*Memories*
Xeilah's POV
Haaaay. Bat ang boring boring? kanina pa ako bumubuntong hininga dahil sa WALA AKONG MAGAWA SA BUHAY KO. Saya diba? >________< asan ako? sa kwarto. lalabas lang naman ako pag kakain. okaya pag tinopak yung sira ulo kong kuya at walang ibang ginawa kundi katukin ako dito sa kwarto ko.
Almost 1 week nadin matapos ang mall show na sinayawan namin. well, hindi naman natapos lang yun dun dahil sa almost 1 week nayun tatlong beses nag perform ang juniors. sa ibat ibang malls pa. syempre with seniors. And gaya nga ng napagusapan with Tandang M.A Active nadin ako sa pagpapractice. Ang seniors e sa almost 1 week nayun wala na silang pahinga sa pag around the mall nila -___- ang dami nilang guestings. Kagaya ngayon. Nasa SM Pampanga sila. Edi sila na. nasasabit lang naman kami pag ayaw nila masyadong magperform okaya pag pagod talaga sila. Hindi kami kakilala kagaya nila. Pogi daw kasi sila at magaganda -____- powta wala nga akong type dun e. Si Budoy lang naman ang gwapo dun e. oo na. pogi na sya. Nako wag nyong sasabihin dahil lalaki nanaman ulo ng isang yun. -____-
At dahil nga sa wala akong magawa at kanina padin ako nakahiga e kinuha ko yung Lap Top sa side table ko at naghanap ng magagawa.
Binuksan ko Instagram ko. Ang daming new followers. pero walang wala naman itong mga new followers ko sa mga araw araw na new followers ni budoy. Peymus e -___- Nag selfie ako para naman may maipost naman ako sa insta ko. kawawa naman mga followers ko. Nag scroll scroll lang ako then niLogOut ko nadin. Ang boring padin. -______-
Binuksan ko naman Twitter ko. As expected madami ding interactions. Puro chuchuchuchu followed you. Again. wala padin to sa mga followers ni Budoy. Nag scroll pa ako. May chuchuchuchu favorited and retweeeted your tweets. psh. Fan girls :3 Nag tweet ako ng WALANG KWENTA -_____- and wala pang ilang segundo may 30 favorites na agad. medyo napangiti ako. kahit pala alam nilang masama ugali ko may mga tao pading humahanga sa akin. or not? ayy basta! Nag tweet ako ulit ng BORING :( This time hindi lang favorites kundi may retweets nadin. well, iba na talaga ang maganda ;)
Nakaramdam ako uli ng pagkaboring kaya naman Facebook naman ang inopen ko. Ganun padin madaming Friend requests and new followers. May ilang messages din.Sa notification naman puro chuchuchuchu likes your Photo. Nag punta ako sa news feed. Puro mga kaekekan lang naman. mga qoutes na akala mo e naiintindihan talaga nila yung meaning. Meron naman yung Post ng Post ng selfies e jusko ang muka naman mukang paa -_____- Oo na ako na masama. Kaka scroll down ko e may isang post na naka caught ng attention ko.
"Friends sila yung kasama mo sa panglalait ng kinaiinisan mo at kasama mong gumawa ng kalokohan. But BESTFRIENDS are the ones who stayed with you no matter what happen or no matter what attitude you have."
Nang mabasa ko yun, parang may kung anong sumakit sa parte ng puso ko. "Friends" Bulong ko. Ngayon ko lang din napagtanto na ni isa wala ako niyan. Sa bilyong bilyong tao sa mundo ni isa wala ako. Pero ang mas masakit? Yung "Bestfriend". Naalala ko kung paano kami magtawanan ng bestfriend ko. Pero napaluha nalang ako ng maalala ko kung paano siya kinuhanan ng buhay. I saw everything. I was stuck in the past. I was stuck in that incident. That time wala akong nagawa kundi ang titigan ang nangyari sakanya. Kung paano siya nahagip ng isang van. It was a heat and run. Naalala ko pa ang lahat.
xxx
We're about to go to the convinience store to buy some snacks. Bata pa kami noon. walang alam sa mga bagay bagay kundi ang maglaro. Piningot niya ang tenga ko kaya naman hinabol ko siya. And by the moment na lumingon siya saakin with her face smiling, e sakto namang may van na humarurot at nahagip ang kalahating bahagi ng katawan niya. I was shocked. napahinto ako sa pagtakbo with my eyes opened. wide opened. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nakatitig lang ako sa katawan niyang puno ng dugo. she lose conciousness. Napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko at doon walang tigil na pumapatak ang mga luha ko.
Ang tagal tagal na nun. pero kapag naaalala ko ang nangyari nawawalan ako ng lakas ng loob makisalamuha sa iba. After that incident nagbago ako. naging cold. Napaka sungit. Sabi nga ni kuya daig ko pa ang nag menauposal kung magsungit. Madaming nagtangkang makipagkaibigan sa akin pero ang lagi ko lang sinasabi sakanila I don't need you. I don't need anyone. Pag naririnig na nila yun nilalayuan na nila ako at sasabihan ng kung ano ano. well, immune na ako sa mga masasakit na salitang binibitawan nila tungkol sa akin. Tsaka isip isip ko din na kung talagang gusto nila akong maging kaibigan they find a way para mapalapit ako sakanila. pero it turned out na imbis na gumawa sila ng way para mapalapit sa akin e mas pinipili nilang layuan ako. Napaka ko daw. Napaka Cold. Napaka Walang pakialam sa mundo. They're judging me. but I don't care. Hindi ko kelangan makipag plastikan sa tao.
pinunasan ko ang luha ko at napatingin uli sa screen ng Lap top ko. And another posts struck me.
"Walang taong hindi kayang tanggapin kung sino ka, try to find them. Malay mo nasa tabi mo lang. Or better, nasa friendlists mo."
Eh? medyo natawa naman ako sa nagpost neto. Nasan daw? Tabi? or better nasa friendlists? pathetic.
Isasara kona sana yung LapTop ko ng may biglang parang bumulong sa akin na Try it. who knows. Napasampal ako sa pisngi ko. ano ba to. But, I admit theres a part of me na gustong subukan. Pero meron din naman na ayaw. Hahawakan kona uli yung monitor ng lap top ko para isara ng may parang naguudyok sa akin at sinasabing Wag mo muna isara. Try mo lang. Theres no harm in trying.
"Oo nga. Try lang naman e."
AYY POTAAAA! NAKAKABALIW DIN PALA ANG MAGISA -_______- Pati sarili ko kinakausap kona magisa. Isinarado kona ang LapTop ko at nahiga nalang ulit. Itutulog ko nalang to. bwisit.
Oh good Lord.
A/N: Hohoho! Hello! :) Some part of this story e totoo. And if I say totoo. Nangyari talaga in real life. I wonder kung anong pakiramdam ng mamatayan ng bestfriend. I pity Xeilah, before. not anymore. 'coz she have me already :) Bastfriend, pag nabasa mo'to ngayon palang nagsosorry na ako dahil binase ko sa experience mo way back then ang isa sa mga character ko. wahiii. I know you'll understand. I Love You ♥
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH <3
Teen FictionLahat tayo ay May kanya kanyang pananaw Sa lahat ng bagay. Pero lahat tayo ay iisa lang hinahanap Sa mundong ito at yun ay ang ating makakasama habang buhay. Ang ating iibigin at tayo`y iibigin ng walang hanggan. Ang ating PERFECT MATCH. -JLie