Kabanata 5. Grade 9

9 0 0
                                    

As i said hindi ko isusuko ang aking promise. Kaya naman hindi ako magpapadaig sa feelings ko hahaha. Sa schoolyear na toh ako na excite kasi may challenge na nabuo. May kompetensiya at may kilig din. Pero sa larong toh may nananalo at may natatalo din. Hindi naman pwedeng lagi tayong nananalo at lalong hindi din naman pwedeng hindi tayo matalo diba. Kaya minsan ay natatalo tayo. Pero ang matalo ay ayus rin lang sapagkat sa pagkatalo ay may aral na natututuhan at maari nating gamitin ang aral na ito upang maiwasto ang pagkakamali at matupad mo ang iyong hangarin.

So heto na ang kompetisyon na nangyayari sa pagitan namin ni Kian. Nag kokompensiya kami para maimpress si Natalya. Hahaha parang naglalaro lang pero may challenge. Pero ganito talaga kasi bata pa kami nito hahaha. Sa bawat pagpatak ng oras ay kailangan mong gumalaw gakaw para mauna ka sa karera ng pag ibig. Kaya magdadasal nalang ako sa panginoon na kung sino ang karapat dapat na mauna sa finish line. At heto na umaandar na ang oras. 3....2....1.... go!!! Ako ang nangunguna, pero malapit lang siya sa aking likod...

Ganun parin ang ginagawa ko kay Natalya, sabay kaming maglalakad papuntang school at sabay din kaming uuwi. Pag periodical test ay papalapit na ay magrereview kami sa bahay nila. Kinikiliti ko siya, pinapatawa at pinapasaya ko siya. Pag nalulunglot siya ay kinocomfort ko siya. Itetext ko pa siya noon...

Arjo: Hi Natalya!!!

Natalya: Helloo din Arjo!!!

Arjo: Musta ang araw mo ngayon? Ayus lang ba Natalya?

Natalya: Oo, ang saya ko nga eh.

Arjo: Ayy mabuti kung ganun hahaha.

Natalya: Hahaha sobra.

Arjo: Eh ikaw kamusta ka naman?

Natalya: Oks na oks ako as always.

Arjo: Haha yey!!! Kumain ka na ba?

Natalya: Hahha yey!!! Oo kumain na ako kanina.

Arjo: Nabusog ka ba?

Natalya: Oo, ako pa hahaha dinamihan ko nga ang kain ko eh hahah.

Arjo: mabuti kung ganun.

...

Akala ko maayos na ang lahat kasi ako ang nauuna. Pero hindi parin pala kasi di ko pala napapansin eh humahabol na pala si Kian sakin hanggang sa naunahan niya na ako ng tuluyan. Lalapit si Kian sakanya tapis maguusap sila hanggang sa di ko namamalayan na ngumingiti na si Natalya at bigla nalang silang tatawa ng sabay. Paulit ulit yun araw araw. Kaya araw araw din akong nauunahan ni Kian hanggang sa bumabagal na ang pagtakbo ko sa kompetisyong ito. Dahil araw araw din akong paulit ulit na natatahimik at nagseselos. Palagi akong tulala sa bintana at napapa isip nalang ako na siguro hindi naman talaga kami para sa isat isa. Siguro sila naman talaga ni Kian ang bagay kasi si Kian mayaman, gwapo, talentado at matalino pa. Bagay talaga sila. Eh ako isa lang akong dukha, May itsura naman ako pero di ko mapapantayan si Kian. Talentado ako, makapal ang mukha at moderate lang pagdating sa akads. Dumating din ako sa point na malapit ko nang i give up yung pangako ko. Kasi araw araw yun na ganun sila, araw araw din na ganito ako. Tapos pagdating sa mga grouowork eh lagi silang mag kagrupo. Ni hindi na nga kami nagkakasama ni Natalya ehh. Tapos lahat ng mga guro namin eh alam ang tungkol sa nararamdaman ni Kian para kay Natalya. Pati mga kaklase ko eh lumalayo na sakin at napapalapit na kay Kian. Wala nang natira sa akin. Lahat na kinuha niya sakin. Wala na di ko na talaga kaya ang sakit at pag seselos dito sa puso ko. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang umiyak. Wala naman akong malapitan na kaibigan kaso lahat na sila ay nasa bunto na ni Kian.

Pero diba sa kompetisyon eh kailangan mong lumaban para manalo. At nagkakamali ka din naman diba. Eh ako sobra ang pagkakamaling ginawa ko. Kung inamin ko na kasi sakanya edi sana ayus na ang lahat. Katorpehan ko kasi ang umiiral kay ganun. Kaya kung gusto kong manalo, kailangan kong lumaban. At lalabanan ko ang katorpehan ko para maunahan si Kian. Kaya napagisip isip ko na gumawa ng tula para ialay sakanya. Upang sa ganon ay masabi ko sa buong mundo na mahal ko siya. Kaya yun ang ginawa ko. Paglipas ng 1 linggo ay natapos ko na ang tula at buo na ang loob ko na iparinig ito sa lahat at siyempre pati na din sakanya.
Kaya naman bago mangyari ang lahat ay kinonchaba ko ang aming guro na ibigay ang oras niya para sa gagawin kong confession sa harap ng mga kaklase ko, walang pag aalinlangan niya akong pinayagan at sinuportahan patungkol dito.

Kinabukasan ay nakahanda na akong sunduin si Natalya. Sabay kaming pumasok sa loob ng silid aralan. Inantay kong matapos maglinins ang aking mga kamag aral. Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na silang naglinis at nagsimula na silang mag ingay dahil wala ang aming guro. Dali dali akong humingang malalim at tumayo sa aking inuupuan. Dumiretso ako sa harap ng aking mga kamag aral. Sa hudyat na ito ay nag simula na akong magsalita.

Aking mga kamag aral. Maaari ko bang mahingi ang inyong katahimikan?

(Huminto ang lahat sa pag sasalita)

Nais ko sanang ilaan niyo ang inyong mga tainga saakin at kayo'y makinig
Sapagkat nais kong marinig niyo ang aking himig.
Sapagkat ako'y nandito upang maglaan ng pag ibig.

Nang una tayong magkita'y
Buhay ko'y nabigyan ng kulay
Sa bawat pagkurap ng mata mong mapupungay
Masasalamin ang babaeng maalumanay

Akala ko noon walang puwang ang pag ibig
Sa puso kong laman lang ay tubig
Ngunit sa pag dating ako'y nayanig
Ang puso kong dumadagundong ang pintig

Sa tuwing ikay nakikita ako'y natutulala
Di maiwasang tumitig sa mala anghel mong mukha
Tuwing maririnig ang iyong salita
Parang musika sa aking tainga

Ang babaeng tinutukoy koy walang iba
Kundi ang babaeng nagpaibig sakin mula nung elementarya
Siya ay walang iba kundi si MonteCarlo, Natalya

Pagkatapos ng tula ay hinila ko si Natalya paharap. Tinanong ko siya

Arjo: Pwede ba kitang mahalin at antayin hanggang sa pwede na tayong magmahalan?

Natalya: kaya mo bang mag antay ng pitong taon?

Arjo: Sus, ang mahalin ka nga ng ankm na taon, ang pito pa kaya.

Natalya: Sigurado ka?

Arjo: Kaya nga papatunayan ko sayo diba?

Natalya: Pano kung wala kang maantay?

Arjo: Oh edi kahit na basta masaya ka at maipkakita ko sayong seryoso at loyal ako sayo ayus na ^_^

Natalya: Oh edi sige (pabulong)

Arjo: Ano ano? Di ko marinig.

Natalya: Oo nga!

Arjo: Pakiulit di nila marinig.

Natalya: Oo!!!!

Lahat ng mga kaklase: YIEEEEEEEEHH!! KINIKILIG KAMI SAINYO!!!

Arjo: Hahaha edi the waiting game has began.

"Ang pagkakamali ay hindi hadlang sapagkat matututo kang bumangon mula dito at ipagpatuloy ang iyong paglalakbay"



Back to You⏮Where stories live. Discover now