"Grell...let's talk, please?" Pagmamakaawa ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng malamig. Bigla akong napaatras.
"Wala tayong dapat pag-usapan. And please lang, ayoko nang makita ang pagmumukha mo. Ayoko ng maging kaibigan mo. Nakakasakal na. Dinaig mo pa kung umasal ang isang girlfriend o kaya ang asawa. Umalis ka na sa harapan ko. Ito na ang huling beses na kakausapin at kukulitin mo ako." Sabi niya at tumalikod na sa akin at naglakad palayo.
Bigla namang tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Para akong tanga na umiiyak sa garden.
"Kawawa naman siya. Her bestfriend dumped her."
"Serves her right. She's too possessive. Maybe our Dear Grell suffocates from her grip."
"Too selfish brat."
"Yeah right. Akala mo pag-aari niya si Fafa Grell."Nagpatuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Gusto kong mawala na parang bula sa kinatatayuan ko. Nakakahiya. Ikinahihiya ko ang sarili ko. Hindi ko man lang nalaman ang side ni Grell bago ang pangyayaring 'to. Palibhasa nakafocus lang ako sa kung paano siya mapapanatili sa tabi ko.
"I deserve it. I'm so selfish. Lupa, kainin mo ko please?" Huhuhuhuhu. Para akong baliw kakabulong dito.
Too broke. Can't even think right.
"Omg! Athena!" Sabi ng babaeng kumakaripas ng takbo papalapit sa akin at niyakap ako. Her warmth, so familiar. Pagtingin ko, si Ate Brittany. Napayakap na lang ako sa kanya at umiyak muli. Nasa likod niya si Kuya Zaphkiel at mga kaibigan niya.
Siguro, kung andito si Ate Winter ay mabubugbog niya kung sino ang nagpaiyak sa akin. Knowing her, talagang gagawin niya 'yun. Pero nasa Japan si Ate Winter eh.
"Shh, Athena. Ate is here." Pag-aalo sa akin ni Ate Brit. Sa kakaiyak ko naman ay hindi ko namalayang...nakatulog na pala ako.
•••
BINABASA MO ANG
Broken [COMPLETED]
Short StorySHORT STORY #1 "You're my world. You're my everything. And then suddenly, you became my misery." -Athena Fianmatta.