Chapter 11

1K 23 0
                                    


Nakasalubong ko si Kimmo kanina, kasama niya si Wendy at Pricila. Nakasuot sila ng kani-kanilang department uniform. Kinawayan ako ni Wendy at lalapitan pa sana pero bigla akong lumiko at umiwas sakanila. The hell? Hindi ba nagkukwento si Kimmo na tapos na ang palabas nila? Na alam ko na ang mga kalokohan nila?

Nagpalit na din ako ng number. Kaya medyo tumahimik ang buhay ko.

First day of Celebration ng 50th anniversary ngayon.

"Bakit para kang nanalo sa lotto dyan?" Tanong ni Kurtney. Kasi naman, feeling ko hindi ako masyadong nasasaktan na nawala si Hence sa akin. I don't know. I mean, nasasaktan ako. Pero hindi gaya ng iba na halos mag suicide na. Keri ko pa naman. Hindi ko din laging naiisip.

Nandito kami sa loob ng hall kung saan gaganapin ang Fashion show. Nasa may entrance naman si Iana at Caylly, no ticket no entry kasi. Sold out din naman ang 100 tickets na ginawa namin kaya nga kinakabahan kami.

Nakaupo na ang mga guest at malapit na itong mapuno.

"Okay na ba yung mga ibang grupo sa back stage? Mauuna yung hair dress nila Joy." Tanong ko. Departmental uniform ang mga suot namin. Formal ang event eh.

"Yes. Nandun na sila."

Pumunta kami sa back stage nang mapuno na ang crowd. 100 seats. Kasama na namin si Cay at Rosiana.

"Guys! Success! Puno!" Pamumuri ni Robert. Kaklase namin na leader ng isang grupo.

Yung projects kasi namin kay Ma'am Jemaica, i pe-present namin sa crowd thru the show. Bale tatlong grupo sa klase, kami na tassle earrings ang product, sina Joy na Hair dresses ang products, at sina Robert na Scarf ang product.

Naunang lumabas sa stage si Ma'am Jemaicah, siya ang nagpaliwanag kung para saan ba ang 30 minutes show na ito.

Naunang lumabas ang sampung models na suot ang Hair dresses na gawa ng grupo nila Joy.

"Congratulations BDA II-A, It's a success!" Puri ni Ma'am Jemaicah sa amin. Tuwang-tuwa siya. Pumapalakpak pa siya bago kami nag dissmiss at lumabas sa hall.

Next event ay iyong bazaar. Sila Robert naman ang naka toka doon. Kaya medyo nagpahinga ang grupo ko. Nagpasya kaming mag snacks apat.

"Zia, bakit nga pala hindi mo na nakakasama sina Kimmo? Nakita ko sila kanina, magkakasama." Tanong ni Iana sabay kagat sa Burger niya.

Nasa tapat ko siya, katabi niya si Caylly na busy sa pagsubo ng spaghetti. Tapos katabi ko naman si Kurtney na kumakain ng egg pie, hawak hawak niya ito.

Ininom ko ang pineapple juice ko bago ko sinagot si Iana, "Friend ship over na kami."

Napahinto sila. Iba iba ang reaksyon nila. Hindi ko naman kinwento. Basta sinabi kong ayaw ko lang ng ganong klaseng kaibigan. Bahala na sila kung isipin nila na may ibang ugali si Kimmo.

"Ano pang mga booth meron ngayon?" Tanong ko nang matapos kaming kumain.

"May mini icecream parlour sa HRM, ewan ko sa iba." Sagot ni Caylly. Yun ang kurso ng boyfriend niya kaya siguro alam niya iyon.

Icecream? Naalala ko si Petter. Sana makasama ko siya ulit. Gusto kong sakaniya ikwento lahat ng mga kadramhan ko.

"Balik tayo sa bazaar! Baka galit na si Joy at pinabantay natin sakanila yung tassel earrings.."

Iniwan kasi namin sakanila yung product namin para kumain saglit. Kaya hindi pa kami pwedeng maglibot ngayon. May bazaar pa.

Napadaan kami sa Photobooth kung nasaan nakaparada si Lelaine. Maikli ang suot niyang skirt, kita na ang kalahati ng kaniyang hita. Sa akin ay medyo mahaba naman riyan.

"Gumagana na din pala ang PhotoBooth." Ani Kurtney.

Nilampasan lang namin iyon. Ni hindi ko tinignan si Lelaine. Alam ko namang nakatingin siya sa akin pagdaan namin. Ayoko lang na magsalubong ang tingin namin.

"Grabe makatitig sa'yo Zia!" Ani Caylly sabay irap.

"Insecure!" Utas ni Rosiana.

Nagtawanan lang kami. Binantayan namin ang stall namin kung nasaan ang produkto na sarili naming gawa at disenyo.

Bago matapos ang araw ay naubos na ito. Halos lahat naman ng naka display sa mga stall ay naubos dahil bilang lang naman ang inihanda namin. Isang araw lang kasi kami pwedeng magbenta. Okay na rin ito.

"Bye Zia! Thank you!" Kaway mga ka grupo ko.

"Bye girls! Ingat" kumaway ako pabalik.

Pauwi na kami ngayon. Nag aabang ako ng taxi para diretso na ako sa bahay. Nasa may waiting shed ako. Pinansin ko ang humintong kotse sa harap ko.

Bumaba ang bintana sa may passenger seat. Agad kong nakilala kung sino iyong sumilip.

"Tita Clara!" Sigaw ko.

Nakita ko ang Mommy ni Dianne. Nakauwi na pala siya galing Canada?

"I knew it. Sabi na't ikaw iyan eh!" Nakangiti niyang sabi.

Sinilip ko ang driver at nakita kong si Tito Fred iyon. Asawa niya. Daddy ni Dianne.

Kinawayan ko siya. Tumango lang siya. Madalas ko silang maka bonding noon. Mag bestfriend kasi sila ni Mama.

"Halika na, sumabay ka na..." yaya niya na agad kong tinanggihan.

"Nako tita, hindi na po."

"Didiretso din talaga kami sa bahay niyo. Magkikita kami doon ng mama mo. Buti nakita ka namin. Sakay na!"

Dahil doon sa sinabi niya ay lumapit na ako sa kotse. Binuksan ko ang pinto sa backseat. Napahinto pa ako nang makita ko doon si Dianne, nananahimik. Naka white high waisted pants siya tapos yellow crop top na plain. Nandito pala siya. Oh shoot!

"Dali.." ani tita na may tonong excitement.

Ngumiti ako atsaka pumasok na. Syempre, magkatabi kami ni Dianne. Dahan dahan kong sinara ang pinto. Umandar ang sasakyan.

Papunta nga kami sa bahay. Busy magkwentuhan si Tito at tita kaya naman hindi nila ako nakulit. Tama lang. Gusto kong manahimik lang. Nahihiya ako kay Dianne. All this time, tama pala ang mga sinasabi niya.

Na hindi lang ako ang babae ni Hence. Na dapat ay iwan ko na siya bago pa niya ako unahan. Pero bakit niya alam?

Huminto sa bahay. Nauna akong bumaba sakanila para buksan ang gate. Nakita ko naman agad sa terrace si mama. Siya sana ang magbubukas ng gate.

"Buti't nakasabay ka.." Sabi niya. I kissed her bago ako pumasok sa bahay.

Rinig ko ang batian nilang dalawa ni Tita Clara.

Dumiretso ako sa kwarto para magbihis. Lalabas din ako dahil na miss ko din naman sila. Alam ni mama na hindi kami okay ni Dianne. I wonder if it's the same sa side ni Dianne. Nakakahiya naman ito.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon