Kabanata 15

11 0 0
                                    

“Can I have a milk tea cream cheese,”

“Sugar content po?” aniya

“50. Tsaka dito sa cake na ito,” aning babae habang tinuturo ang cake.

“Okay Ma’am. Please take a seat po muna while we prepare your order.” aniya.

Mukhang nasasanay na siya sa trabaho sa Casa. Mabuti nalang at tinutulungan siya nina Marco at Ashton. Nakabantay lang lagi si Ashton sa tabi niya at kung may hindi siya alam ay natatawag niya ito. Si Marco naman ang taga-remind niya na dapat easy-han lang niya ang trabaho. Na hwag siyang masyadong maging robot.

8 PM na ng gabi, malapit na silang magsara. Ang normal closing hour nila ay 10 PM ngunit minsan, kahit 8 pm palang ay nagsasara na sila dahil hindi naman milk tea or matatamis na drinks ang hanap ng mga tao tuwing gabi. Kadalasan ay nasa bar sa malapit ang mga ito sa ganoong oras.

“Pahinga ka muna,” aning Ashton.

“Hindi pa naman ako masyadong pagod, okay lang ako.” sagot niya.

“Ayaw mo bang mamasyal muna at magliwaliw sa seashore?”

Nagliwanag ang mukha niya nang marinig niya ito. Gustong gusto niyang makasama ang lalaki lalo na kapag private time.

“Paano mga customers natin?” aniya. Ngunit sa loob loob niya ay gusto na niyang lumabas mula nung mag-offer ang lalaki.

“Apat nalang naman customers natin, matumal na kapag ganitong gabi.” sagot nito. “Tsaka meron naman si Marco,” anito at nagbigay ng senyas sa lalaki.

Natahimik lamang siya at nagkunwaring nag iisip. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas at umoo na rin siya.

Lumabas sila ng Casa at naiwan si Marco sa loob. Nasa tapat lang ng dalampasigan ang Casa kaya kauting lakaran lang ang ginawa nila. Napatingin siya sa kalangitan at nakita niya ang mga bituwin na nagkalat. Walang mga ulap ngayon, mainam para sa pag-star gazing.

“Upo tayo.” aning lalaki nang makarating sila sa may malapit sa tubig.

Umupo ang lalaki at umupo na rin siya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Hawig nito ang mga panaginip niyang pabalikbalik. Hindi niya alam kung paano makikipag-usap sa lalaki dahil kinakabahan siya. Nahihiya? o kinikilig?

Nakatingin lang sila sa mga alon na humahampas sa dalampasigan. Nakakapagpakalma ang tunog nito at napakagandang pagmasdan ang pabalikbalik na tubig.

“Mabuti nalang, nawala na yung kung ano man yung pumipigil na magkasama tayo.” binasag ng lalaki ang katahimikan.

Napatingin siya sa lalaki. “Oo nga, kung hindi, baka ngayon, iniiwasan parin kita at hindi tayo magkasama ngayon.”

Mabuti nalang talaga.

“Alam mo, noong una kitang makita, akala ko napaka-suplada mo at masungit.” aning lalaki

“Bakit?”

“Pero, nung naka-usap kita...” pagpapatagal nito.

“Ano?” natawang tanong niya.

“Totoo pala, napakasungit.” sabay tawa ng lalaki.

“Hay nako, kung hindi mo lang ako inaway noon, baka hindi kita nasungitan no” napangisi ang babae.

“At kung hindi mo ako inaway, baka hindi ako nahulog sayo” sa isip niya.

“Hindi naman kita inaway ah. Grabe to, nagtanong lang ako noon.” aning lalaki.

Marahil ay yaon ang simula ng kanilang pagkakilala. Kung hindi sila nagka-sumbatan noon, hindi sila magkasama ngayon. Blessing in disguise? Pwede. Pero sila rin ang gumagawa ng kapalaran nila.

“Minsan napapa-isip ako.” biglang pasok ng ideang ito ni Marco.

