Dzi's P.O.V
Intense lang naman ang training namin ngayon. Nagalit si coach Roger kasi muntik na kaming matalo against La Salle nung huling laban namin. According sa kanya, okay lang matalo basta magbigay kami ng magandang laban. Ayaw niya kasi yung malamya maglaro kaya eto kami ngayon, pinaparusahan. Kanina pa kami takbo ng takbo, tapos taalon tapos takbo ulit... basta parusa talaga. Pansin ko sa ibang teammates ko na naiinis na sila. Ako rin naman e, pero bilang team captain. Dapat hindi ako magpadala sa inis ko...
Coach: Water break. 15 minutes. GO!
Sa wakas! Sa buong 2 oras namin dito, yan palang ang sinasabi sa amin ni coach... Syempre, pagod ang lahat kaya kanya kanya kaming pwesto sa may bleachers...
Marge: Grabe naman si Coach. Nanalo naman tayo ah...
Amy: I think we're converting to track and field...
Ana: Bakit ba galit si coach?
Fille: E kasi nga muntik na tayong matalo sa game. Ayaw niya yung laro natin. Kayo naman, hindi pa kayo nasanay...
Gizelle: Parang unfair lang kasi... Nanalo naman tayo pero bakit hindi siya masaya?
Mae: Oo nga, game day bukas diba? Game 2 pa! Dapat nagpapahinga tayo ngayon. Parang dati. Grabe na talaga to...
Ella: Mag arnis nalang kaya ako?
Marge: Quit nalang ...
Masakit para sa akin na marinig yang mga salitang ganyan mula sa teammates ko. Masaya si coach. Alam ko yun... Ayaw lang niya talaga yung nilalaro namin. Pansin ko rin yan e. Lalo na sa mga sophomores at Juniors, parang napanghiginaan na sila ng loob. Wala na silang gana magtraining. Naapektuhan tuloy yung laro nila...
Si coach Roger naman kasi, laging ganyan. Madaling magalit kasi nakikita niya yung mali namin. At gusto lang niya itama yun. Lalo na ngayon at Finals na.
Den's P.O.V
"Yan na nga lang ang trabaho mo hindi ko pa magawa ng maayos. Libero ka pa man din"
Hinding hindi ko makakalimutan yang mga salitang yan. Ang mas masakit pa, sariling coach ko pa ang nagsabi sa akin niyan. Ginagawa ko naman lahat ng makakaya kong saluhin ng maayos yung bola kasi alam ko na bilang libero, sa akin magsisimula ang lahat ng maagandang plays. Bakit ba hindi makita ni coach na nagsusumikap ako...
Aly: Babe, wag mo nang isipin yung sinabi ni coach... Galit lang yun.
Galit nga. Hindi kasi nila naiintindihan e. Hanggang ngayon, dala dala ko pa rin yung guilt ng pagkatalo namin last season. Kahit naman hindi sila manisi o magsalita, alam kong malaki yung naging papel ko sa pagkatalo namin. Hanggang ngayon, ako parin yung sinisisi ni coach, I know that.
Dzi: (pasigaw) 15 minutes is over guys. Training na ulit!
Aly's P.O.V
Naaawa ako kay Den. Ang sakit kasi ng sinabi ni coach Roger sakanya kanina. Pero ayaw kong ipakita na naaawa ako kasi ayaw niya yun. Kanina halos maiyak na siya nung marinig niya yun. Gusto ko siya yakapin kanina pa lang pero baka lalo lang siyang mapagalitan kapag ginawa ko yun... Magaling naman si Den e... Hindi lang siguro nakikita ni coach Roger yun.
Dzi: (pasigaw) 15 minutes is over guys. Training na ulit!
Ella: Haist. Parusa nanaman. Ayoko na... (pabulong)
Rinig na rinig ko ang mga tunog ng pagod at pighati galing sa teammates ko habang pabalik sila sa gitna ng gym. Nagulat nalang kami ng biglang lumabas si coach at pinaupo kaming lahat. May mahalaga daw siyang sasabihin.