Kabanata 4

89 6 0
                                    

LUMABAS siya sa maintenance room at tumungo sa restroom upang maghugas ng kamay. Napakamot siya ng ulo ng biglang pumasok na naman sa isipan niya ang burda na nakita.

Ano nga ba ang burdang ito? Bakit tila napakalaking bagay nito para sa kanya?

Nasa harap siya ng pintuan nang may babaeng dumaan at tumungo sa pambabae. Naipako ang mata niya rito at hindi nakibo. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naramdaman niya.

Tinitigan niya ang sarili sa salaming nasa loob ng restroom. Hindi siya mapakali. Nagsimulang lumabas ang malabutil na pawis sa kaniyang noo. Hindi siya kinakabahan. Pero tila idinidikta ng katawan niya na pagpawisan at pabilisin ang tibok ng puso niya.

"Ashton, Relax" aniya sa sarili. Malamang ay nahuli siya ng mabighaning mata ng babae. Hindi naman siya ganito sa karaniwang babae. Tila may kakaiba sa babaeng ito.

Nagulat siya nang biglang may sumigaw na nasasaktan sa kabilang restroom. Sigurado siyang ang babaeng nakasalubong iyon. Dali-dali siyang naghugas ng kamay upang tingnan ang babae, ngunit hindi siya makalabas sa pintuang hindi naman sara pero tila may glass door na pumipigil sa kanya.

Nagpanting ang kanyang pandinig na tila may bumubulong ng mga salitang hindi niya maintindihan. Napakalakas nito. Hindi na niya kaya. Inilapit niya ang sarili sa harap ng salamin at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa kaniyang mga mata.
Kumirot ang kaniyang mga kalamnan at tila kumakalas ang mga ngipin.

Natatakot siya sa nangyayari. Hinawakan niya ang doorknob at ibinalibag na isinara ang pinto. Napahandusay siya sa sahig nang unti-unti siyang nawalan ng enerhiya.

Tanging ang nakikita lamang niya ay ang burda ng unan na iyon. Magulo parin sa kanya kung ano nga ba talaga iyon. Iniisip na lamang niya na sana ay nanatili nalang siya sa Maynila.

Narinig niya ang pagkabog ng yapak mula sa kabila. Nakahandusay parin siya sa sahig. Dama niya ang pagpasok ng lamig mula rito patungo sa kaniyang katawan. Bumukas ang pinto ng restroom. Pansin ng babae ang dugo na nagkalat sa sahig. Nagulat ito nang makita siyang nakahandusay at duguan.

Bahagyang nakabukas ang kaniyang mata. Kahit anong pilit niyang ibukas ito ng buo ay hindi niya magawa. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Lumapit ang babae sa kanya at hinawakan siya. Ngunit dahil sa kakaibang sensyanson na dumaloy mula sa katawan niya patungo sa babae ay napalayo ito.

Nagising siya. Tinignan niya ang paligid at pansin nitong kahit isang bakas ng dugo ay walang makita. "Sino ka? Anong ginawa mo sa akin?" aniyang takot na takot na lumayo sa babae.

Napalayo rin ito sa kanya. "Wala akong ginagawa sayo ah" sagot nito. Pansin nito ang takot na nararamdan niya. Nanginginig siya na hindi alam ang gagawin.

Ngunit nahulog ang atensyon niya sa kwintas na suot ng babae. "Saan mo nakuha iyan?" nagdilim ang paningin niya. Napabigat ang pagkasabi niya. Napatayo siya at lumapit sa babae. Magkatulad kasi nito ang disenyo ng punda ng unan at kuwintas nito.

Natakot ang babae at napaatras ito ng ilang hakbang. "Huwag mo akong hahawakan" aniya. Hindi nito alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng lalaki.

"Sino ka ba? At bakit mayroon ka niyan? Anong meron sayo? Siguro alam mo rin kung ano ang nangyayari sa akin?" tanong niya. ilang sentimetro lang ang layo kanilang mga mukha. Nakatitig siya sa mga mata ng babae.

Nagulat ang babae. Hindi kasi nito alam na may nangyayari sa kanya na tila katulad ng nararanasan nito. "A- anong ibig mong sabihin?" tanong nito sa kanya sabay tulak papalayo.

Nang nadampi ang mga palad nito sa dibdib ng lalaki ay nakaramdam sila ng kuryente dumaloy sa kanilang mga kamay.

"Naramdaman mo iyon?" tanong niya sa babae. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib na tila iniisip kung bakit may ganoong sensasyon.

"Sino ba ang hindi makakaramdan niyon" pabalang nitong sagot. Suguro ngay hindi talaga mahilig makipagkapwa tao ang babae. Marahil ay ganito ang nakagisnan.

"Can I talk with you?" tanong niya sa babae. "I know there's something about us, you know what I mean? I think we're alike." aniya. Napangiti siya habang sinasabi ito.

Napayuko lamang ang babae. Hindi nito kayang tumitig sa lalaki dahil ang mga mata ni Ashton ay tila sumisigaw na apoy na nais kumawala. Nagbabaga, Ito ang tingin ng babae sa kaniya, punong puno ng galit ang puso at madilim ang nakaraan.

"Hinihintay na ako ng kaibigan ko" aniya. "Mag-tagalog ka, nagpapakadayuhan ka sa sarili mong lupa" wika nito at umalis sa harap niya.

Naiwan siya sa loob ng restroom. Maraming tanong ang gumugulo sa kaniyang isipan. Inayos niya ang kaniyang sarili. Kailangan niyang kilalanin ang dalaga. Ito lang ang kasagutan sa mga tanong sa isipan niya.

Natapos siyang maghilamos ng mukha upang alisin ang mamantikang elemento nito ay inabot niya ang tuwalya sa drawer sa ilalim ng lababo. Pinunasan niya ang kaniyang mukha upang matuyo.

Tumungo siya sa loob ng Casa Rea upang tumulong. Habang isinusuot niya ang apron sa kaniyang baywang ay napansin niya ang babae na nakaupo sa sulok kasama ang isang lalaki na kung iisipin ay kanina pa naghihintay ng order.

"May I ask your order po?" aniya. Nanginig ang boses niya. Hindi naman siya kinakabahan, marahil ay dahil lumapit na naman siya sa babae.

"We already ensured our order, you can ask the cashier" sagot ng lalaking kasama ng babae. Napansin kasi nito na hindi komportable ang babae kapag malapit sa mga lalaki maliban sa kanya.

"Okay sir. I'll check nalang. Make your self comfortable here in Casa Rea. Good Morning" pagbating insulto ni Ashton. Naiinis siya dahil napakaganda nang tanong niya ngunit pabalang ang sumbat sa kaniya.

Bumalik siya sa kitchen at inalis ang apron na suot. Ganoon ba talaga sila? Hindi sanay sa mga tao? Bakit parang napakahirap nilang lapitan. Dali-dali siyang lumabas sa pintuan sa likod ng kitchen area. Pumunta siya sa rest house niya. Ilang yapak lang naman ito mula sa Casa.

Pumasok siya sa kaniyang kwarto at nagmamadaling hinanap ang punda ng unan. Ang pagkakaalam niya ay nasa higaan niya iyon kaya pumunta siya roon. Nganit laking pagtataka niya nang makitang wala na ang punda ng unan roon.

"Kristine!!!" napasigaw siya sa kaba. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa at tinawagan niya ito.

"Hello Kristine!" aniya, "nasaan yung punda ng unan ko?" tanong nito sa kaniyang PA.

"Ah, isinilid ko na sa basket. Hindi mo naman na gagamitin diba?" sagot nito. Agad niyang ibinaba ang tawag at dali daling tumungo sa laundry area. Kinalkal niya ito.

Nakahinga na siya ng maayos nang makita at mahawakan ang punda ng unan. Ipapakita niya ito sa babae at tatanungin kung may alam siyang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.

The Fifth LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon