Kabanata 5

96 7 0
                                    

"MAY I interrupt you?" tanong niya sa naguusap na babae at lalaki sa sulok ng Casa Rea. Hawak niya ang punda ng unan. Nakatago ito sa kaniyang likod.

"Ikaw na naman?" iritang wika ng babae.

"Would you mind?" tanong niya habang itinuturo ang upuan sa harap niya. Gusto niyang umupo sa tabi nila upang makapag usap ng maayos.

Napalunok ang babae. Napayuko na lamang siya nang hindi na alam ang sasabihin. "No, I don't mind" mahinang wika ni Ella.

Nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sagot nito. Naupo siya sa upuang nasa harap niya at kinundisyon ang sarili para magawa ang tunay na mithiin.

"I am Ashton Romoss, I am the owner of this resto" aniyang nakangiti. Naghihintay ang kamay niya para sa isang handshake.

Natulala si Ella nang marinig siya. Hindi ito makapaniwalang ang lalaking kinaiiritahan nito ay ang may-ari ng restaurant na kinakainan nila.

"I am Ella, Ella Peralta. Sorry for my attitude." sagot nito habang nakatingin lamang sa kamay niya. Iniisip tuloy ni Ashton na kaya ayaw nito makipagkamay ay dahil sa nangyari kapag nagdikit ang mga balat nila.

Ibinaba niya ang kaniyang kamay. "Sorry" aniya. "So let's talk. Nandito ako kasi may gusto sana akong tanungin. Do you know this thing?" aniya habang inilalapag ang punda sa ibabaw ng mesa.

"Oh, design yan ng kwintas mo Ella" wika ng lalaking nasa kanan niya.

Napalunok lamang ito. Pansin ni Ashton na nag-iba ang timpla ng babae. Pero hindi dapat siya magpadala sa emosyon. Kailangan niyang malaman kung ano ba talaga ang disenyong iyon.

"Hindi sa akin itong kwintas na ito. Galing ito sa aking ina. Iniwan niya ito sa akin bago siya pumanaw. Ang sabi niya, sa mga ninuno pa namin ito." aniya. Napayuko ito nang biglang tumulo ang luha.

Napatingin siya sa babae. "Maaari ko ba itong hawakan?" tanong niya. Sobrang curious na siya. Akala niya noong una na nag-iisa lamang ang disenyong iyon.

Nakatingin lamang si Marco sa kanila. Inaaliw ang sarili sa pagkalikot sa pagkaing nasa harapan.

Inalis ng babae ang kwintas na suot mula sa likod ng leeg at ibinigay sa kaniya. Nabighani siya sa ganda ng kwintas na hawak. Napakakinang. Nangniningning ang kulay gintong kwintas na tadtad ng mga diamante at mga ruby.

Nasa palad niya ang kwintas. Namamangha siya sa laki nito. Sakop na ng kwintas ang malaking bahagi ng kaniyang palad. Nagulat sila nang biglang umilaw ang Buwan at araw sa kwintas. Napakaliwanag nito. Naipako ang kaniyang mata sa mga salitang nakaukit sa likod ng kwintas. Hindi niya ito maintindihan.

Nagulat rin ang babae dahil unang beses palang niya itong makita. Matagal na nitong suot ang kuwintas ngunit ngayon pa lamang iyon nagliwanag ng ganoon.

"Sa pagyakap ng araw at buwan;
Ng dalaga at binatang hirang.
Mga kaguluha'y mapaparam.
Tanging ang Tanglaw ang kasagutan."

Nagulat siya nang basahin ni Ella ang buong teksto na walang kahirap hirap. Ano ba ang mayroon sa babaeng ito at balik tila iba ang dulot sa kaniya. Anong hiwaga ang bumabalot rito?

"Ano bang salita iyan? Bakit hindi ko mabasa at maintindihan?" tanong niya habang tinitignan pa rin ang kwintas.

"Hindi ko alam, ang nakikita kong nakasulat ay hindi tulad ng nakikita niyo. Siguro, may kakaiba nga sa akin" aniya.

Napailing siya. Napaisip siya ng malalalim. Nang una niyang makita ang babae, nanakit ang iba't ibang parte ng katawan niya, nang hawakan siya ng babae, may kuryenteng dumaloy sa katawan nila, mayroon silang mga bagay na pagmamay-aring magkatulad ang disenyo at nang hawakan niya ang kuwintas ay umilaw ito ang naglabas ng salitang hindi niya maintindihan. Ano pa nga ba ang iisipin niya? Tila konektado ang lahat ng nangyayari sa kanila.

"Noong una mo akong makita, may kakaiba ka bang naramdaman?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ng babae.

"Ahemmm. Baka nakakalimutan mo, nandito pa ako" aning lalaki na nasa kanan niya.

"No, what i mean is, may naramdaman ka bang pagkahilo, pananakit ng mga mata or anything?"

Napalunok ang babae. "Pano mo nalaman? I mean nagsimula lang ito pagtuntong ko ng 18, today is my birthday" aniya.

Nagliwanag ang mukha niya nang malamang ganoon rin ang nangyayari sa babae. Tama ang kaniyang hinala. "You know what, Una palang kitang nakita, may kakaiba akong naramdaman eh" aniya. "All these things, hindi lang ito coincidence, may ibig sabihin ang mga ito" aniya habang itinuturo ang kuwintas at punda ng unan.

"And I am eager to know what these means. Importante ito sa akin. I want to see things clear" aniya. "Tutulungan mo ba ako?" tanong niya. Pansin niya ang takot sa mga mata ng babae.

"Sarili ko nga hindi ko matulungan eh. Ikaw pa kaya. You know, A-Ashton, ayaw kong madamay ka pa sa gulong ito." aniya. Matalim nitong tinitigan ang mga mata niya.

"Gulo? what do you mean gulo?" tanong niya. Napapirmi siya sa upuan. Anong sinasabi ng babae sa kanya? Na-curious na tuloy siya sa pagkamahiwaga ng babae.

"It's a family matter. You need not to know the details. Tsaka I will not work with you" aniya. "Let's go!" tumayo ito at inaya si Marco.

Naiwan siyang mag isa sa upuan. Hindi maaaring hindi niya malaman ang dahilan ng mga mapapait na pangyayari kanina lamang. Kailangan niyang mapa-oo ang babae.

Tumayo siya at pinigilan ang babae. "You need to help me. Now I'm curious about you" aniya. Nakabukas ang buong bisig nito sa harap ng glass door sa entrance ng resto.

"Ayaw mong umalis? P'wes, magdusa ka." anito. Itinaas nito ang kanang kamay na tila may hinuhugot mula sa hangin. "Fermetus uvanla gimarfus e tiveras". wika ng babae. Nagulat siya sa binigkas nito. Ano ang ibig nitong sabihin?

Pansin niya ang galit na bumabalot sa babae. Matalim ang tingin nito. At naggigirit ang mga ngipin. Ilang segundo ang lumipas ay tumigas ang buong katawan niya. Wala siyang naramdaman. Tila naging estatwa siya.

Nang makitang nanigas na siya ay umalis na ang dalawa sa Casa Rea. Naiwan siyang nakatayo sa entrance na hindi alam kung hanggang kailan siya magiging ganoon.

The Fifth LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon