Papasok ako ng school. Naglalakad na parang wala sa sarili. May nabubunggo na rin akong kahit sino.
Napaupo ako sa damuhan. Mamaya na lang siguro ako papasok.
Ang samahan namin ay parang tsokolate. Na sa unang kagat ay napakatamis. At nang tumagal ay pumait hanggang sa naubos, at kinailangan ng humanap ng panibago.
Ganito ba kapag nasaktan? Kumocorny? Oh ako lang talaga? Sad. Super sad.
"Miss, hanggang kailan ka magmumukmok diyan?" Sabi ng hindi pamilyar na lalaki na may inaabot sa akin na tsokolate at delight.
Sino siya? Kitang nagmomoment ako dito eh. >3<
"Hindi mo ba tatanggapin?" Tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Sino siya?
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay do'n ang tsokolate at delight.
"Sa'yo na 'yan, Miss. Ang lungkot mo eh." Sabi niya sabay exit. Huh? HUUUUUUH?
Magpapakita, hindi nagpakilala, tapos magbibigay ng kung ano, tapos bigla na lang akong iiwan? Saklap.
"Oh, Athena. Andito ka lang pala. Akala ko hindi ka papasok." Sabi ni Mira at naupo rin sa damuhan.
I need to move on.
"Ohhhh. Sino nagbigay sa'yo niyan?" Curious na tanong niya.
"Alien." Sagot ko naman. Well, alien naman talaga. Hindi nagpakilala eh.
"Huh?"
"Hindi siya nagpakilala eh. Edi alien siya." Kaswal na sagot ko.
"Ay! Sure akong gwapings! Ayiiiiiiiiieh! May crush 'yun sa'yo!" Kinikilig na sabi niya.
"Nagbigay lang, may crush na kaagad? Hindi ba pwedeng, naawa lang?" Pagdedefend ko. Hilig magjump into conclusions nitong babaeng 'to.
"Ah basta! Halika na, pasok na tayo sa classroom." Aya niya at sumama naman ako sa kanya.
Habang naglalakad kami papuntang classroom, nakita ko siya.
Nakita ko siya kasama ang girlfriend niya...
•••
BINABASA MO ANG
Broken [COMPLETED]
Short StorySHORT STORY #1 "You're my world. You're my everything. And then suddenly, you became my misery." -Athena Fianmatta.