Kabanata 16

8 1 0
                                    

MATAGAL na katahimikan ang naghari. Hindi na sila nagkibuan at nakatitig lang sila sa mga bituwin. Naka-ipit ang dalawang kamay niya sa ilalim ng kaniyang ulo habang naka lagay naman sa tagiliran ng babae ang mga kamay nito.

Napalunok siya ng malalim. Gusto niyang makipagkwentuhan sa babae ngunit wala rin siyang lakas ng loob. Pareho sila.

Dahan-dahan siyang humarap sa babae na nakaharap sa kawalan, pinagmamasdan nito ang mga bituwin.

Nilapit niya ang mukha niya sa babae. Nagulat ito. Dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi niya sa mga labi nito. Napapikit ang babae at hindi nakapagsalita. At itinuloy nila ang halikan kasabay ng pagkabog na naririnig sa kanilang mga puso.

Dahan-dahan niyang nilaro ang mga labi nito kasabay ng pagpasok ng dila niya rito. Marahang nakipaglaro ang kanilang mga dila. Naghahabol na ng hininga ang babae.

Nakapatong siya sa babae habang nakabuka ang dalawa hita nito. Nakahawak ang babae sa batok niya at dahan-dahang hinahaplos siya sa ulo.

Natigilan siya nang maramdamang nanigas ang nasa baba niya. Bumalik siya sa pagkakahiga sa buhanginan. “Wooooh!” aniya. Napagod siya.

Tahimik lang ang babae sa tabi niya habang pinupunas ang malamunggong pawis na namuo sa noo nito.

“Sorry,” aniya sa babae. Hindi siya makatingin dito. Nakatingin lang siya sa kalawakan.

Napansin niyang bumangon ang babae mula sa pagkakahiga at inayos ang damit. Naghintay ito ng limang segundo bago magsalita. “Balik na ako sa Casa.” anito.

Tumayo ang babae at naglakad. Naiwan siya na nakahiga. Hindi niya alam kung bakit nangyari yun. Pero aminado siyang gusto din niya. Paano na lamang niya kakausapin si Ella tungkol dito? Napaka-duwag niya.

Nagmuni-muni siya ng tatlumpung minuto bago bumangon. Kailangan niyang pag-isipan kung pano kausapin ang babae. Baka nabastos niya ito? Ano kayang naramdaman ng babae?

Tumayo siya at tumungo sa bahay. Hindi na siya dumaan sa Casa. Hindi kasi siya sigurado kung ano ang nararamdaman ng babae.

Isinara niya ng marahan ang pinto ng kwarto niya. Hawak niya ang kaniyang cellphone na kanina pa tumutunog.

Inihiga niya ang sarili sa kaniyang higaan. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon. Malayang nakaibabaw ang mga braso niya sa kama habang hawak niya ang cellphone.

“Calling Justine...”

Napaisip siya kung sasagutin nya ba ito. Matagal na silang hindi nag-uusap ng babae. At wala na nga yata siyang balak makipag-ayos rito. Aminado siyang kasalanan niya naman ang lahat pero mataas ang pride niya. Mismong ang babae na ang gustong makipag-ayos sa kaniya pero matigas parin siya.

Anim na buwan na rin ang nakalipas mula noong hindi siya nagparamdam sa babae. Iniwan lang niya ito matapos ang isang maalab na gabi nila bago siya magsimula sa taping ng teleserye niya. Nang-iwan at di na nagparamdam. Ghinost niya si Justine.

Kung tutuusin, hindi naman talaga si Justine ang tipo niya. Maybe kailangan lang niya ng mapagtutuunan ng oras noon lalo na’t nakakapagod at nakaka-stress ang pag-aartista niya. He’s not a player though. Bilang lang sa kamay ang mga nakarelasyon niya.

Nakapikit siyang nakahiga ngunit hindi siya tulog. Nag-iisip siya.

“Deserve ba ni Justine yung ginawa ko?” aniya sa sarili.

Hindi niya alam kung ano ang kailangan niyang gawin. Kung makipag-closure ba sa babae o ituloy ang relasyon nila?

6 months of no calls or text is such a long time. Siguradong tuyo na ang feelings niya sa babae. Hindi na niya kayang ibalik ang dati niyang nararamdaman rito ngayong mayroon na si Ella.

Bigla siyang bumangon at hinawi ang buhok papunta sa likod. Tumigil na sa kakatunog ang kaniyang cellphone. Inilapag niya ito at pumunta sa restroom.

Nakaharap siya sa salamin at tinitigan ang sarili.

“Ikaw, Ashton, what do you want? Don’t be a douchebag.” aniya sa sarili niya sa salamin.

Naghilamos siya at tinitigan muli ang sarili sa salamin. Itinuro niya ang repelksyon niya sa salamin. “Ano bang gusto mo ha Ashton?” aniya sa sarili at tinuyo ang basang mukha gamit ang maliit na twalya na nasa balikat niya.

Bumalik siya sa kwarto at naupo sa kama. Dinig niya ang pagsara ng pintuan sa ibaba. Nakauwi na rin sina Ella at Marco. Kinabahan muli siya. Pumunta siya sa pintuan at ini-lock ito.

Bago pa siya makabalik sa kama ay biglang may kumatok sa kaniyang pinto. Napalingon siya. Dahan-dahan siyang lumapit rito at sinilip kung sino ang nasa labas mula sa maliit na butas na nasa pinto – si Kristine.

Nakahinga siya nang maayos nang malamang si Kristine iyon. Binuksan niya ang pintuan at ngumiti sa babae.

“Hindi ka pa kumakain, samahan mo sina Ella sa baba” aning babae na parang nanay.

“Mamaya na ako kakain, hindi pa naman ako gutom.” aniya at napatango lang ang babae. Bumaba na rin ito.

Isinara niya ang pintuan at bumalik sa kaniyang kama. Hindi pa siya gutom marahil, dahil busog pa siya mula sa mga halik ng babae. Napahawak siya sa kaniyang mga labi at inimagine muli ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa labi nito.

Aminado siyang kinikilig siya. Pero mayroong side ng kaniyang sarili na nagsasabi na mali ang ginawa niya.

Huminga siya ng malalim at bumangon mula sa pagkakahiga. Lumabas siya ng kwarto. Dinig niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib habang tinatahak niya pababa ang hagdan. Nasa baba kasi sina Ella at Marco na kasalukuyang kumakain.

Nang maitapak na niya ang paa sa sahig ng unang palapag ay napatingin si Marco at Ella sa kaniya.

“Tara kain tayo, Ash,” pag-aaya ni Marco sa kaniya.

Tumango lang siya. Napansin rin niya ang nakayukong si Ella na nasa harap ng lalaki. Marahil ay nahihiya ang babae sa nangyari sa kanila at hindi rin nito alam kung paano makitungo ng normal sa kanya.

Dumiretsyo siya sa kitchen at binuksan ang ref. Kumuha siya ng ice cubes sa freezer at inilagay sa basong nasa table sa gitna ng kusina. Inilabas rin niya ang fresh milk at ibinuhos ito sa basong may ice.

Mukhang wala nga siyang ganang kumain. Ngunit ang dahilan ng pagbaba niya mula sa kwarto ay ang makita ang babae. Para silang mga grade schoolers na may crush sa isa’t isa. Yung tipong nagkakahiyaan pa pero gustong-gusto na umamin.

Nilagok niya ang gatas at inilagay ang baso sa lababo. Huminga siya ng malalim at naglakad na muli paakyat sa kwarto.

“Di ka kakain?” tanong ni Marco na kasalukuyang may nginunguya sa bibig.

“Marco, may pagkain ka pa sa bibig.” pagsaway ni Ella.

Nana pangalawang baitang na siya ng hagdan nang marinig si Marco. Napalingon siya rito, “Ah hindi na. Busog pa naman ako. Uminom lang ako ng gatas at matutulog na rin.” aniya at ngumiti.

Tumango lang ang dalawang nasa dining area at siya naman ay nagpatuloy nang umakyat.

Kailangan niya talagang mag-isip ng maayos kung anong plano niya. Hindi maaaring iwasan nalang niya ang mga taong nagmamalasakit sa kaniya lalo na si Justine at si Ella na bago lang sa buhay niya.

Hindi siya makakapayag na mawala ang isa sa mga ito pero hindi naman maaring dalawa silang pagsasabayin niya.

Nahahati ang desisyon niya. Si Justine ba na tila tinuyo na ng panahon ang pag-ibig niya rito o si Ella na bumago at nagpatibok muli ng kaniyang puso?

Hindi siya makapag-desisyon. Hinila niya ang kumot at itinaklob ito sa kaniyang buong katawan. Itutulog nalang muna niya ang pag-iisip na ito.

At umaasang bukas ay mayroon nang kasagutan sa mga tanong niya.

The Fifth LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon