"Pikit, Baby girl.." Sambit ni Georgia, yung handler ko. She's a girl.
Pumikit ako. Ramdam ko ang pagpatong ng fakelashes sa eyelid ko."Huwag munang didilat."
"Yes, tita." Sagot ko.
Sinumulan niyang alisin ang kung ano anong idinikit niya sa buhok ko. Naririnig ko ang maingay na pag-uusap sa paligid. Nandito ako sa room number one.
Inaayusan ako dahil ito na ang gabi na pinakahihintay ng lahat. Pageant night! Ipapasa ko na ang korona maya maya lamang.
Narinig kong may pumalakpak ng tatlong beses, "10mimutes!"
"Sampung minuto nalang daw. Are you ready, Zia?" Tanong ni Tita.
Tumango ako.
She giggled. "Pwede ka nang dumilat."
Iminulat ko ang mga mata ko. Medyo blurry ang paningin ko sapagkat nakasuot ako ng contact lense. Umayos ako sa pagkakaupo dahan dahan para hindi magulo si Tita na inaayos ang buhok ko. Iginala ko ang paningin ko, busy na ang lahat. Ang iba ay nakaayos na. Ang iba ay hindi pa. Kaya naman kita na ang inis sa mukha ng mga baklang handler.
"Zia, okay na." Sabi ni tita.
Ngumiti ako. "Thanks, Tita."
"You're always welcome.. Anak."
Kinuha ko ang cellphone ko. May mga text messages doon. Ang binuksan ko ay ang kay Petter. Dahil kanina ko pa siya katext.
Petter:
I really love to watch. Pero may practice kami ngayon choir.
Napangiti ako sa nabasa ko. I immediately replied.
Me:
It's okay, Petter.
"Zia! Ikaw na ang susunod." Anang in-charge.
Hindi kasi naririnig mula dito sa dressing room ang sinasabi sa stage. Kaya may nagiinform sa amin dito sa loob.
"Zia, ilalagay ko na ang crown." Ani Tita Georgia. Tumango ako.
Itinago ko ang cellphone ko tapos ay humarap sa salamin. Mauuna akong lalabas para sa Final Ramp at mahuhuli naman mamaya para sa pagpapasa ng crown.
Pumalakpak ang mga tao doon sa loob nang nagsimula akong maglakad palabas.
"Good luck, Zia!"
"Good luck, Ate Zia!"
"Fighting!!"
Napangiti akong nilingon sila. I lip synced "Thanks.."
Si Tita Georgia ay nasa likod ko. Hindi naman ako kinakabahan. Rarampa lang naman ako. Nakasuot ako ng puting gown. Queen ann ang front. Open ang likod. And a fitted bodice with a large full skirt.
BINABASA MO ANG
Choose right. Choose me. (COMPLETED)
RandomA Spoiler's Copy paste: "Sabi sa texto kanina, choose right daw. So Zia, Choose me. Say yes, Baby!" Maraming darating para guluhin at saktan ka, mamahalin ka din nila, pero isa lang yung talagang ipaglalaban yung nararamdaman niya para makasama ka...