Broken 11

66 2 0
                                    

"Waaaaaaaah! Ang cute naman ng mga anak mo, Ate Winter." Nanggigigil na sabi ko sabay pisil sa pisngi ng dalawang anak niya.

Si Code Lyon na three years old at si Julien Jaeha na one year old pa lang.

"Hay naku, Athena. Huwag mong panggigilan ang mga anak ko!" Sigaw sa akin ni Ate Winter.

Limang buwan na siyang buntis. Oo, buntis na naman siya. Kaso ito, kambal. Hahahahahaha.

It's been two years. Okay na kaya siya? Successful kaya? Wala na kasi akong balita no'ng dinala siya sa ibang bansa eh. Pero sana okay siya.

Miss ko na siya T^T

"Halika, samahan mo ako sa airport." Sabi ni Mira at basta na lang ako hinila at ako naman ay nagpatianod na lang. Hays. May magagawa pa ba ako?

"At sino naman ang susunduin mo sa airport?" Tanong ko habang hila-hila niya ako.

"Ah. 'Yung pinsan ko." Sabi niya sabay ngiti. Weird. Sino naman kaya?

***

"Dito ka lang ah? C-Cr muna ako." Sabi ni Mira.

"Pakibilisan ah?" Sabi ko naman.

Nakaupo lang ako dito habang hinihintay makabalik si Mira. Ewan ko lang. Ang weird ng nararamdaman ko ngayon. Baka tinatawag lang ako ng kalikasan? Siguro nga. Tama. Call of Nature lang 'to. Hintayin ko na lang si Mira saka ako lalarga.

Nagcecellphone lang ako habang naghihintay. Pero ang tagal niya ah? Nilamon na kaya siya ng inidoro? Hays. Kadiri.

Tumayo ako para hanapin kung nasaan ang cr.

Pero kapag tatanga-tanga ka nga naman at hindi tumitingin ay may mabubunggo ka talaga. Tulad ko, may nabunggo.

"A-Ah sorry!" Sabi ko kaagad at nag-angat ng tingin at nagulantang sa nakita.

Bigla namang may tumulong luha sa kanan kong mata.

Ay hala? Bakit ako umiiyak? Ganito ko na ba ka-miss?

"You seem to know me, based on your expression. Why are you crying and who are you?" Cold na tanong niya. Oh, so hindi niya ako naaalala? Epekto siguro ng operasyon. At least, okay na siya. Masaya ako.

"A-Ah, akala ko kasi ikaw 'yung bestfriend ko na nahiwalay sa akin. Magkamukha kasi kayo eh. Ako nga pala si Athena." Sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Grell." Sabi niya at inabot niya ang kamay ko.

"It's nice to meet you."

•••THE END•••

Broken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon