Chapter 18

141 7 2
                                    

Chapter 18 (Selos pt 2)

Chapter 18 (Selos pt 2)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Janet's Pov



Totoo nga ang sinabi ni Dominic kagabi nung tumawag siya, magluluto daw siya para sa lunch namin ngayon. Nagri-ready na nga kami.

Isa isa naming nilagay sa table ang mga pagkain at binuksan.

"Mm.. mukhang masarap." Saka ako ngumiti sa kanya.

Hindi naman ako naninibago tuwing nagdadala ng pagkain itong kaibigan ko dito sa school, gusto nga niya lagi kaming magkasabay kumain ng lunch o break time. Syempre ay masarap din siyang magluto.

"Hindi ka pa nakakatikim pero amoy pa lang masarap na para sa'yo. Hmm.. well masarap naman talaga akong magluto, hahaha."

Tinawanan ko na rin siya at nabuksan na nga namin lahat ng dalang pagkain niya.

Ibat ibang putahe ang kanyang mga niluto. "May birthday ba? Ang dami mo kasing dala, hindi natin ito mauubos." Komento ko, hmm.. mabuti pa ay mag invite kami ng ibang mga co-teachers namin dito.

"It's a celebration!" Masayang sambit niya. "Kasi nakabalik ka na."

"Thank you, dominic. Ay teka isabay na natin yung ibang mga kasamahan natin."

Mabilis siyang tumango, madalas din naming makasabay sa pagkain ang iba pa, minsan nga pati mga estudyante ay nakakasabay rin namin.

Tuwang tuwa naman ang lahat nuong makita ang mga pagkain sa table.

Isa isa na kaming naupo at nagkuhanan ng mga plato.

"Janet, kumain ka ng marami ha? Para hindi naman masayang effort ko." Dominic

"Alam niyo kung hindi pa ikinasal itong si miss perez, iisipin ko paring may pagasa na kayo ang magkakatuluyan."

Komento ng isang co-teacher namin. Tinawanan ko na lamang habang nilalagyan ni dominic ng kanin ang plato ko.

"Talaga ba naisip mo yun?" Dominic

"Oo naman! Eh syempre noon yon nung hindi pa siya ikinakasal."

"Haha.. kung pwede lang ibalik yung 'noon'." Tumawa ng mahina si dominic pero hindi ko na lang piniling magsalita, alam niyo naman itong kaibigan ko ay madalas magbiro.

"Bakit naman kasi ang hina mo, sir? Ayan tuloy nakuha na ng iba, hahaha."

Nagtawanan lahat noong sabihin iyon ng isang co-teacher pa namin.

"Huli na ba talaga? Haha.." Dominic

Medyo nakaramdam ako ng hiya na patuloy parin ganyan ang pinaguusapan nila, pero ayokong palakihin dahil nagbibiro lang naman sila.

Kumukuha ako ng ulam nung pumasok ang isang estudyante ko at ako pala ang hinahanap.

"Miss Park?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

12 Bad Boys 3: Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon