Chapter 24

929 20 0
                                    



Dumarating ang mga tao sa buhay natin na may kani-kaniyang gampanin. Isa lang. Iisa lang ang mga magulang natin. Iisa lang ang pamilya natin. Ang mga kaibigan natin. Lahat sila may iba-ibang papel sa buhay natin.

Sana lang nakikisama ang puso natin. Sana tanggapin niya na ang kaibigan, kaibigan lang. Na yun lang ang papel niya wala ng iba.

Hindi yung kaibigan na nga siya, gusto pa ng puso iba... nagiging pantasya pa.

Bakit hindi nalang makuntento ang puso?

Bakit kailangang hanapin pa niya ang gampanin bilang 'nagmamahal' sa isang dapat ay kaibigan lang?

Bakit?


Hay, bahala na ang Diyos.

Bago ako umuwi dito sa Pinas, nagpanata ako ng isang linggo sa America. Doon sa Lokal ng CheeseLand. Kung saan kami nakatala.

Sabi ko, pag nakita ko ulit si Petter ng personal, posibleng lalong tumindi ang nararamdaman ko para sakaniya. Kasi alam ko.. na kapag nakita ko nanaman ang magaganda niyang ngiti, maaakit nanaman ang puso ko na isigaw ang pangalan niya.

Baka lalong mahalin ko siya.

Kaya, iniluhod ko sa Ama sa tuwing panata ko na sana.. kung hindi din naman kami ang para sa isa't isa, alisin nalang ang nararamdaman kong kakaiba para sakaniya. At makuntento nalang sa pagiging magkaibigan lang.

Pero hiniling ko din, na kung may plano siyang ibigay si Petter sa akin, kung hindi ko ipag-kakasala, ay umamin nalang ito sa akin kaagad.

Syempre babae ako, gusto ko ako ang hahabulin.

I may love him pero may respeto ako sa sarili ko. Hindi ko na uulitin ang past love life ko na ako ang naghahabol at ako ang gumagawa ng way to improve our relationship.

Ngayon, hahayaan kong lalake naman ang umintindi sa akin. Hahayaan ko naman na siya ang unang lumapit sa akin.

At si Petter lang ang gusto ko. Siya lang.

Nasa edad naman na kami. Maayos naman na ang mga buhay namin. Ako na isang Famous sa field na fashion designing, at siya na may ari na ng isang coffee shop named iTunes coffee palé haüs. May sarili na kaming mga bahay. Nakabawi na kahit papaano sa aming mga magulang. At higit sa lahat.. nananatili kaming matatag sa aming kahalalan bilang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

Maraming nangyari sa loob ng pitong taong nagdaan. At sa loob ng mga panahong iyon, masasabi kong sapat na ang mga oras na yun para ayusin ng Diyos ang buhay ko. Buhay namin..

Ako, na naging kaanib sa Iglesia. Yun lang naman ang kulang sa buhay ko noon pa. Kapag talaga wala kang inaanibang anumang relihiyon, wala kang kinikilalang Diyos.. ay magulo talaga ang pamunuhay mo sa mundo. Pati narin kapag may relihiyon ka nga, pero hindi naman ito yung totoo at tama.

Maraming relihiyong nakatatag sa mundo. Sa bansang south africa lang, libu-libo ang nakatatag doon. Pero sa lahat ng iyon.. sa lahat ng relihiyon sa mundo, may nag-iisang totoo. Hindi papayag ang Diyos na wala. Hindi papayag ang Diyos na walang maligtas. Hindi papayag ang Diyos na lahat maligaw.

May mga hihirangin siya.

At ang palad ko, kasi ako, kabilang akoo sa mga pinili niya.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon