa na hindi niya maintindihan.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng ina. Hindi niya mapigilan ang pagbagsak ng mga luha sa kaniyang mata. "Mom, sabihin mong hindi ka mawawala. Please," aniya. Dahan-dahang ibinukas ng ina ang mga mata. Tinitigan niya ito. "Hindi mo pa maintindihan ngayon, but as soon as you turn 18, you will know everthing." nauutal na wika ng ina.

Gusto niyang umiyak. Gusto niyang maghiganti. Nakalukot ang kaniyang mga kamao. Gusto niyang ilabas ang galit niya. Ngunit hindi niya kayang iwan ang ina na maubusan ng hininga. She's trapped between helping her mother and on revenge.

"Close your eyes Ella," anito. Sumunod siya. "You have to be strong, simula palang ito anak. Simula palang ito ng mas malaki pa. Lagi mong tatandaan, Mahal na mahal kita," imunulat niya ang kaniyang mata. Hindi na niya nasilayan ang kaniyang ina. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Wala na ang kanyang ina. Hindi niya na kayang kimkimin pa ang bigat ng nararamdaman niya.

"18 ka na bukas. What's your plan?" nagulat siya. Ikinalat niya ang paningin. Nasa loob siya ng kotse, hindi niya alam kung saan sila tutuloy. Umaasa na lamang siya na maligaw siya sa isang lugar na hindi na sila masusundan.

Pinahid niya ang mga luha sa kaniyang mukha. "Ah...Sorry, may sinasabi ka?" Dalawang taon na ang lumipas mula nung mangyari ang madugong pangyayari sa kaniyang buhay. Hanggang ngayon, buhay pa ang sugat na dulot nito. Dama parin niya ang sakit.

"Sabi ko you're turning 18 na bukas. Would you like to have atleast a celebration?" tanong muli ng lalaki. Nakatingin ito sa kanya na tila naawa. Pansin nito ang pagkalanta ng mga mata ng babae. Iniharap nito ang paningin sa manubela at itinuloy ang pagmamaneho.

Napalunok siya bago magsalita. "Ah, nevermind, H'wag nalang muna siguro. I will just spend the day contemplating on things." aniya at natahimik muli.

Mabuti nalang at kasama niya si Marco, hindi niya kasi alam kung ano nalang ang mangyayari sa kanya. Matagal na silang magkakilala, mag-kapitbahay sila sa huling lugar na tinir'han nila. But because of the tragedy, nadamay ang pamilya nito at wala na itong ibang pamilya kundi siya.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ng lalaki. "Gusto mo bang kumain?" tuloy nito. Ilang oras na silang nagbibiyahe at hindi na sila nakapaglaan ng oras para kumain at magpahinga.

TUMIGIL sila sa harap ng Casa Rea, isa sa mga nangungunang restaurant sa Siargao na pagmamay-ari raw ng isang kilalang tao sa showbiz.

Madalas ang mga magulang niya rito noong nabubuhay pa. Kaya kabisado na rin niya ang lasa ng mga pagkain rito.

Naupo siya sa pinakasulok na mesa sa loob ng resto. Hindi kasi siya sanay sa mga tao. Epekto iyon ng madalas na paglipat nila ng tirahan na hanggang ngayon ay di pa niya alam ang dahilan.

Ibinaba ng lalaki ang dalang bag at naupo sa harap niya. "What do you want to eat?" tanong nito.

"Anything, hindi naman ako mapili sa pagkain" aniya. Napayuko muli siya. Bigla kasing bumalik ang mga alaala ang kanyang ina't ama sa lugar. Napaka-maramdamin niya pagdating sa ganito. Namimiss na niya ang kanyang mga magulang.

Habang kumukuha ng order ang lalaki, naisipan ni Ella na pumunta sa restroom upang ayusin ang sarili. Hindi na niya alam kung ano na ang hitsura niya. Ilang oras na rin silang nagbibiyahe.

Habang naglalakad ay nasulyapan niya ang isang makisig na lalaki na nakatayo sa malapit sa pintuan ng restroom, iniwasan niya ito ng tingin at itinuloy ang paglakad patungo sa kabila.

Nang malagpasan na niya ito ay biglang nagpanting ang kanyang tainga. Mga bulong ang naghari sa kanyang pandinig. Tinakpan niya ang kanyang tainga at napaaning na pumasulok sa loob ng isang cubicle sa loob.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Ito na ba ang sinasabi ng kanyang ina? Ito na ba ang panahon na hinihintay niya?

"Arghhh" malakas niyang sigaw matapos kumirot ang kaniyang tiyan na tila sinuktok ng paulit-ulit. Hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman. Pumipilipit ang mga laman na parang tuyong balat na kumakalas.

Natahimik siya nang may marinig na nabasag na glassware sa kabila. Ngunit hindi na niya itinuon pa ang atensyon doon. Inalis niya ang relo na suot at sinimulang maghugas.

Kumalibag ang pintuan sa kabilang restroom. Hindi na niya napigilan ang sarili na alamin kung ano ang nangyayari roon kahit sobrang hapdi at sakit ang kanyang nararamdaman.

Binuksan niya ang pintuang nakasara at tumambad sa kanya ang lalaking nasalubong. Nagdurugo ang mga mata nito at nagkalat ang dugo sa sahig. Lalong lumakas ang mga bulong na pumapasok sa kanyang tainga. Lalong kimirot ang kalamnan at tila may turnilyong pumapasok sa kanyang ulo.

Hindi niya alam kung bakit nang lumapit siya sa lalaki ay naging ganito siya. "Anong nangyari sayo?" aniya habang inilalapit ang kamay patungo sa balikat ng nakahandusay na lalaki.

Nang dumapo ang mga kamay niya sa balikat nito ay biglang siyang nakaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa lalaki patungo sa kanya. Napaluhod siya sa tabi ng lalaki habang hinahaplos ang ulong kinakain ng hapdi. Lalong lumala ang nangyari sa kanya. Namuti ang kaniyang mga mata at mga buhok.

Dali dali niyang inalis ang kamay mula sa pagkakahawak sa lalaki at nanumbalik ang kaniyang mga mata at buhok.

"Ano iyon? Bakit ganoon?" aniyang hinahabol ang paghinga.

The Fifth LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon