Baler 2.0

4.5K 86 6
                                    


Jia's P.O.V

NKKLK. Hindi ako nakatulog. Ang kukulit kasi ng roommates ko. Kagabi, pagkauwi namin ni ate Ly pakwento kaagad sila. tapos after nun, magcelebrate daw kami. Edi nagcelebrate naman kami. Kain dito sayaw doon. Late na nga kami natulog maaga pa silang nanggising. Sayang daw kasi yung bakasyon... Haist. Bakit nga ba hindi pa ako masanay sanay sa mga ito. Kahit anong oras Hyper parin...

Ana: (idinura ang ininom na kape) pucha. Ano to?

Kim: Eeew. Ana , kadiri ka. (Pinunasan ang braso niyang natalsikan ng dura ni Ana)

Ana: ano kasi to? Yung totoo? Mich, sabi ko matapang na kape. Hindi tubig na kinulayan para magmukhang kape.

Mich: (habang tumatawa) matapang naman ah. Diba nagising ang diwa mo? Sabi ko sayo hindi ako marunong gumawa niyan e.

Ana: Ewan ko sayo... (Tatayo) Punasan mo yan. (Tapos nagpunta sa kusina)

Jia: Hay naku. Ang aga aga aga aga, ang iingay niyo na. Mahiya naman kayo sa iba. Baka mabulabog natin sila...

Saktong dating naman ni Ate Ly. Sigurado naingayan yan... Mukha rin siyang haggard e.

Jaime: Goodmorning Ate Ly.

Aly: (smiles at them) Goodmorning.

Jia: O ayan, may nagising tuloy...

Aly: No. No, it's okay. Bumaba lang ako kasi narinig ko kayo... Jia, pwede ba kitang makausap?

Jia: Pwede.

Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Pero lumabas si ate Ly. -_- Aaaaaaah, in private pala niya ako gustong makausap. Hahaha. Pasenya, slow ang utak ko ngayon... After ilang seconds lang sumunod na ako sa kanya.

Aly: Sorry sa abala ha.

Jia: No ate, Thank you kasi kahit papano nalayo ako sa mga yun. Ang iingay grabe.

Aly: (laughs) ganun ba? Mabuti pala.

-_- tapos tumahimik siya, nakatayo lang tuloy kami tapos nakatingin sa dagat... Akala ko ba kakausapin niya ako???

Jia: Ate Ly. Diba may sasabihin ka?

Aly: (mejo nagulat) ah. Oo nga pala. Sorry ha... (Pause) kagabi ko pa kasi iniisip to e. uhm. Alam mo naman na mahal ko ang ate mo diba? At base sa nakikita ko mahal din naman niya ako...

Halatang kinakabahan siya. Hindi siya mapakali at kung saan saan pa tumitingin. Pero nakikinig lang ako. Naiinip na ako pero. Ano ba kasi talaga Ate Ly?!

Aly: Magpapaalam sana ako sayo kung pwedeng maging kami na ni Den... (Yuyuko)

Jia: (nagbuntong hininga tapos ngumiti) Syempre naman. Official date na nga lang ang kulang e. Walang problema yun...

Aly: (Ngumiti) Talaga? Okay lang sayo?

Jia: Oo naman. Boto kaya ako sayo...

Aly: Akala ko kasi hindi e... Ang sungit mo kasi sakin...

Jia: hahahah. Ganun lang talaga ako. Kaya masanay ka na. I'm happy for the both of you. Seryoso yun.

Aly: Thank you Jia! (Sabay yakap kay Jia) Promise lagi kong papasayahin ang ate mo.

Aly's P.O.V

A sigh of relief ladies and gentlemen. Akala ko talaga ayaw sakin ni Jia. Lagi kasi niya akong sinusungitan. Pero atleast ngayon alam ko nang okay siya na maging kami na officially ni Den. Excited na tuloy ako...

More than teammatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon