Den's P.O.V
Wow. Busy ang lahat. Ngayong gabi kasi yung Auction. Nagvolunteer kasi ang buong team na sumali sa human auction. Para sa mga bata sa isang orphanage. Good cause naman e. All we have to do is have a date with the winners 2 hours lang naman. Kaya go na.
Aly: wag ka masyado magsuot ng maganda ha.
Den: huh? Bakit? E baka walang magbid para sakin.
Aly: yun nga yung gusto ko e. (winks)
Naku naman. Napakapossesive naman nito. Pero in all fairness, kinilig ako sa sinabi niya. Feeling ko malapit na akong magtagumpay. Mga 2 weeks pa Valdez, akin ka na...
Aly: Ako nga magjjersey lang e.
Den: Crush mo ako no? Kaya ka ganyan... Yiiiieee
Aly: (nagblush) Hay naku. Bahala ka jan. Ako magrready na (Sabay pasok niya sa CR)
Habang naghahanda siya, pumasok ng room si Jia, nakasunod sa kanya ang ibang rookies. Riot nanaman to. Ngayon pa lang e nagsisigawan na sila.
Ana: Suotin mo na kasi to.
Kim: Oo nga.. Para parepareho tayo.
Jia: Ayoko! Ayoko nga e. Kung gusto niyo kayo magsuot niyan.
I stared at them with a puzzled look.
Den: Excuse me.
Jaime: Ate Den. Can you please tell your sister that this dress will look good on her.
Den: I would. But i'd lie.
Jia: talaga lang ah. -_-
Mich: Suotin mo na kasi para malaman natin. Sige naaaaaa.
Jia: Ayoko nga. Pwede na tong shirt at shorts.
Blah blah blah blah blah blah blah
Feeling ko mahaba habang diskusyon ito kaya sinalpak ko nalang ang headset sa tenga ko. Soundtrip muna.
Gretch's P.O.V
Ang saya naman sa feeling. Lahat kami dito gustong makatulong sa kapwa. Napilit ko kasi silang lahat na sumali sa human auction. Para sa orphange na sinusuportahan ng church namin.
Tinitingnan ko lang silang lahat. Abalang abala sa pagpapaganda. Syempre, para mas mataas ang bid diba? Habang nakaupo ako dito sa sofa, biglang bumaba si Fille.
HAaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh
Nagsikantahan ang mga Anghel. Para siyang si virgin Mary na bumaba mula sa langit. Kinulot niya yung buhok niya at naglipstick lang. Yung dress naman niya bodyfit at take note, red pa.
A: Ang ganda niya no?
Gretch: Ha? Ano?
A: Si Fille. Ang ganda niya no?
Gretch: Uhm. Pwede na.
Syempre dineny kong gandang ganda ako sakanya.
Jem: Ikaw naman kasi e.
Gretch: Jem, shut up. Ayoko ng balikan pa yun okay?
Jem: Pero kung makatitig ka...
Gretch: I said shut up. Please (pagpapacute ko)
Jem: Fine. (Laughs) teka nga at imememorize ko pa yung script ko.
Ayun, umalis yung dalawa sa tabi ko. Si A daw, magbibihis na rin. Si Jem naman, magmemerorize pa daw ng script. Siya kasi ang host. Bilang siya ang pinakamatanda, binigay na namin sakanya ang role na yun.
