"Zia...""Hmmm?" Nagising ako nang may tumutusok na daliri sa pisngi ko.
"Pampanga tayo. Breakfast." Malambing na sabi ni Petter.
Iminulat ko ang mga mata ko.
Nakita ko agad ang mga ngiti niya.
"Pampanga na agad?" Tanong ko. Nakatulog pala ako. Sinilip ko ang relos ko and it's 7:00AM. Pabalik na kami ngayon sa Manila.
"Oo, love. Dito ka nalang sa kotse? Take out ko nalang?"
Sinilip ko ang labas, nasa tapat kami ng Mcdo.
"Sige." Sagot ko bago ngumiti sakaniya.
"Sige, hintayin mo ako." Aniya sabay kinalas ang seatbelt niya atsaka lumabas.
Sinilip ko ang labas, nasa parking kami sa harap mismo ng mcdo. Nag pasya ako na bumaba para lumanghap ng fresh air!
Sinara ko ang pinto ng kotse pagbaba ko. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng jacket na suot ko. Malamig dahil madaling araw palang.
"Woahh..." Umikot ako at dinama ang sariwang ihip ng hangin.
Mamimiss ko ang hangin na wala masyadong polusyon. Pumikit ako.
"Dada.... dada..."
Napadilat ako nang may marinig akong boses ng batang babae.
"Dada.."
Dada? Daddy?
Sinundan ko yung batang babae na dumaan. She's.. I think... about four years old?
Naka braid ang buhok niya na naka pusod. She's cute!! Teka, parang may kamukha siya!!
Sino nga ba?
"Baby.." Tawag ko. Kasi parang naliligaw yata siya.
Ang cute niya tumakbo! Nakasuot siya ng kulay pink na floral dress at white doll shoes.
Sino kaya ang mga magulang neto?
Naabutan ko siya nang malapit kami sa kotseng kulay itim.
"Dada.. dada.." paulit ulit niyang sinasabi.
Hinarap ko siya sa akin. "Hi baby girl.." sabi ko.
Ngumiti siya sa akin at lumabas ang magkabilang dimples niya. She has this fair skin!
"Maria Elzia!"
Narinig ko ang tinig ng isang lalake.
Hinawakan ko ng mahigpit yung bata.
"Zia!" Sabi ulit.
Nilingon ko yung nagsalita. Ako ba ang tinatawag niya o yung batang ito? Elzia nga yung bata?
"Z-zia?" Gulat niyang tanong. Nakaharap siya sa akin. "Lezia?" Aniya ulit.
Nakatingala ako sakaniya dahil nakaupo ako at siya'y nakatayo.
BINABASA MO ANG
Choose right. Choose me. (COMPLETED)
DiversosA Spoiler's Copy paste: "Sabi sa texto kanina, choose right daw. So Zia, Choose me. Say yes, Baby!" Maraming darating para guluhin at saktan ka, mamahalin ka din nila, pero isa lang yung talagang ipaglalaban yung nararamdaman niya para makasama ka...