Marge's P.O.V
Nagising ako sa ingay ng mga teammates ko... Ano pa nga bang bago?
Pagtingin ko sa phone ko 7:00 na pala at sunday na. Last day of suspension na so meaning bukas balik training na ulit. Binasa ko rin yung mga text sa phone ko pero yung pinaka nagstand out syempre ay yung kay Reiley.
Text message
From: Reiley😁
Good morning babe. I bet you look beautiful even when your ugly. Hahahaha labo. I love you regardless. 😁😋😍
Ang sarap talaga ng feeling kapag ganyan agad ang nababasa sa umaga. :)
Pinilit kong matulog ulit pero hindi ko na kinaya kasi ang ingay talaga nila sa baba kaya bumangon na ako, nagtoothbrush at naghilamos na rin atsaka bumaba.
Mae: Pakundisyon ka muna... Ang taba mo na... (Sabay tawa)
O.o sino naman ang kausap nila? May alam ba sila na hindi ko alam? Syempre i have to find out kaya dumeretso na ako sa sala...
Dzi: O.. gising na pala si Minnie Mouse.
...: Pats!
Woah. Just woah...
Tama ba itong nakikita ko? Biglang nagflashback sakin lahat... Siya nga! Siya lang naman ang taong mahal na mahal ko. Siya lang naman ang taong iniwan ako. Siya lang naman si Jirah Llaneta.
Marge: Anong ginagawa mo dito?
Jirah: Wow naman. Ganyan tayo e... Hindi mo ba ako namiss?
Ah. Nagka amnesia ba siya of some sort at nakalimot na sa mga ginawa niya sa akin? After niya akong ligawan at pasagutin bigla bigla nalang aalis. Hindi nga siya nagpaalam sa akin tapos ngayon babalik siya ng parang wala lang nangyari?
Hindi ko siya sinagot. Sobrang BV na din kasi ako kaya bumalik nalang ako sa kwarto...
Mae's P.O.V
Yehey. Kumpleto na ulit kami! After 16182837292 million lightyears bumalik narin si Jirah. Lahat kami syempre masaya at excited nakakamiss naman kasi talaga itong taong to.
A: O kamusta ang puso?
Jirah: Okay na... Bakal na to kaya mas matibay. (Sabay tawa)
Jem: So pwede ka na ulit maglaro?
Jirah: Oo naman. Pagkauwi ko dito dumeretso agad ako sa athletics department. Go signal nalang ni coach ang hinihintay...
Mae: Pakundisyon ka muna... Ang taba mo na...
Last year kasi, pumunta si Jirah sa states para magpagamot. Hindi ko rin alam yung sakit niya exactly,basta alam ko sa puso yun, hindi parin niya ineexplain sa amin, At lalong ayaw niya ipaalam kay Marge. Actually, ako lang ata at si Gizelle ang nakakaalam. Basta yun, urgent yung paglipad niya papuntang america.
Dzi: O.. gising na pala si Minnie Mouse.
...: Pats!
Marge: Anong ginagawa mo dito?
Jirah: Wow naman. Ganyan tayo e... Hindi mo ba ako namiss?
Aw. Basag si Ji. Hindi siya pinansin ni Marge. Well, ang alam kasi namin hindi nakapagpaalam si Jirah kay Marge. Meron silang unfiniahed business sa past nila... Kaya siguro ganun.
Fille's P.O.V
'Ano yun, mahal mo ako. mahal kita. Period? Ganun nalang yun?'
Yan ang mga salitang binitawan ni Gretch sa akin nung magusap kaming dalawa kagabi. Tapos nagwalk out na siya... Hindi man lang niya hinintay yung sasabihin ko... Kahit kailan talaga ang labo niyang kausap. Nakakainis!
![](https://img.wattpad.com/cover/17700449-288-k555602.jpg)