Jia's P.O.V
Nakalimang ikot na ata ako dito sa Fullybooked pero hindi ko parin makita yung librong hinahanap ko. Sabi kasi ni Marge dito daw niya nakita yun... Alam niyo ba yung Thaltos by Anne Rice? Limited edition lang kasi ata yun kaya ang hirap hanapin talaga. -_- Pero dahil gustong gusto ko yung book na yun, never give up ang peg ko.
Jia: (mabubungo sa katabi niya) Oh shit, sorry.
Bea: Oh, It's okay (titingin kay Jia) Jia? Mich's friend? I mean girlfriend. Right? (Sabay smile)
Jia: Yeah. And you're Bea.. (pilit na ngiti)
Ewan ko lang ha. Pero parang may something dito sa Bea na to. Hindi ko palang talaga malaman kung ano. Hmmm...
Bea: What a small world ah. We always bump into each other. Ang cool no?
Oo nalang. Sense na sense ko kasi ang pagkaplastic nitong taong to. Ewan ko kung sa accent or sa kilos lang talaga. And knowing myself, hindi ako agad nagtitiwala sa ibang tao ng basta basta.
Bea: Naalala ko may atraso pa ako sayo. Tara lunch tayo. Treat ko...
Jia: (nagulat ng konti) Huh? Hindi na. Kalimutan mo na yun, nabangga naman na kita e. we're even.
Bea: (tatawa ng konti) Iba naman yun. Tara na, I insist. (Sabay hila kay Jia)
May magagawa pa ba ako? Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko and for a lean girl ang lakas niya... Aha! Since mapilit siya, oorderin ko nalang lahat ng mahal sa menu...
Ella's P.O.V
****BEEEEEEEP
Pucha! Sa lahat ng kakilala kong matatalino, si Denden na ata ang pinakamahirap turuan. Kanina pa kami nandito sa Moro para turuan siyang magdrive ng motor pero wala parin. To think na scooter lang yun ah. Feeling kasi niya nagtatampo na si Aly. Paano ba naman kasi, laspag na yung Vespa sa kagagamit namin pero kahit isang beses hindi pa nagagamit ni Dencio kaya nandito kami ngayon.
Ella: -_- Besh, mas sinasabi ko sayo, mas mahirap pa ang course mo kaysa sa magpaandar niyan.
Mich: Wag ka kasi matakot ate. Kaya mo yan...(sabay smile)
Buti nalang talaga at nandito itong si Mich. Nagulat nga ako kasi ang tyaga niyang magturo. Kanina ko pa kasi binabalak na itulak nalang yung motor para kahit papaano gumalaw naman si Den...
Mich: Try mo ulit. Basta, clutch. Eto yung break. Yung paa mo wag mo isayad sa lupa. At yung kanina mo pang pinipindot, Horn yun... GO!
Pangatlong ulit na ni Mich yun habang tinuturo niya isa isa yung parts ng motor.
Ella: Go lang besh. Kaya mo yan...
Den: Sige.. Here goes nothing... (Sabay andar)
Finally!!!! After 71737393 million tries, umandar din siya. Buti naman at makakaalis na kami dito sa ilalim ng init ng araw. Dinaig ko pa ang nag sun bathing sa it ko ngayon. JK
Mich: (pasigaw) Ate Den. Break!
Oh My God. Babanga ata siya...
****beeeeeeeeeeep
BOOOOOOOOGSH
Anak naman talaga ng baklang pating. Nabanga nga siya. Napatulala ako pero napansin ko namang tumakbo agad si Mich papalapit kay Den kaya sumunod din ako nung matauhan na ako...
Mich: (yuyuko) Okay ka lang?
Den: Aaaaaaaaaah. Ang sakit ng paa ko. (habang umiiyak)