Xyra's POV
Nandito kami ngayon sa isang bangko, sinamahan namin si Stefan dahil sa magwiwithdraw daw sya. Minsan lang kasi itong manlibre ng pagkain. 5 pm na at heto kami ng kambal nyang si Shally nakaupo lang sa isa sa mga upuan doon.
"Bihira atang manlibre itong kambal mo ah?? Anong nakain??" tanong ko kay Shally
"Ewan basta bigla na lang syang nagsabi sa akin kaninang umaga na manlilibre daw sya kaya nga heto nagpasama dito sa bangko para magwithdraw. Inubos ang inipon sa mga lalaki nya."
Hala grabe naman, pati ba mga magulang nito alam ang pinaggagawa ng kambal nya
"Wait, alam ba ng parents nyo na bakla yang kapatid mong si Stefan??" tanong ko
"Hindi, lalaki yan pagdating sa bahay."
"Then, pano pag nalaman ng parents nyo ang tungkol sa gender nya.. Lagot sya sa daddy at mommy mo??"
"Yeah lagot talaga sya.. hmm plastic naman kasi yan eh.."
Hala kung makapanira sa kapatid wagas, ewan ko talaga sa inyong magkapatid..
"Matagal pa ba syang makakuha?? Magkano ba ang ewiwithdraw nya??"
"Ewan ko sa baklang yan.."
"Hay, pagagalitan na naman ako ni Mama pag ginabi na naman ako ng uwi.."
"Don't cha worry, ihahatid ka naman namin ni Stefan eh.."
"Talaga, promise kayo na din mag explain kay Mama ha.."
"Oh! si Stefan sabihan mo nyan, sya ang may gusto nito eh." Ay ano ba yan.. -_-
10 mins. na kaming naghihintay pero wala pa din si Stefan eh hayun nandun pa rin naghihintay kung kailan tatawagin ang pangalan nya..
Maya-maya nakarinig kami ng putok galing sa labas, yung security guard nakahandusay na sa kanyang pwesto. May pumasok na isang taong naka bonet at may hawak ng baril.
"Holdap ito, ilabas nyo ang mga pera nyo at cellphone nyo dali kung ayaw nyong patayin ko kayo isa-isa dito." Sigaw nung magnanakaw..
Lahat kami napaupo at ako heto kinakabahan grabe naman ito ba't kailangan naming umabot sa ganito. Lumapit kami ni Shally kay Stefan baka kasi anong gawin sa amin.
Yung ibang kasama naman ng holdaper hayun at isa-isang kinuha ang mga gamit ng mga tao na nandito sa bangko ngayon, at habang may kinukuha silang pera at ibang gamit may lumapit naman sa aming magnanakaw.
Naka mask lang ito hanggang ilong kulang na lang matabunan yung mata nya. Biglang nyang hinila si Shally at tinutukan ng baril.
"Teka! wag nyong saktan ang kaibigan ko. Please maawa kayo.." sigaw ko
"Xy... tulungan mo ako, ayaw ko pang mamatay"
"Yah! ikaw kunin mo na lang ang pera at gadget ko basta bitiwan mo ang kapatid ko."
"Stefan.." sabi ni shally, halos mapaiyak na sya dahil sa nerbyos.
"Tumahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo. Kailangan kita ngayon halika dito." sabi ng holdaper kay Shally sabay hila kay Shally papunta sa isang vault room.
Anong gagawin nila doon.
"Shally.." sigaw ko.
"Tumahimik ka dyan bubwit.. kung ayaw mong mamatay ng maaga" sabi nung isang holdaper
"Xy, dito na lang tayo siguro kaya naman ni Shally yun.." sabi ni Stefan
"Pero Stefan kawawa yung kapatid mo baka mapatay sya nun pagnanglaban sya."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is A Hired Killer
Teen FictionWhat if yung pinakamamahal mo, yung pinagkatiwalaan mo ng sobra ang sya palang pumatay sa pamilya mo before ng high school graduation at isa sa mga hired killer na kinakatakutan ng mga residente sa ng inyong lugar. Bakit sya pa?? Iilan lang yan sa...