JL's POV
"Naniwala ka naman?" Andito kami ngayon sa kwarto niya. Himala nga at hindi na nakalock kaninang pagpasok ko.
"Uhm.. Yes, and I want her to be my bestfriend." Ngiting ngiti niyang sabi. Seriously hindi ko alam kung anong sumanib sa kapatid ko. Panay ang ngiti. Laging may katext at laging online sa Facebook. Madalas nadin siyang nakangiti.
And yes, may bestfriend na nga ata talaga tong tukmol na'to. Sabi niya effective daw yung pag post niya ng Sino pwede maging bestfriend? so I must try daw. psh. hindi naman ako kagaya niya na walang kaibigan no -___- Pero wala padin akong tiwala sa bestfriend niya. once palang sila nagkikita and worst sa Facebook lang sila nagkakilala. I need to know who was it. Masyado na kasi ata talagang Desperada magkaroon ng kaibigan tong kapatid ko e.
"okay. if thats what you want" tumayo ako at naglakad, huminto ako sa tapat ng pintuan habang hawak hawak ang door knob. "for now" pagkasabi ko nun ay lumabas na ako. Alam kong nagtataka ang kapatid ko sa sinabi ko. Well, im trying to be a protective kuya here.
For the first time I opened my Facebook account. its not really the first time I opened it, last december ko pa inopen to e. Real account ko to, and since Choco Mucho ang favorite kong chocolate yun ang screen name ng FB account ko. yung nagoopen ng Marlo account e si M.A.
Hinanap ko yung sinasabi niyang Lee Anne Cruz pero theres no way to found at Hindi ko din alam kung bat hindi ko makita -______- I closed my laptop at nahiga nalang. nafufrustrate ako -_____- Nakakainis. sino ba kasi yang Lee Anne nayan? Sabi ni tukmol Maganda daw, Mabait, Palangiti. Ginulo ko ang buhok ko out of frustration.
The truth is hindi ko alam kung bat nafufrutstrate ako. maybe because im curious? Kasi naman yung mga kinwento ni tukmol parang Ang perfect niya. Pano ba naman kasi ang pagdedescribe niya...
*Flashback*
"OMG kuya Lee she's so beyond perfect to be my bestfriend." nakaclose arm niyang sabi habang nakatingin sa taas ng kisame. Tinignan ko lang siya ng nakataas ang kilay. Sabi niya kasi nakipagkita daw siya kahapon sa bestfriend niya.
"Beyond Perfect? nako baka nabubulag kalang kasi desperada kana magkaroon ng kaibigan" Sinamaan niya ako ng tingin at binato ng unan. And yea, andito siya sa kwarto ko para lang magkwento about her new bestfriend daw.
"Im not! its just that I found her sooooo perfect. no. Beyond perfect is the right word to describe her." Ayan nanaman yang nakakakilabot na ngiti niya. ngiti. as in ngiti na totoo. Ngayon ko lang nakita uli na ganyan kasaya yan. I sighed.
"Panong Beyond Perfect?" I asked.
"Duuuuh kuya Lee!" she flips her hair. "beyond perfect kasi Mabait siya. Madaldal oo, pero nakakatuwa siya kausap. Unlike others na pag salita ng salita nakakabanas." Kinuha niya yung unan na ibinato niya sa akin at niyakap ng mahigpit. "Tapos, ang straightforward niya din. Pero yung pagka straight forward niya is yung way na hindi nakakaoffend." Lumapit siya sakin at pinatong ang ulo sa balikat ko. Ang bigat niya infairness. "Tapos alam mo ba? Pag ngumingiti siya? parang may magnet. yung tipong mapapangiti ka din? tapos kahit sinusungitan ko siya? tatawa lang siya okaya ngingiti tas sasabihan ng Ikaw talaga. Ang bait bait niya. Tapos nag Videoke kami sa Arcade. Her voice. *sigh* napaka angelic. Tapos dba? when were playing tekken way back then e ako lagi nananalo?" iniangat niya ang ulo niya at tinignan ako saglit tas ipinatong uli yung ulo niya sa balikat ko. "She beat me." she then laugh. "Isnt it she's Perfect? Plus her looks. She's so damn gorgeous. May hawig kay kathryn Bernardo." Tumayo siya ng nakangiti. "You'll like her kuya. I swear" Naglakad na siya papunta sa kwarto niya. At ako? unti unti palang nagsisink in sa utak ko yung mga sinabi niya.
Beyond Perfect ha? I guess so.. not.
*End Of Flashbacks*
Oh? ngayon niyo sabihin sakin na hindi dapat ako macurious at mafrustrate. Syempre as a kuya kelangan kong kilalalanin ang mga kaibigan niya. Kailangan kong masiguro na pwede ko nga siyang ipagkatiwala sa babaeng yun. mahirap na no. Ang dami kayang modus operandi jan -___________-
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH <3
Teen FictionLahat tayo ay May kanya kanyang pananaw Sa lahat ng bagay. Pero lahat tayo ay iisa lang hinahanap Sa mundong ito at yun ay ang ating makakasama habang buhay. Ang ating iibigin at tayo`y iibigin ng walang hanggan. Ang ating PERFECT MATCH. -JLie