❝Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.❞
12 Bad boys:
✔BOOK ONE (COMPLETED)
✔BOOK TWO: UNREMEMBERED (COMPLETED)
✔BOOK THREE: TWIST OF FATE (ON-GOING)
#DaraExoFanfiction
Highest Rank Achieved: #9 in DARAEXO...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
❁Twist of Fate ❁
Author's Pov
Unang araw ni Janet ngayon bilang asawa ni Charlie.
Maaga siyang nagising dahil ngayong araw ay may pasok silang tatlo, balik narin sa trabaho niya si Charlie sa umaga para kapag gabi ay nasa bahay na siya. Samantala, maaga rin ang pasok ni Stella sa school, ganoon rin si Janet sa pinagtuturuan nito. Nagising si Janet nang madaling araw, ngunit napansin niyang wala si Charlie sa tabi niya, napagtanto na lamang niyang sa sofa pala ito nakatulog—na hanggang ngayon ay tulog parin. Alam ni Janet na hindi komportable itong katabi siya kahit iyon pa lamang ang unang gabi nila bilang magasawa.
Nakaligo na si Janet noong simulan niyang maghanda ng kanilang umagahan.
Isang oras ang makalipas ay bumaba na rin si Stella na bagong ligo lang.
"Good morning, mom!" Maligayang bati nito sa kanyang mommy at humalik sa pisngi.
Inilapag ni Janet ang dalawang plato na naglalaman ng hotdog, bacon at half cooked egg sa lamesa.
Kaagad namang hinanap ni Stella ang kanyang daddy. "Tulog pa si dad?" Pagtatanong nito. "Pwede bang gisingin mo na ang daddy mo, sweetheart?" Nginitian nito ang kanyang anak at umakyat narin ito para gisingin ang daddy nito.
Sakto naman noong kakatok pa lamang si Stella ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kanyang harapan ang kakaligo at maayos na ang suot ng kanyang daddy Charlie.