Hmmm san ba tayo mag sisimula? Siguro nung nakilala kita. Teka lang anong grade na ba yun? Hays sige simulan natin mula nung grade 4. Grade 4 ba yun? Oo tama grade 4 hahaha.sige simulan na natin toh.
In Arjo's mind...
Andaming magagandang bata noon sa Picanto elementary school. Aaminin ko madami akong naging crush noong elementary ako, sa totoo lang eh di ko na mabilang eh isa na dun sina Ashley, umm si Majoy, si Miya, si Monic, Nicole tsaka madami pang iba. (Hahaha dami noh?) Mula Grade 1 hanggang grade 3 kong naging ceush yang mga yan, siyempre bata pa ako noon kaya di ko pa alam mga pinag gagagawa ko noon. Hahaha sa katunayan nga eh patambling tambling pa ako nun para lang maka score sakanila eh hahahah. Ngunit pagdating ng ika-apat na baitang, unang araw ng klase yun noon, habang naglilinis ako eh may nakabangga akong babae na napakaganda, para siyang anghel ng makita ko siyang nag nining ning sa daan, di ko mawari ang aking naramdaman noon, parang tumigil ang pagikot ng aking mundo, feeling ko eh parang nasa langit ako nun. Nawala na nga ang atensyon ko sa aking nililinisan noon kasi nakatitig nalang ako sa mga mata niya hahaha. Hanggang sa di ki namalayan na kinakausap pala niya ako hahah...Magandang babae: Hala! Kuya ayos ka lang ba?
Arjo: (tulala parin sa mga mata ng babae)
Magandang babae: Uyy kuya? (Yuyugyugin si Arjo) kuya?
Arjo: Ha? Umm ano yun?
Magandang babae: Tinatanong ko po kung okay ka lang?
Arjo: Ahh oo naman ayus na ayus ako hahaha.
Magandang babae: Ganun ba kuya? Sige pasok na po ako sa classroom.
Arjo: Ahh sige ingat!!!
Magandang babae: Salamat kuya ^_^
Sobrang kilig ko nun yays! Nakausap ko na siya sawakas hahaha kahit na natulala ako nung una eh nakausap ko pa din ang anghel na iyon. Pero di lang yun ang naging sanhi kung bakit ako kinilig. Sinurpresa ako ni Lord kasi yung hiling kong maging kaklase siya ay natupad. Kasi pumasok siya sa classroom namin yay!. Sobrang tuwa ko nun hahaha. Pero nag ring na ang bell kaya itinigil na namin ang paglilinis at pumasok na sa silid aralam.
Heto na ang pinaka hihintay kong moment. Ang self introduction. Inihanda ko ang aking mga tainga upang marinig ko ng malinaw ang pangalan niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay ako na ang magpapakilala...
Arjo: Ummm hello mga classmate. Ako po si Arjo L. Saltivan, siyam na taong gulang, ako ay naninirahan sa barangay Picanto Manlangit, La Presa. Nice to meet you mga classmates!
Teacher: Ok salamat Arjo. mga bata... meron tayong transfery. Iha ipakilala mo ang sarili mo.
Magandang babae: Goodmorning mga classmates, Ako po si Natalya S. MonteCarlo, siyam na taong gulang, ako po ay naninirahan sa barangay Picanto Manlangit, La Presa. Sana ay maging Friends tayong lahat! Maraming salamat po ^_^.
Dinig na dinig ko yun napakalinaw. So Natalya N. MonteCarlo ang pangalan niya. Tunog mayaman ang apilyedo, at ka barangay ko pa hay tadhana nga naman. Mukhang pinag lalapit kami sa isat isa.
Ngayong alam ko na kung sino siya it's time na para dumamoves hahahah. Heto ang pinaka paborito kong parte ng istorya hahaha ang maka score sa puso niya hahahah. Maalala ko pa nun noong nagpanggap akong wala akong lapis hahaha. Pasimple akong humiram sakanya ng lapis tas nung inabot niya eh nahawakan ko ang malambot niyang mga palad. At nung nakuha ko na ang lapis ay tumakbo ako papuntang cr. Dun ko pinaghahahalik ang lapis niya hahaha para pag ginamit niya ay mahawakan niya at magpunas siya ng mukha ayy parang hinalikan ko na siya hihihi. Baliw talaga ako noon. Meron pa yung time na hinriram ko eraser niya tapos ginuhitan ko ng puso para kapag umuwi siya ay parang inuwi niya na din puso ko hahahah. Meron pa nung grade 5 yung kukunin ko yung notebook niya tapos magpapahabol ako sakanya. Para feeling ko na hinahabol niya ako kasi crush niya na din ako hahaha. Magpapalibre pa ko saknya noon. Tapos pag dating sa canteen eh patagong titignan ko yung bibilhin niya tapos ganun din bibilhin ko para kunware matchy kami ng kakainin. Tapos nung grade six na eh magsusulat ako ng liham para sabihin ang nararamdaman ko sayo tapos pag recess ay pasimpleng itatago ko sa notebook mo para pagbukas mo ay yun ang mag papakita. Tas habang binabasa mo iyon ay kinikilig naman ako hahaha.
Pero sa ganda ni Natalya noon eh ako lang ba ang magkakagusto sakanya? Siyempre may mga karibal din ako noon. Kagaya ni Aldrin noon. Nung dumadamoves siya kay Natalya noon eh maghuhukay ako ng butas tapis maghahanap ako ng uod hahaha (kadiri) tapos sabay lagay sa bag niya hahaha. Tawang-tawa kami noon nung binuksan niya yung bag niya kasi nung nakita niya yung uod eh napaihi nalang siya tapos sumigaw siya na may ahas daw sa bag niya hahaha. Hindi lang si Aldrin ang biniktima ko noon. Pati si Marcelino huh mas malala pa ang ginawa ko sakanya hahaha. Pinuno ko ng malalaking bato yung bag niya hahaha tapos nung buhatin niya na yung bag niya eh mabigat na naresulta ng pagkasira ng bag niya. Siyempre bata pa ako noon kaya di ko pa alam ang pinaggagagawa ko. Pero kung tutuusin eh savage pala ako nung maliit pa ako hahaha. Grabe ako noh. Pero marami pa akong biniktima noon. Sobrang lupet ng trip ko noon hahaha.
Pero nung Graduation na natin dun ako nalungkot. Kasi di ko na makakasama sina Marvin at Ryan. Silang dalawa ang naging best friend ko noon. Silang dalawa yung tumutulong sakin na mag da moves kay Natalya tsaka sila din ang sumasalo sakin kapag bagsak mga nakukuha ko noon. Pati si Princess na kinonchaba ko noon para ibigay kay Natalya yung mga libre ko kasi nahihiya ako noon eh. Sobrang emotional nung ara na iyon kasi pati mga favorite teacher ko eh di ko na sila magiging teacher. Tsaka sila din ang nakaka alam ng feelings ko para kay Natalya. Sila din yung gumabay sakin para makapagtapos ako ng elementarya. Pero ganun pa man ayy masaya pa din ako kasi naging parte sila ng buhay elementary ko. Tsaka kapit bahay ko naman si Natalya kaya masaya ang bawat araw ko kasi araw araw ko siyang nakikitang nakangiti. At yun na nga ang pagtatapos ng buhay elementarya namin ni Natalya.