Chapter 11 (Disappointment)
❁ Twist of Fate ❁
Janet's Pov
Nasa school ako ngayon dahil inaasikaso ko na ang pagli-leave ko. Marami pa akong dapat gawin, may mga proseso pa dahil matagal tagal din ang hinihingi kong araw na magli-leave ako, kung tutuusin ay nasasayangan talaga ako. Kaso wala naman akong magagawa, ito ang gusto ng magama ko, saka sa tingin ko ay may punto rin naman sila.
Isa pa ay tinulungan ako ni Charlie para mapadali itong inaasikaso ko ngayon.
Masayang masaya nga si Stella noong malaman niyang pumayag na ako. Mabuti narin siguro ito, para mabantayan at maalagaan ko ang anak ko. Simula maliit pa lamang siya ay hindi na ako nakakapagpahinga talaga mula sa pagtatrabaho, dahil kailangan naming ng pera para mabuhay.
Nangako naman si Charlie na siya na ang bahala sa lahat ng gastusin namin, kaya kahit papaano ay nakakaramdam ako ng hiya..
Nahihiya ako sa husband ko.
❝Hindi ka na ba talaga mapipigilan, miss Perez—miss Park pala.❞
Napangiti ako noong lumapit si Dominic, co-teacher ko at isang malapit na kaibigan narin. Ang tagal tagal na pala naming magkakilala, malapit rin ang anak ko sa kanya. Nung maliit pa kasi si Stella, minsan ay dinadala ko siya sa school kasi walang ibang magbabantay sa kanya.
❝Bakit kasi kailangan mo pang mag-leave? May problema ba? Wala ka naman bang pinagdadaanan-❞
Halata ang pagaalala sa tono ng pananalita niya, napangiti na lamang ako ulit. Mabait talaga itong kaibigan kong si Dominic. ❝Nako, wala naman, Dominic. Ayos lang ako, um.. gusto ko munang ilaan ang lahat ng oras ko sa magama ko. Babalik naman ako sa pagtuturo.❞Paninigurado ko.
Dinig ko ang pagbuntong hininga nito. ❝I saw your husband a while ago. Nandito din ba siya dahil don?❞Tumango ako bilang sagot at magkasabay na kami ngayong naglalakad lakad. ❝Inaalagaan ka naman ba niya?❞
Nabigla ako sa naging tanong niya, pero mabilis kong kinompose ang sarili ko at tumango.
❝Dapat lang, Janet. It's his responsibility to take care of you, ang dami nang hirap ang pinagdaanan mo pero matatag ka. He's lucky na ikaw ang napakasalan niya.❞Tumawa siya ng mahina at napangiti na lang din ako. Pero ngayon ko lang naalala na hindi pala nakapunta si Dominic nung kasal ko.
Isa si Dominic sa mga nakasaksi sa mga pinagdaanan ko noon, lalo na noong mga panahong ang hirap hirap para sa amin ni Stella. Kung hindi dahil sa anak ko, hinding hindi ako magiging matatag at hinding hindi ko malalampasan ang mga dumaang pagsubok sa buhay ko, namin.
BINABASA MO ANG
12 Bad Boys 3: Twist of Fate
Fanfiction❝Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.❞ 12 Bad boys: ✔BOOK ONE (COMPLETED) ✔BOOK TWO: UNREMEMBERED (COMPLETED) ✔BOOK THREE: TWIST OF FATE (ON-GOING) #DaraExoFanfiction Highest Rank Achieved: #9 in DARAEXO...