Angel's POV
Matapos ang paguusap namin ni Niall, pumasok kami sa loob para hanapin yung apat. At nakita ko yung tatlo. Teka Tatlo lang sila? Asan na si Zayn? Lumapit agad ako dun sa tatlo at tinanong si Zayn
"Liam,Harry, Louis. Asan si Zayn? "
"uyy Namimiss niya. " pabiro sabi ni Louis. Ala kwenta tong tanungin puro biro ang lumalabas sa bibig -_-"
"Siraulo. Seryoso kse Lou Asan nga si Zayn? " tanong ko habang yung mata ko nililibot ang tingin..
" Wala na si Zayn, Umuwi na " Oh diba sumagot din sa wakas si Liam... Hayy Nako salamat oh sumagot din...
"Psh. Liam nakow naman sasagutin lng ang tagal pa. -_-" sabi ko
"Haha sorry, BTW gusto niyo na bang umuwi? " tanong niya
"Geh uwi na tayo nakakapagod eh " Sabi ni Harry
"Ang alin? Pakikipagflirt or etong Party? " tanong ko
"Actually ang pakilipagflirt! " sabi niya.
*Paakk *
"Aray ang sakit naman nun girl!" sabi ni Harry in Bakla tone. Binatukan ko na lng.. Wala kse inaatupag kundi flirt ehh Tss...
"Halika na nga uwi na tayo " Aya ko sa kanila at agad kaming lumabas at sumakay sa Kotse ni Harry At si Liam ang nagdrive dahil daw kanina nung nagdrive si Harry muntikan ng atakihin sa puso si Liam sa sobrang bilis. Ang Gago talaga nun Minsan sarap kutusan with feelings. XD
Pagdating sa Bahay, umupo muna sila sa sala at ako naman paakyat na ng may biglang tumawag kay Liam.. Sino kaya yun? Si Zayn kaya yun? Tengene Angel wag kang Pakielamerang Bestfriend...
Aakyat na sana ako ng biglang sabi ni Liam na
"Hello Zayn? " Agad akong bumaba nun at hinintay kung ano sasabihin ni Liam. Ni Loud speaker ni Liam at may sinabi si Zayn na magpapaalam daw siya.. Huwatt? Paalam? Saan pupunta yun? Nakatunganga ako dito na hindi nagsasalita at parang napako na ako sa kinatatayuan ko nang marinig kong magpapaalam si Zayn..
Zayn naman ehh bakit ganun? Mangiiwan ka? Anu ba yan, kung kelan ba naman na narealize ko na ikaw yung nakatadhana saakin , tsaka ka pa Aalis? Wag ganun... Arrgghh.. Matapos ang usapan nila, yung Apat inalog ako at si Niall pinunasan yung luha ko. Lumuha pla ako ng hindi ko alam. Kung naguguluhan kayo na inalog ako kasi nakatunganga lng ako. Agad akong Umupo sa Sofa at Humagulgol nang humagulgol.
"Bakit Ganun? *Sniff* kung kelan narealize ko na sya yung taong mahal ko *sniff * at tsaka siya aalis. *sniff * Ang unfair niya. " sabi ko habang humahagulgol buti na lng ang makeup ko hindi nagsmudge dahil waterproof daw yun.
"Angel, alam mo mas mahaba pa yang hinahagulgol mo kesa habulin natin flight niya " sabi ni Louis. Huh? Ano ba oras flight nun?
"Bakit *Sniff* ano ba oras *sniff* flight niya? " tanong ko
"2 a.m." cool niyang sagot. Srsly? Nagawa pa niyang pahagulgolin ako ng ilang minuto kesa sabihin niya..
"Eh Tarantado ka pla lou eh *sniff * nagawa mo pang pahagulgulin ako ng ilang *sniff * minuto bago mo sabihin. Anong oras na ba? " tanong ko kay Louis.
"12:30" sagot niya
"Ahh k may or–– Ano 12:30 ? Shit! ilang oras biyahe sa airport? "tanong ko nang nagpapanic
"Ano ba Kalma lng Gel, Isang oras mahigit yun" sabi ni Niall.
"Potek. Ano ba Halika na ohh habang may Oras pa. Dalian niyo po plss. " habang nagpapanic ako sumakay agad akong kotse at nung medyo malapit na sa airport natrapik pa. Shett oh kamalas malasan naman ohh tungunu naman.. Nung palapit na nang palapit sa airport, bumaba agad ako at yung apat sinigawan ko nang "Sumunod na lng kayo! " At ako naman kumaripas ng takbo pa papasok sa loob ng airport.. takbo ako ng takbo hanggang sa nag
*Ding ding ding dong *
The flight from Manila to London is now flying
again. The flight from Manila to London is now Flying thank you.*Dong dong ding ding *
(a/n: sorry guys di pa talaga ako nakakapunta ng airport sa tanang buhay ko pero nadadaanan lng namin sorry )
Aww <//3 nakaalis na sila. Wala na akong pagasa My gawd.. *sights * Zayn Thank you very much for being such a good friend to me, Sana masaya ka na dun sa London . Thanks a lot Zayn. Thanks dahil pinasaya mo buhay namin. lagi kong tatandaan ang mga Good memories .. Thank You. Good Bye & I love you Forever! pumapatak ang luha ko habang naglalakad papalabas ng airport. Nasalubong ko yung 4 at tinanong ako.
"Ano Naabutan mo ba siya? " tanong ni Harry
"Hindi eh kakaalis lng ng flight ni--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may tumawag saakin.
"Angel! " at paglingon ko si Zayn tinatawag ako
"Zayn! " tumakbo ako at niyakap siya nang mahigpit
"Zayn, akala ko nakaalis ka na? " sabi ko
"Hindi kse alam kong hahabulin mo ako ehh. "
"Akala ko ba Zayn Walang iwanan, bakit ka aalis? "
"May aasikasuhin lng kami sa London, wag kang magaalala babalik ako ha hintayin mo ako dapat ako lng ha. Mahihintay mo ba ako? "
"oo naman ikaw pa! Bakit hindi kita Hihintayin? eh ikaw na laman nito oh *turo sa heart *"
"Haha ikaw talaga, Oh sige na aalis na ako ha, Hintayin mo ako ha. I Love You! "
"I Love You Too! Basta bumalik ka dito."
And we Kiss Passionately, slowly, and sweet... Yay First kiss at narinig ko yung apat nagsisgawan haha... at pinaghiwalay na namin ang aming labi at nagpaalaman ng isa isa.. pati ung apat nagpaalam din..
Hayy I miss you and I love you Zayn.
**********************************
Hola guys sorry kung matagal ud ahh kse nawalan ng WiFi ehh. vote and comment naman jan oh plss