"Athena, kumain ka naman please?" Sabi ni Ate Brittany sa akin.
Pagkagising ko, wala ako sa bahay namin. 'Yun pala, dinala nila ako sa bahay nila Ate Brit. Hindi naman kasi nila ako magising kasi napakahimbing daw ng aking tulog. Nasa abroad kasi ang parents ko kaya mag-isa lang akong nakatira sa bahay.
"Wala po akong gana." Malungkot na sabi ko. Masyado akong down na down. Ang laking epekto ng Friendship Over na scene ah? Nakakastress sa bangs.
"Athena, you need to eat. Mapapasma ka niyan. Kahit kaunti lang, malamanan lang ang iyong tiyan." Pagpupumilit ni Ate Brit.
"Ayoko nga Ate. Hindi ko kaya." Pasigaw na sabi ko. Nagulat naman si Ate Brittany sa inasal ko. Napabuga siya ng hangin at tumayo.
"Tawagin mo na lang ako kapag gusto mo ng kumain." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Naiwan akong mag-isa.
Sa ngayon, siya lang ang pinanghuhugutan ko ng lakas. Wala ang mga magulang ko sa oras na kailangan ko sila. Pero siya, to the rescue at sinasamahan ako. Si Grell lang. Pero ano na ngayon? Pati siya, iniwan na rin ako.
I cried...again.
Sa tuwing naiisip ko ang nangyari, can't help but to cry.
I'm too hurt...too hurt because of my fault.
I still can't believe it.
I don't want to lose him.
But I need to let go of him.
I can't let him hate me again.
Siguro, kinakailangan kong magparaya.
I'll give his freedom and space, kapalit ng kasiyahan ko.
For his sake, even if it'll hurt me too much.
I'll accept.
My atonement.
•••
BINABASA MO ANG
Broken [COMPLETED]
Short StorySHORT STORY #1 "You're my world. You're my everything. And then suddenly, you became my misery." -Athena Fianmatta.