Chapter 2 - Let be friends! Please???

167 8 0
                                    

Xyra's POV

Hay, nalulungkot ako ngayon dahil failed ako, Lord bakit ganun ayaw nya ba sa akin?? Gusto ko lang naman makipag kaibigan diba, masama po ba yun??

Hmm.. Papunta ako ng garden ngayon, two hours vacant namin eh kaya mas mabuting sa garden muna ako para makapag-isip isip.

Teka! what if kulitin ko kaya, hmm siguro di nya yun matitiis diba yun naman din ang ginawa ko nuong 3rd year high school ako eh, kinukulit ko ang mga taong gusto kung kaibiganin, para naman maging kaibigan din nila ako, ano pa ba ang silbi ng pagiging bubbly at cute ko xD

hmm.. siguro nasa classroom yun ngayon?? puntahan ko kaya..

Pumunta ako sa classroom namin, well tama nga ang hinala ko, nandun sya.. nakapikit at nakikinig lang ng music.. hay ang cool nyang tignan, every girls dream for a idealman, kaya lang sungit.

Lumapit ako, di naman siguro nya napapansin na nandito ako ngayon diba, nakapikit eh.

Tinignan ko ang mukha nya, grabe perfect lahat, sa mata, sa ilong, pati jawline lahat perfect pang ideal man talaga.. :)

Magsasalita na sana ako ng dumilat sya..

Nahulog ako bigla sa desk nya.. ARAY!!!

"What are you doing here?? ba't ka ba lapit ng lapit sa akin??

patay!!

"Uhmm." tumayo ako galing sa pagkakahulog.. "Uhmm, wala lang gusto lang kitang maging kaibigan, masama ba yun siguro wala namang masama diba, and also bakit ayaw mong magkaroon ng kaibigan, mabuti nga yun diba, may makakasama ka always before dumating yung graduation day diba??" 

Grabe ang tapang ko. haha *_*

"No need an explanation, wag ka nang lalapit, masama akong tao kung ayaw mong masaktan get away from me. Layuan mo ako, di mo ako kilala"

"Oh, ang babaw naman ng rason mo.. walang masama kung makipag kaibigan ano.. mabuti naman yung may kaibigan ka para naman may malabasan ka ng hinanakit dyan sa puso mo, and also nandyan para magpasaya sayo.. katulad ko madaming kaib-"

"Umalis ka na, kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas ng classroom.."

Aisssh sungit talaga.. ewan ko sayo pero never pa rin akong gigive up sayo, gusto ko maging magkaibigan tayo..

"Hmm. taga saan ka pala.." bahala na kung makulit ako sanay na ako sa gawain ko ano.. :P 

"Naisipan mo bang lumipat dito sa school dahil maganda?? at also madaming girls siguro yun din naman ang katangian mo diba, mahilig sa girls kasi lalaki ka.. hehehe" sabi ko sabay tingin sa kanya

Nakataas lang yung isang kilay nya.. ano ba yan..

"yah, pag may time sama ka sa amin ng mga kaibigan ko para naman bonding bonding diba.. hehe uso naman siguro yun sa buhay mo.."

Ay kaimbyerna di man lang nagsasalita, sayang laway ko dito.. >_<

"Ok, siguro di na kita makukumbinsi na magsalita.. ok bye aalis na ako. ingat ka dito ha baka may multo ang dami pa namang multo dito sa loob ng school.."

Haha, jowk lang yun ano.. baka kasi ngumiti man lang sya?? diba

Papalabas na ako ng classroom ng biglang, AHHHHH!!!

Wait... nadulas ba ako?? ba't di masakit yung pwet ko?? dumilat ako, OMO!!! *_* niligtas ako ni Chinito Boy, nasalo nya ako galing sa pagkakadulas sa balat ng saging

Good timing ka talaga saging haha.. thank you naksue..!! haha

"Uhmm.. thank you"

"Next time, you better careful para di ka naman makaistorbo ng tao" tinayo nya ako..

"Oh sorry na sorry, pasensya di ko sinasadya.." yumuko ako tapos inayos ko ang uniform ko

"Sige na lumabas ka na.." sabi nya sabay talikod

But.. before syang makabalik sa upuan nya, kinuha ko ang kamay nya

"WHAT!!"

"Kahit ipagtabuyan mo ako, kung ayaw mo ng kaibigan, kahit gusto mo akong lumayo  di pa rin yun mawawala gusto talaga kitang maging kaibigan kahit yun man lang maibigay mo sa akin diba.."

Naiiyak na ako, di ko alam kung bakit basta bigla na lang may tumulo sa aking mata..

"Let be friends! Please??" sabi ko sa kanya

Pwede na siguro yun ano..??

==========================================

Thank you. Please support my story po :) 

My Boyfriend is A Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon