Chapter 12 (Ferris Wheel)
❁ Twist of Fate ❁
Janet's Pov
Kaagad akong nagligpit noong matapos kaming kumain ng lunch.
Habang nagliligpit ako ay narinig kong tinatawag ako ni Stella, namataan ko siyang bumaba ng hagdan hanggang sa dumating siya ulit sa loob ng kusina.
❝Mom? Mom!❞
Itinigil ko muna ang aking ginagawa habang nakatingin at hinihintay ang kanyang sasabihin. ❝Mom, where's dad?❞Kanina matapos kumain ng lunch ay dumiretsyo si Charlie sa kanyang office kaya iyon ang sinagot ko sa anak ko.
Mukhang masiglang masigla siya sa nakikita ko sa kanya.
❝Stella, you were looking for me?❞Magkasabay kaming napalingon ni Stella sa tapat ng kusina, si Charlie nandito na.
Masiglang masigla na nilapitan ng anak ko ang daddy niya.
❝Dad, mom, labas tayo?❞Tapos ay ibinaling niya ang tingin sa akin. Mukhang gustong gusto niya ang ideyang iyon, nakangiti kasi ng malapad ito.
Okay lang naman sa aking lumabas kami dahil wala namang pasok ngayong araw, saka nandito lang ako sa bahay, magiisang buwan na akong nananatili dito. Mas natuwa si Stella noong sabihin ng daddy niyang lalabas kami.
Matapos kong maghugas ay nagprepare narin si Stella, ganon din ang ginawa ko.
Madalas kapag weekends o walang pasok, lalabas kaming magpamilya. Iyon lang yata din ang gusto ni Stella, siya ang tipo ng bata na hindi masyadong lumalabas kasama ang mga kaibigan niya, mas pinipili kasi niya ang makasama kaming mga magulang niya. Hindi ko rin masisisi ito, alam kong gustong gusto niyang nakakasama lagi ang kanyang daddy, masayang masaya ako dahil don at lahat ibibigay namin para sa kanya, mapasaya lamang siya.
Dumiretsyo kami sa amusement park, doon kasi gustong pumunta ni Stella.
Naaalala ko noon nung maliit pa siya, gustong gusto niyang pumunta kami sa lugar na iyon, pero dahil sa kahirapan ay tatlong beses ko lamang siya nadala sa mga ganong lugar. Ni hindi pa nga namin nasasakyan lahat ng rides kasi kulang kami sa budget, kahit ganon ang nangyari? Masayang masaya parin siya, kontento na siya. Sigurado ako ngayong araw? Mas magiging unforgettable ang araw na ito para sa kanya, kasama na niya ang daddy niya, masasakyan niya lahat ng rides at magagawa na niya ang lahat ng gusto niya. She deserves it.
BINABASA MO ANG
12 Bad Boys 3: Twist of Fate
Fiksi Penggemar❝Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.❞ 12 Bad boys: ✔BOOK ONE (COMPLETED) ✔BOOK TWO: UNREMEMBERED (COMPLETED) ✔BOOK THREE: TWIST OF FATE (ON-GOING) #DaraExoFanfiction Highest Rank Achieved: #9 in DARAEXO...