Chapter 31

54 6 0
                                    

2nd to the last day

Lexi's POV

Lumipas ang gabing yun. Nagising ako at isa lang ang naisip ko....

Sinayang ko na naman ang isang araw. I have 2 days left. Bukas na ang ball at busy ang lahat sa paghahanda maliban sakin.

Right now, I feel so scared. Takot na takot ako sa possibleng mangyari bukas.

Yassi: Dumb girl!!!

Lexi: Ano? Kakapasok ko pa lang, sermon na agad?

Alam ko kasing sesermonan niya talaga ako dahil sa nangyari kagabi.

Yassi: Oh? Ano? May napala ka sa nangyari kagabi? Loka loka!! Kapag nagkasakit ka....

Lexi: Tama na please? Okay lang naman ako diba? Healthy and pretty.

Yassi: Oh yeah! Ready ka na ba bukas?

Napatingin ako kay Yassi.

I wish I could tell her. Para masabi ko sa kaniyang hindi pa ako ready na mawala. Ayaw ko pang makalimutan ng lahat.... Lalo na siya.....

Napatingin ako sa kaniya na nasa classroom nila. Siguro may quiz sila. Dahil last 2 days na, I want to spend it near him. Kahit na hindi niya alam, basta masilayan ko lang siya. Kitang kita ko siya kahit sa malayo.

I've been hurting myself these days. Araw araw kong nakikita kung gaano niya inalagaan si Barbara. Mula sa pagkikita nila sa umaga hanggang sa paghihiwalay nila after dismissals. Why do I have to feel this pain?

"Lex, ba't nandito ka? "- tanong ng kaklase ko.

Lexi: Wala lang. Absent lang muna.

"Kung sa bagay, bukas na ang ball pero may klase tayo. Sh*t lang diba? Ang bobo nila"

Natawa lang ako sa sinabi niya.

Lexi: Hindi kasi pwedeng walang class. Naku! Ano yun high school lang?

Minsan, naiisip kong sabihin kay Derrick ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong lumigaya. Gusto kong malaman niya ang tunay na laman ng puso ko, bago ako ma dead. Pero ayaw kong ma confuse siya sa nararamdaman niya. 

Pero naisip ko din, kahit magtagumpay ako sa mission ko, parang pinatay na din ako. Kasi habambuhay akong mabubuhay sa kasinungalingan. Habambuhay akong masasaktan, kasi itatago ko ang tunay na nararamdaman ko. Forever na lang akong magmamasid mula sa malayo at magsisisi. Kasi kahit minsan hindi ko pinaglaban ang laman ng pesteng puso ko.

She's The Next Cupid (DERLEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon