May isang babae na nakayakap kay Petter Luiz. Nakatalikod sila.Pilit kong nilalakihan ang mga mata ko kahit na ang dilim dilim ng buong paligid. Kinikilala ko kung sino yung malanding babae na nakayapos sa mahal ko!
"Hoy babae!" Tawag ko na umalingawngaw sa buong lugar.
Naninikip ang dibdib ko. Bakit hindi ko alam na may girlfriend siya?
Bakit hinayaan niyang ipag panata ko siya? Bakit kailangang makita ko pa sila?
Nagmadali akong tumakbo sa dalawa. Pero kahit anong takbo ko hindi ako nalalapit sakanila. Para silang nasa dulo ng mundo na hinding hindi maaabot ng mga paa ko.
"Petter Luiz Castillo!!!"
At kahit ano pang lakas ng sigaw ko, wala parin talagang pumapansin sa akin.
Nagsisisigaw ako. Bakit wala akong magawa? Bakit hindi ako umaalis sa kinalalagyan ko? Bakit hindi nila namamalayan na nandito ako?
Bakit sila magkayakap na parang mahal na mahal nila ang isa't isa?
"Aaaaaaahhh!!!!"
"Petter!"
Nagising ako nang may yumuyugyog sa akin.
Ang sakit ng ulo ko pero agad kong iminulat ang mga mata ko.
"Lezia? Hey?"
Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Petter. Ngayon ko lang nakita ang ganiyang itsura niya. Usually, masiyahin siya. Nakangiti. Pero bakit ngayon.. para siyang nag aalala?
Hinawakan ko ang pisngi niya. Hinaplos ko ito. Nakita ko ang pagsulyap niya dito.
"Buti narinig mo ako.." Sabi ko gamit ang malambing na boses.
"Zia, nanaginip ka ba?"
Nag-isip ako, "H-ha?"
"Zia? Huy?"
Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko galing sa pisngi niya.
Napalingon ako sa gilid ko sa kahihiyan. Oh my gosh! Anong nangyari?
Pumikit ako ulit. Tell me I'm dreaming.. please... tell me..
"Lezia?" Tawag ni Petter.
Please, let me sleep. Lupa... lamunin mo ako!
"Lezia? You're cute!"
Humagikgik siya ng tawa.
Idinilat ko ang mga mata ko.
"G-ginigising mo ako?"
Tanong ko na parang hindi alam ang nangyayari.
"Oo! Ganda ng panaginip mo ah?" Sabi niya na nakangiti ng sobrang lapad.
"A-ako? Oo! Mga pagkain." Palusot ko.
"Ah.. masarap siguro yung pagkain na yun 'no?"
Tinulak ko ang pisngi niya gamit ang isang daliri ko kaya napalayo siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Choose right. Choose me. (COMPLETED)
DiversosA Spoiler's Copy paste: "Sabi sa texto kanina, choose right daw. So Zia, Choose me. Say yes, Baby!" Maraming darating para guluhin at saktan ka, mamahalin ka din nila, pero isa lang yung talagang ipaglalaban yung nararamdaman niya para makasama ka...