ABALA siyang nagaayos sa may counter habang nakasalang ang malakas na tugtog sa speakers. Kailangan na niyang magmadali dahil sampung minuto nalang ay magbubukas na sila.
Kasama niya sina Marco at Ashton na abala namang nagbababa ng mga upuan na nakapatong sa mga mesa. Napangiti siya. Wala na sa isip niya ang nangyari kagabi. Mabuti na lang at ipinagkibit balikat nalang niya iyon at huwang gawing big-deal.
Inaayos niya ang pagkasalansan ng mga pera sa drawer ng cashier, hindi kasi ito naka-ayos. Ganoon siya, napakaperfectionist rin katulad ni Marco.
Natapos na siyang mag-ayos at maglinis sa may kahera at tapos na ring magbaba ng mga upuan ang mga boys. Kinuha na niya ang apron at isunuot na ito. Siya na naman ang nakatoka sa may kahera ngayong araw.
Nagbukas na nga sila ng store at agad namang may mga customer na pumasok. Karamihan ay mga suki na ng Casa Rea na nakahiligan na ang pagkape ng umaga rito.
“Good Morning, Welcome to Casa Rea!” bati niya sa mga pumapasok na kustomer.
Nabaling ang atensyon niya sa napakagandang babae na nakasuot ng malaking hat at nakaitim na shades. Nakasuot ito ng robe na tila ready na para magpa-araw.
“Good Morning Ma’am, what’s your order po?” aniya.
Napatingin ang babae sa kaniya na ngayon ay nasa harap niya. Tinignan siya nito pataas at pababa. Aba, mukhang mataray ang babae. Ngunit hindi niya dapat ito sungitan dahil customer parin nila ito.
“You’re new here, i guess?” anito at ibinaba ng bahagya ang suot na shades. Nakakunot ang noo siya at tila magsasalubong na ang mga kiay nito.
Natulala siya. “Ah...Opo...Ma’am...” Patual niyang sagot.
“I knew it, kadalasan kasi na pupunta ako dito, hindi na tinatanong ng mga staff kung ano ang order ko kasi alam na nila iyon.” anito. Hindi naman niya kasalanan kung hindi niya alam ang order ng babae pero bakit hindi pa nito sabihin ng deretsahan kung anong order nito. Naiirita na siya.
“So, may i have your order now please,” aniya at hindi nalang pinatulan ang babae.
“My usual,” anito at pumunta na sa table malapit sa may bintana.
Nagngitngit ang mga ngipin niya. Napakasopistikada ng babae at tila galing sa mayamang pamilya ngunit hindi maganda ang first impression niya rito.
“Wala namang ‘my usual’ na nakalagay sa menu ha.” aniya sa sarili at nagtanong na lamang sa mga dating nakatoka sa cahier.
“Pau, kilala mo ba yun? nag order kasi ng ‘my usual’ eh hindi ko naman alam kung ano tinutukoy niya.” aniya sa katrabaho.
“Asan?” tanong ng babae at itinuro niya ito.
“Ayun, yung naka sumbrero ng malaki.”
“Ah, espresso lang order niyan tsaka strawberry cake.” sagot nito.
“Salamat, sige at ipunch ko na para ma prepare na.”
“Sya nga pala, girlfriend ni sir Ashton iyan.”
Parang natigilan siya sa narinig. May girlfried si Ashton? Hindi siya makapaniwala. Anong ibig sabihin nung paghalik nito sa kaniya kagabi?
Napalunok siya. “Sige, ano ka ba, di ko naman kailangan malaman iyon.” sagot niya sa babae. Tama, hindi naman niya talaga kailangan yon malaman pero sa loob-loob niya ay kailangan nalaman niya iyo bago pa man siya nagkaroon ng feelings sa lalaki. Tila natalo siya ngayon, dahil may girlfriend pala si Ashton.
Pinunch na niya sa counter ang order ng babae at kinuha ang order ticket. Hinanda na niya ang inumin sa espresso maker na nasa kanan. Pagkatapos mahanda ang inumin ay inilagay na niya ito sa plateboard at kumuha ng platito upang lagyan ng strawberry cake. Inilagay niya rin ang cake sa plate board. Hindi naman siya napagod maghanda dahil madalo lang naman ang gagawin. Lalo na’t si Ashton din ang nagturo sa kaniya.
“Order” sigaw niya at lumabas si Ashton mula sa kitchen upang ihatid sa mesa ang hinanda niya.
“Saang table?” aning lalaki.
“Doon sa malapin sa window. Yung babaeng nakasumbrero ng malaki” aniya sabay turo sa babaeng kasalukuyang nakatingin sa bintana.
Ngumiti si Ashton sa kaniya at naglakad na ito patungo sa babae.
“ORDER niyo Miss” aniya nang makarating sa table ng babae. Nakatingin parin ito sa bintana ngunit napalingon nang marinig ang boses ng binata.
“Hi Ash, Surprise” aning babae at ibinaba ang shades na suot.
Nagulat si Ashton sa nakita. Hindi ito makapaniwala. Totoo bang si Justine ito? Napalunok siya ng malalim dahil hindi nito alam kung ano ang mararamdaman. Matutuwa ba siya na makita ang babae? Naguguluhan siya.
“Ah... Ikaw pala Justine.” pautal niyang sabi. “Kailan ka pa nandito” tanong niya habang ibinababa ang order ng babae.
“I just got here kagabi, well I wanted to see you last night pero mukhang maaga ka nakatulog. Would you mind if I request you to take a seat?” anito sa kaniya na nakatayo sa harap ng babae.
“O sure, no problem” sagot niya at umupo. Kinakabahan siya dahil baka tanungin siya ng babae ng napakaraming tanong. Kung bakit niya ito iniwasan at bakit hindi na siya nagparamdam.
“So how are you? It’s been months mula noong hindi tayo nag-usap. You look stressed ha”
“Mabuti naman ako, eto abala ako sa pagmanage ng business dito sa Siargao habang wala pang bagong project.” aniya.
“I heard showing na yung serye nyo, kaya I watched one time. Tapos naalala kita, bigla kitang namiss.”
Napayuko siya sa sinabi ng babae pero ni isang salita ay wala siyang masabi.
“Please come back to me Ash, I know matagal nang hindi tayo nag-usap, pero I still love you.” aning babae na nagmamakaawa. Hawak niya ang kamay ng lalaki.
Sunod-sunod ang paglunok niya nang marinig ang sinabi ng babae. Tama ba ang dinig niya? Nakikipagbalikan ito sa kaniya? Kailangan na talaga niyang i-assess kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Hindi maaaring padalos-dalos lang siya sa mga magiging desisyon niya.
“Order” sigaw ni Ella sa may counter. Napalingon siya.
“I’ll talk to you soon Justine.” aniya at umalis sa harap ng babae. Mabuti nalang at may mga order na idadala kung hindi na hotseat na siya. Hindi pa man din niya alam ang mga isasagot.
“Coming.” sagot niya at pinick-up at inilipat ang laman ng plateboard na nasa counter sa hawak niyang plateboard. Idinala niya ito sa customer na malapit sa kinauupuan ni Justine.
Ilang minuto lang ang lumipas ay bigla ring tumayo si Justine at lumabas ng Casa. Ni hindi nito nagalaw ang order na espresso at cake.
Napalingon siya sa babae nang mapansing papalabas na ito.
Natulala siyang nakatayo hawak ang plateboard.
“I’m a mess” aniya sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Fifth Lie
Historical FictionHIGHEST RANK: #14 05/05/18 Paano kapag nalaman mo ang katotohanan ng iyong pagkatao? Tatanggapin mo pa ba ang sarili mo bilang isa o kikitilin na lamang ito upang matigil na?