“Bakit? Anong naiisip mo?” tanong niya.

“Bakit kaya hindi tumitigil itong mga alon sa pagbalik-balik sa dalampasigan?” aniya.

Napaisip rin siya, gusto niyang sabihin sa lalaki na ganoon ang tunay na nagmamahal, kahit ilang beses umalis, babalik at babalik parin siya kung talagang mahal niya yung tao, ibang kwento nga lang kung wala na siyang babalikan.

Ngunit hindi niya ito masabi. Baka pagtawanan lang ng lalaki ang kakornihan niya.

“Hindi ko rin alam, dahil sa pag-ikot ng mundo?” sagot niya sa lalaki.

Napatawa ito. “Grabe, napaka scientific mo naman mag-explain ng mga bagay-bagay. Try mo naman maging korni minsan.

Natawa lang siya sa sinabi ng lalaki at tumahimik. Bumalik muli ang katahimikang tanging ang paghampas ng tubig ang dinig. Ayaw niya ng ganito siya, na nahihiya kay Ashton. Gusto niyang mag-open up pero parang maaga pa para gawin iyon.

Humiga ang lalaki sa buhanginan. “Ang ganda talaga ng mga stars.” “Grabe iniisip ko kung paano lumiliwanag yang mga yan.”

Napatingin rin siya sa itaas. Nakaupo parin siya sa tabi ni Ashton na nakahiga. “Oo nga, kaya paring magliwanag kahit ang dilim ng mundo.” aniya at nagbuntong hininga.

“Grabe, ang lalim mo talaga mag-isip,” aning lalaki. “Just for once, i-loosen up mo naman sarili mo,” tuloy nito.

Tama siya. Siguro nga kailangan na niyang mag loosen up. Iba na ang sitwasyon ngayon, pwede na siyang mag-open sa lalaki, pwede na niya gawin ang mga gusto niyang gawin kasama ito. Ngunit paano? Hindi siya ganoon ka-confident na magpapansin at mag-open sa lalaking kakasimula palang niyang kilalanin.

Hindi rin kasi niya alam kung paano. Ikukwento ba niya ang buong buhay niya? Yung mga nagpaluha sa kaniya? At ang buong history ng masalimuot niyang buhay? Hindi. Hindi niya kayang ikwento lahat ng iyon dahil mas lalong babalik ang mga alaala niya rito.

Napahiga na rin siya at natahimik.

“Alam mo nung bata ako, lagi kaming nagsi-star gazing ni papa. Siguro yun ang dahilan kung bakit ako nahilig sa mga celestial bodies.” pagbukas niya ng topic.

“Totoo? Mahilig ka?” aning lalaki na humarap sa kaniya. “Anong paborito mong star?”

“Oo. Ang paborito kong star ay si Magnus.” aniya.

“Ha? Meron ba nun? Akala ko scientific names lang pinapangalan sa mga bitwuin.” pagtataka ng lalaki.

“Actually, pinangalanan ko lang iyon, pero hindi ko talaga alam ang totoong pangalan. Yun yung bituwin na kulay asul na namumula, minsan sa tatlong buwan ko lang iyon makita. Simula noong nakita ko iyon, naging pabirito ko na.”

“Sana ako rin, maging paborito mo” pabulong ng lalaki.

Hindi ito narinig ni Ella. “Napakaraming mga bituwin, sabi nila lahat ng mga namamatay, nagiging stars, sila yung nagbabantay sa atin tuwing gabi,”

“Alam mo sinabi rin yan sa akin ni Kristine, pero hindi ako naniwala sa kaniya. Now, may validation na na totoo nga iyon. Ang dami niyo palang naniniwala doon.

“Alam mo, mas mabuting may paniwalaan ka kahit hindi naman totoo, basta makapagdulot sayo ng satisfaction at contentment.” aniya at tumahimik muli.

Muling bumalik ang katahimikan at tanging ang tunog ng alon ang muling sumakop dito.

The Fifth LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon