Chapter 3

308 13 2
                                    

#12BadBoysThree03



Chapter 3 (14 Years Ago)





❁ Twist of Fate ❁







Janet's Pov



Ito ang pangalawang beses na titigan mo ako sa mga mata, 'yung unang beses ay nung makasama mo ako, pero ibang iba kung titigan mo ako noon at ngayon. Ngayon tila may gustong sabihin ang mga mata mo na para bang sinasabi sa'king ibang tao ako na ngayon mo lamang nakilala, noon—may ngiti sa labi mo nung titigan mo ako, masaya ngunit alam kong hindi si 'Janet' ang nakikita ng mga mata mo non, kundi si Sandy Ferrer, ang sabi mo pa nga.. ang babaeng mahal mo.


Napangiti na lamang ako at nawala rin agad iyon noong magsimula na akong magkwento. Alam ko namang kanina pa niya hinihintay magkwento ako.


"Bago bago lang kitang nakilala non—14 years ago, Charlie. Ibig kong sabihin, third year college kitang nakilala."


Naalala ko pa noon nung unang beses kitang makita.


Naglalakad ako noon papunta sa college building namin kasi late na late na talaga ako, dala dala ko ang dalawang pirasong folder na naglalaman ng maraming papel. Dahil sa pagmamadali ko non natabig ako ng tumatakbong babae kaya nabitawan ko ang mga dala ko, nagkalat sa daan ang mga papel na laman ng folders, eh inipit ko lang naman ang mga iyon sa loob ng folder. Kaagad akong lumuhod para pulutin isa isa ang mga iyon, yung iba nililipad pa ng hangin kaya natagalan ako.


"Late na ako!" Ano ba 'yan.. hindi man lang nagsorry yung babae? Eh siya naman ang bumangga sa akin. Psh..


"Charlie!!" Dinig kong sigaw nung babaeng dahilan kung bakit nagkalat 'tong mga dala ko. Napalingon ako don sa kanila, tumigil siya sa kakatakbo at huminto sa harapan ng isang matangkad na lalake.


Inayos ko pa ang suot kong salamin.


"Hi babe! You're late but—5 minutes lang naman, let's go na? Gutom na ako eh." Sabi nung matangkad na lalake at inakbayan yung babae, nakita ko pang nakangiti ito at naglakad na silang umalis palayo.


Muntik ko na makalimutan na late na ako at nililipad na ng hangin ang mga papers na dala ko!


Nung time na 'yon hindi ko masyado narinig ang pangalan mo non at hindi ko rin kayo masyadong pinansin siguro dahil narin sa pagmamadali ko. "Pero habang nasa field ako non at magisang kumakain ng lunch, muli kitang nakita, kung tutuusin iyon yung unang beses na mapansin kita at hindi ko maialis ang tingin sa'yo. Ewan ko kung bakit.. natandaan ko na lang bigla na nakita na pala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi pa kita kailanman nakita sa school non kaya siguro pinagmasdan lang kita."

12 Bad Boys 3: Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon