"Earth to Athena? Huwag mo siyang masyadong isipin. Lalaki lang iyan." Inis na sabi ni Mira.
"Hello? Hindi lang siya basta lalaki lang. Bestfriend ko rin siya." Inis na sagot ko sa kanya.
Ugh. Nagugutom na ako.
"Fianmatta, may nagpapabigay sa'yo." Sabi ng isang kaklase ko sabay patong sa ibabaw ng desk ko ng pagkain.
Ay hala, magic. Iniisip ko pa lang kanina na nagugutom ako, tapos ito na agad nasa harapan ko na. Realquick.
"Omo! Sino kayang nagbigay niyan? Uy, ano itsura?" Kinikilig na sabi ni Mira. Ito talagang babaeng 'to. Lagi na lang ba siyang kikiligin? Hays.
"Gwapo." Nakangiting sabi ng kaklase ko. Isa pa 'to. Hays.
"Kyaaaaaaaaaaaah!" At nagsitilian na nga po sila. Sinimulan ko ng kainin 'yung bigay na pagkain. Sayang naman kung hindi ko kakainin 'di ba?
"Ninanamnam ang pagkaing binigay sa kanya. Ayiiiiieh. Kinikilig ako. Siya na siguro 'yung way para makalimutan mo ang ex-bf mo." Sabi pa niya with matching parang nagdedaydream. Mga kalokohan din nito eh 'no? Saka ano raw? Ex-bf?
"Wala naman akong ex-boyfriend." Katotohanang sabi ko. Bigla naman siyang natawa. Baliw din.
"Alam ko 'yan. What I mean is, ex-bestfriend. Kaya Athena, move on. If you'll continue chasing him, the more you'll hurt yourself. Maybe it's time for you to let go of him." Sabi niya. Hays. 50/50 ang nararamdaman ko. 50% let go of him and 50% para panatilihin siya sa akin.
At hindi madaling i-let go siya. After all, he's my world, my everything.
"It's not that easy, you know. He's my life, my world, my everything. And letting him go, is hella hard." Mahirap. Masakit.
"ATHENA!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Mira. Pati na 'yung iba naming kaklase eh napatingin na sa amin.
"You have your own life! Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo! Hindi siya ang mundo mo, hindi rin siya ang buhay mo! Huwag kang magpakatanga na to the point na ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanya while siya ipinagtutulakan ka na. Oo alam kong wala akong alam sa kung gaano na katagal ang pinagsamahan niyo. Pero tignan mo naman ang sarili mo Athena. Siya pinoproblema mo, samantalang siya nagpapakasaya na sa iba. Magising ka naman. Hindi ko na kayang nakikita kang nasasaktan ng dahil sa kanya. Grow up, Athena." Galit na sabi niya saka lumabas ng room. Ahhhh. Iniwan na naman ako. Napaiyak na lang ulit ako.
It sucks.
•••
BINABASA MO ANG
Broken [COMPLETED]
Short StorySHORT STORY #1 "You're my world. You're my everything. And then suddenly, you became my misery." -Athena Fianmatta.