Kabanata 12

14 1 0
                                    

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa kwarto at kinuha ang mga gamit. Nag-check out na sila sa hotel.
“Nabusog ka ba?” tanong ni Marco sa kaniya.

Tumango lang siya. Ngumiti siya sa lalaki. Naglalakad na sila papunta sa carpark sa harap mismo ng hotel. Ipinasok nila ang mga gamit sa likod ng sasakyan at pumasok na sa loob.
Paulit ulit nalang na ganito ang ginagawa nila. Kung hindi tumatakas sa mga iba’t ibang tao, nagbibiyahe lang sila.

“Marco, salamat nga pala sa pagbuhat mo sakin kagabi ha. Kung hindi moko binuhat, malamang nilamig na ako roon.” aniyang nakatingin sa lalaking nagmamaneho.

“Wag mo na alalahanin yon. Mabuti nga at naalimpungatan ako eh.” pabirong wika ni Marco.

Ngumiti si Ella. “May iniisip lang ako kagabi, overthinking na naman” aniya.

“Try mo rin kasi ako sabihan,” aning lalaki na lumilingon lingon sa babae. “Kung gusto mo, harapin natin yan kasamang alak.” anito.

Napangisi siya sa narinig sa lalaki. “Oo naman. Pero kailangan pa nating tapusin lahat nang ito.”

Halos tatlong oras na ang nakalipas ngunit hindi parin sila nakakarating sa pupuntahan. Parang napakalapit lang naman niyon kagabi pero bakit parang lumayo?

“Tama ba yung direksyon natin Marco?” tanong niya sa lalaki.

“Sa tingin ko naman ay oo.” “Natatandaan kong dinaanan natin ito kagabi.”

Ilang liko sa kanan at kaliwa na ang ginawa nila at sa wakas nakarating na sila.

“Yes! Sa wakas nandito na!” aning babae. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makarating na sila. Mapalit na nga siya mabingi dahil sa paulit-ulit na tug-tog ni Marco sa sasakyan.

Bumaba sila sa sasakyan at kinuha ang gamit sa likod. Hindi kasi kayang ipasok ang sasakyan sa loob dahil na rin sa makipot na daan. Parang pang isang tao lang yung daan.

“Buhatin ko na gamit mo.” aning lalaki habang naglalakad sila.

“Ah hindi na Marco. Kaya ko na to, ang liit lang nitong bag ko eh. Baka nga di pa abutin sa kalahating kilo ito eh.” aniya.

Tumango lang ang lalaki at itinuloy ang paglalakad. Nagku-kwentuhan sila habang naglalakad. Para na rin mawala ang pagkabagot.

Kung tatantyahin ay halos 20 minuto pa sila maglalakad bago marating ang kabahayan. Mga palayan na ang nilalakaran nila.

Nakita ng lalaki ang tagaktak ng pawis niya sa kaniyang mukha. Kinuha nito ang panyo sa bulsa at inabot sa babae.

“Pawis mo oh, punasan mo. Pagod ka na ba?” tanong nito.

Inabot niya ito at ipinunas sa kaniyang mukha. “Salamat. Mukhang mauubos yung energy ko galing sa kinain ko kanina ah,” birong wika niya.

Nagpatuloy silang maglakad at sa wakas ay narating nila ang mga kabahayan. Bumalik ang kaba sa kaniyang dibdib. Napahawag siyang muli sa kaniyang kwintas.

Himinga siya ng malalim at tumungo sila sa mga kabahayan. Masigla ang buhay dito, at hindi masiyadong maiinit dahil natatakpan ng mga matatandang mga puno ang araw.
Napakaliit lang ng lugar ngunit maihahalintulad niya ito sa tondo – masigla at maraming tao na halos lahat ay magkakakilala. Ngunit dito ay mas payapa at maayos.

Naglalakad siya hawak ang kaniyang kwintas at nagtanong sa isang ale nasa harap ng tindahan. Nakatalukbong ito ng malong sa may ulo. “Ale, saan po yung bahay ni Tandang Rita?” tanong niya.

Napahawag ang ale sa braso niya dahil sa gulat nito. “Ay iha, susmiyo marimar. Nagulat naman ako sa iyo, sa susunod ay huwang mong gugulatin ang matanda.” anito.

“Sorry po, pero kilala niyo po ba si Tandang Rita?” paumanhin nitong wika.

“Si tandang rita?” tumango siya. “nakikita mo ba iyang malaking kubo doon sa may kaliwa? Yun ang bahay ni tandang rita. O siya sige at mauuna na ako sa inyo.” aning ale at umalis na.

Nagliwanag ang mukha ni Ella at tinungo nila ang bahay na itinuro ng ale.

“Tao po.” pagtatawag niya. Nasa harap sila ng bahay ni tandang rita. Pansin niya ang mga bote-boteng mga ugat ng mga halaman at mga pinatuyong mga dahon na nasa garapon. Nakasalansan ito at nakaayos sa harap ng bahay ng matanda. Mayroon ring mga bungo at horns ng mga hayop tulad ng kalabaw at usa na nakasabit roon.

“Iha, mabuti at nakarating kayo ng maayos, inaabangan ko ang pagdating niyo.” aning matanda.

Nagulat siya sa narinig ng matanda. Anong ibig niyang sabihin? Inaabangan nito ang pagdating nila? Para saan? Bakit?

Napangiti siyang pilit, “Ganun po ba? Mabuti nga po hindi kami napano.” sagot niya.

“Naamoy ko kagabi na nag-iba ang singaw ng lupa, ibig sabihin may darating.” aning matanda at umupo siya sa sahig. Mataas ang sahig ng bahay niya, tila elevated ito ng pasadya. Halos isa’t kalahating feet ang taas nito.

“Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tuloy ng matanda.

Hindi na siya nagdalawang isip magkwento, “Mayroong po kasing parang mahiwagang nagyayari sa akin. Gusto ko lang po malaman kung ano pong nangyayari sa akin.”

Nagsimula na siyang magkwento sa matanda. Wala siyang pinalampas na kahit katiting na detalye.

“Napakasalimuot naman ng buhay mo iha,” aning matanda. Tama ito, masalimuot nga ang buhay niya. Sa dinami-dami ba namang mga kamalasan at kamatayan na dumating sa kaniyang buhay.

Napayuko siya at hinaplos muli ang kwintas sa kaniyang dibdib sa kanina ay pumaloob sa kaniyang suot na tshirt.

Nabaling ang atensyon ng matanda sa kwintas. “Tanglaw!” biglang wika nito. “Isa kang tanglaw?” aning matanda.

“Ano po?” wika niya. Hindi siya nakagalaw sa pagkabigla. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Nagulat siya.

“Ang kwintas na iyan ay sa mga tanglaw, isang uri ng mga babaylan na nakakakita ng hinaharap.” aning matanda. “Saan mo nakuha iyan?”

“Bigay po sa akin ng mama ko.” sagot niya. Nakaupo na sila.

Napapisil siya sa legs ni Marco at hinawakan ang kamay ng lalaki. Hindi niya alam kung gaano kasaya si Marco sa ginawa niya. Hindi naman sa inenejoy ni Marco pero natutuwa lang ito kapag kumukuha ng lakas sa loob ang babae rito.

Inalis niya ang kwintas na suot at ibinigay ito sa matanda. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Basta ang nasa isip niya ay malaman kung ano ang ibig sabihin ng kwintas at kung ano ang kinalaman nito sa buhay niya.

The Fifth LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon