Chapter 16 (Reality)
Janet's Pov
Dapat tama na itong pagasang sinasabi ko lagi sa sarili ko, lagi kong binibigyan ng pagasa yung sarili ko na mapapansin din ako ni charlie, mamahalin na hindi kailangang magpanggap. Konting kabaitan o pagbabago ang pinapakita niya sa akin, ako namang ito ay nagpapakatanga.
Ito na ang reyalidad, Janet.
Wala nang magbabago pa, hindi ka magagawang mahalin ng sarili mong asawa kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo.
Muli na namang tumulo ang aking mga luha.
"Mom?"
Mabilis kong pinunasan ang aking tumutulong mga luha bago pa man mabuksan ni stella ang pintuan at pumasok. Pinakita kong okay ako. "Stella, ano yun sweetheart?"
Sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko at ginawa naman niya iyon.
Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sweetheart? Okay ka lang ba.. may masakit ba sa iyo.. may problema ka ba? Anak, magsabi ka kay mommy." Bigla akong nagalala ng husto, minsan ko lamang nakitang malungkot ang anak ko simula nuong malaman niya ang tungkol sa daddy niyang si charlie.
Inabot ang mga kamay ko at pinisil pisil ito.
"I thought.. kaya ko pa.." hindi ko maintindihan pero napapansin ko parin ang lungkot sa mga mata niya. "ang hirap hirap kasi ng math mom.. hehe.."
Akala ko kung ano na ang kanyang problema dahil nagalala talaga ako ng husto. Pero mabuti na lamang ay yun lang, ako naman ngayon ang pumisil pisil sa mga kamay niya. "Haha.. alam kong kaya mo, sweetheart ikaw pa kaya! Eh ang sipag sipag mo kayang magaral. O kung gusto mo.. magpaturo ka sa daddy mo."
Tuwing namimention ko si charlie ay sumisikip ang dibdib ko pero pinipigilan ko naman at marunong naman akong magtago.
Pero imbis na makita kong matuwa si stella ay parang naging balisa ito. "Si dad.." Nawala rin naman kaagad ang pagaalala ko noong makita kong ngumiti siya at sumangayon na magpaturo sa daddy niya.
Niyakap ako ng anak ko na sobrang higpit.
"Mom.. i'm sorry"
Nagdalawang isip ako kung bakit nagsosorry itong anak ko.
"Bakit sweetheart? Bakit ka nagsosorry?"
"I'm sorry po.. basta po nandito lang ako sa tabi mo mom. Hinding hindi kita iiwan."
Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni stella sa akin. Hindi ko alam kung bakit humihingi siya ng sorry, kung tutuusin ay hindi ako ni minsan nabigyan ng anak ko ito ng problema. Sabi ko nga napakabait niyang bata, siya ang nagpapasaya sa akin.
Pagkakinabukasan ay naisipan kong kausapin ang asawa ko, ilang gabi ko rin itong pinagisipan at nakapag desisyon na ako.
"Maaari ba kitang makausap kahit sandali lang?"
Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil tuwing gagawin ko iyon ay mas lalo akong nasasaktan.
"What is it for?"
Ni tingnan man lamang ako ay hindi niya magawa. Busy siya kakapanood ng palabas sa tv.
"Gusto ko nang bumalik sa pagtuturo.." inintay ko ang kanyang sasabihin ngunit wala siyang sinabi sa halip ay tinignan niya lamang ako. Sa nakikita ko ay walang halong emosyon ang kanyang hitsura. Mas pinili kong magpatuloy sa aking eksplenasyon. "Napagisip isip ko rin ito, namimiss ko na ring magturo, charlie. Hindi naman sa ayoko na dito sa bahay, kung gawain lang naman dito ay walang problema, mapagsasabay ko ang mga ito. Sana'y payagan mo na ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/138697439-288-k899545.jpg)
BINABASA MO ANG
12 Bad Boys 3: Twist of Fate
Fanfiction❝Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.❞ 12 Bad boys: ✔BOOK ONE (COMPLETED) ✔BOOK TWO: UNREMEMBERED (COMPLETED) ✔BOOK THREE: TWIST OF FATE (ON-GOING) #DaraExoFanfiction Highest Rank Achieved: #9 in DARAEXO...