Chapter 17 (Seloso)
Janet's Pov"Mukhang excited kang pumasok ulit, mom ha? I'm happy for you."
Niyakap ako ng anak ko mula sa likuran at dinamdam ko iyon ng ilang segundo, napangiti rin ako. Oo masaya ako, masaya akong makakabalik na ulit ako sa pagtuturo. Ang dami kong namiss! Yung mga estudyante, yung pagtuturo at yung mga co-teachers ko.
Matapos kong ihanda ang mga baunan namin ay naupo na ako para mag almusal.
Kaso tuwing mapapalingon ako kay charlie ay nakakaramdam ako ng lungkot.. hindi ko na lamang pinapahalata lalo pa't nandito si stella.
"Thank you din, dad. Pinayagan niyo nang magturo si mom ulit." Stella
Natigilan si charlie sa pagkain, napatingin ito sa akin na para naman akong napako, matapos ay kay stella. "Gusto nang bumalik ng mommy mo, kahit gusto kong dito lamang siya sa bahay ay ayoko namang ipagkait ang trabaho niya."
Naguluhan na naman ako.. sa tono kasi ng kanyang pananalita ay alam kong hindi siya natutuwa at mukhang.. nalulungkot siya..
"Mas maganda narin sigurong bumalik na si mom sa pagtatrabaho. Mom's happy tuwing nagtuturo siya, ganon din yung mga students niya. They need mom, mom is the best! Right dad?"
Ewan ko kung ano itong nararamdaman ko pero tulala ako habang nakatingin sa aking anak. May nagbago sa kanya na parang wala rin naman.. siguro dahil nagiging mature na siya..
"Of course.."
Ngayon ay napako na ang mga mata ko kay charlie na nakatingin naman sa akin. "Your mom is the best."
Bakit ba pakiramdam ko ay ang lungkot lungkot niya?
Palabas na naman ba ito, charlie? Hindi na ako magpapadala pa.
Kailangan ko nang masanay.
"Bye sweetheart, goodluck mamaya ha? Fighting!" May pa hand gesture pang kasabay at nginitian namin ni stella ang isat isa.
Bago pa man ako tumalikod ay bumaling ako kay charlie na nakatingin pala sa akin.. tuwing nakikita kong nakatingin siya sa akin ay natutunaw ako! Pero binalewala ko iyon para hindi na ako maapektohan pa.
"Mauna na ako.. hon."
Tinalikuran ko na ito agad, hindi naman ako umaasang sasagutin niya ako, knowing charlie?
BINABASA MO ANG
12 Bad Boys 3: Twist of Fate
Fanfiction❝Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.❞ 12 Bad boys: ✔BOOK ONE (COMPLETED) ✔BOOK TWO: UNREMEMBERED (COMPLETED) ✔BOOK THREE: TWIST OF FATE (ON-GOING) #DaraExoFanfiction Highest Rank Achieved: #9 in DARAEXO...