Chapter 5

1.2K 30 0
                                    


Busy kami sa simula ng eskwela. Second semester na pala. Mag ti-third year na ako. Tapos sila Kimmo, Hence, At ang tropa ay Graduating na. Busy sila sa pag O-OJT nila. Hindi ko na rin sila nakakasama.

Samantalang ako naman ay busy sa mga projects and reports.

May project kami ngayon. Gawa daw kami ng Perfect Wedding Gown, na kung kami ang customer ay yun ang pinaka pipiliin namin. Tapos sa mga lalake ay Suit naman. Kahit ano basta ibigay daw namin ang puso namin doon. Isipin daw namin na kami na ang susuot nun kaya't dapat naming gandahan.

Madaling mag drawing pero mahirap mag-isip ng pinaka the best. Lalo't wedding gown. Sa Finals pa naman namin ito ipapasa at ipe-present. Pero kailangan na naming umpisahan dahil i che-check daw ni Sir regularly.

"Zia.. may nagpapabigay nanaman ng sulat sa'yo." Bulong ni Renalyn sa akin. Classmate ko.

"Sino nanaman?" Mahina kong tugon.

Nasa library kasi kami ngayon. Nagbabasa basa ako ng kung ano anong libro. Para lang may pampatay ng oras.

"Si Xhon nanaman ba?" Kako.

"Oo." Aniya. Sabay abot nung envelope na kulay Orange. Jusko!

Umiling ako. "Basta Orange..si Xhon. Alam na alam fave color ko." Itinago ko ito sa bag ko.

"Kitain mo na kasi.. ilang buwan na ring nagpapadala iyan."

"Ano ka ba, may boyfriend ako."

"Isang date lang naman." Aniya.

Ngumiwi ako, "No."

Hindi niya na ako ginulo pa. Naghanap narin siya ng libro na mababasa atsaka umupo sa harap ko.

Bago mag alas kwatro ay nagpasya na akong lumabas ng library. Ang next class ko ay alas sais pa.

Naglalakad ako patungo sa Cafeteria para kumain ng kahit na ano.

Nakita kong nakaupo mag-isa si Dianne sa isang table. Soft drinks ang nasa harap niya. Tsk. Bawal sakaniya ang soft drinks.

Bumili ako ng dalawang Mogu mogu, peach flavor at strawberry flavor ang kinuha ko. Tapos ay dumiretso sa mesa ni Dianne.

"Ito ang inumin mo.." sabi ko tapos inilapag sa harap niya ang Mogu mogu, peach flavor. Favorite niya.

Tatalikod na sana ako pero napahinto ako nang nagsalita siya, "Kailan ka pa nagka pakialam sa akin?"

Hinarap ko siya. Nakita ko ang minsang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Agad niya itong pinunasan. Mahaba ang buhok niya hanggang siko, may bangs din siya. Bagay iyon sakaniya dahil matangkad din siya gaya ko. Maganda siya. Maraming nanliligaw sakaniya pero wala akong alam na sinagot niya. Sa ngayon ay lagi din siyang mag-isa gaya ko. Dahil yung circle of friends niya ay may klase ngayon. At bakit ko ba alam? Nakakainis. Wala siyang makasama kaya ginugulo niya ako.

Teka, ako ang lumapit sakaniya. Pero kasi, umiinom siya ng bawal sakaniya. At ano ba ang pakialam ko dun?

Bahala siya. Nag martsya ako palabas ng cafeteria.

Pupunta na nga lang ako sa room. Hihintayin ko nalang mag alas sais.
Naglalakad ako sa gilid ng gym at rinig ko ang ingay sa loob. May practice siguro ang cheering squad. Malapit na din kasi ang Foundation day ng DFU kaya pinaghahandaan na ang mga event gaya ng Iba ibang sports, at dance competition.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon