Chapter 29

1K 19 0
                                    


Ano bang magandang kulay ng pearls na ilalagay ko sa lining ng tube nitong dress?

Gray? Off-white? Or white?

At the end.. Gray ang nilagay ko.

Na meet ko na yung clients ko. Well.. thru video call. They're on their 20s. Mga bata pa. Nakaka inspire!

Ang napili kasing design nung mga client kong ikakasal.. yung ginawa kong project nung college ako. Yung dream wedding gown ko.

Ayaw ko nga sana yo'n! Kasi gusto ko gano'n ang design nung akin sa wedding ko. Pero oks lang, may dahilan ang lahat. Baka makakaisip pa ako in the future ng mas okay o maganda na bagay sa'kin. Basta Diyos na ang bahala sa lahat.

At basta gusto ko pag kasal ko, well prepared lahat. Lahat lahat lahat. I dreamt for a grandiose wedding. Minsan lang yo'n mangyayari sa buhay ko kaya gusto ko sobrang pinaghandaan ito. Gusto kong gawing masayang memory yung pinaka espesyal na araw namin ng mapapangasawa ko. Yung taong ibibigay ng Diyos sa akin na hindi ko na kailangang ma miss pa dahil makakasama ko na araw-gabi kapag Buklod na kami.

Nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Nakasuot ako ng black skinny jeans at white blouse.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko. And I saw a text message from Petter Luiz on screen.

Petter:

Na received mo na yung flowers?

Napangiti ako sa nabasa ko. Lumayo muna ako sa ginagawa ko tapos hinarap ang cellphone ko.

Me:

Oo! I love it!

Me:

Nasan ka? Bakit hindi ikaw mismo ang nagdala?

Petter:

I'm sorry, Love. Hindi kasi ako makaalis dito sa iTunes coffee shop. Bawi ako. Sabay tayo dinner mamaya?

Me:

Kung okay sa schedule mo? Call!

Petter:

Okay na okay. See you later, Love!


Hayyyy... I love the feeling. Ganito pala yun 'no? Yung katext mo yung taong gusto mo tapos puro ka sweet-an yung pinag-uusapan ninyo?

Yung parang walang ibang tao sa mundo niyo? Yung dalawa lang kayo?

Umupo ako sa sofa. Tapos kinuha ko yung bouquet of red roses na pinadala ni Petter sa akin. Ilang linggo na siyang ganito. Minsan siya ang nagdadala mismo, madalas naman delivery lang dahil busy siya sa trabaho.

Tinotoo niya nga yung sinabi niyang liligawan niya ako.

Hindi niya ginawang excuse yung ideya na gusto at mahal ko naman na siya para hindi na siya mag effort pang manligaw.

He really never fails to amuse me!


~*~


"Thank you, Ms. Francia for finishing this wedding gown!"

Pinudpod ako nang halik sa pisngi ni Mrs. Judith San Palma nang ipakita ko ang finished product kong gown.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon