Chapter 6 - Bento

96 2 0
                                    

Xyra's POV

Last subject for this day and yes makakauwi na ako, wait teka! Tama sumabay kaya ako sa pag-uwi kasama si Ivan. Hmm yun nga

Agad kung kinuha ang bag ko at tinignan si Ivan sa upuan nya, wala na sya doon siguro nauna na yung lumabas

Binilisan ko ang pagtakbo para maabutan ko sya at sa wakas naabutan ko sya na pababa ng 1st floor.

"Hey!"

Lumingon sya, hay salamat at akala ko di talaga sya lilingon. Sungit pa naman nito :3

"Bakit??" tipid nyang sagot

"Uhmm, well uwian na diba ok lang ba na sumabay ako sa pag-uwi??" tanong ko.

Sana Oo, sana.. pleasue >_<

"Ok lang??" tanong ko ulit, di pa kasi sumasagot eh. May bibig ba ito??

"Bahala ka, wala akong pakialam kung mapano ka dyan sa labas" *_* Wow Yes!!! yes.. pumayag sya..

"Oh, bakit nandyan ka naman diba para maging tagapagligtas ko.." sabi ko sabay ngiti ng malapad. Nandyan naman sya diba since bestfriend ko sya :P

Nagpatuloy lang sya sa pagbaba, ako heto sumunod naman sa kanya di kasi ako sinagot kanina sa tanong ko. :3

"Since tahimik at tinalikuran mo ako kanina nung itanong ko yung pagsabay ko sa pag-uwi then it means yes, since silence means yes diba.."

"Oie, this saturday birthday ng mama ko punta ka sa bahay namin, para naman mapakilala kita since bestfriend kita.." Balak ko talaga yun kaya nga sumabay ako sa pag-uwi sa kanya dahil doon.

"Di ka ba talaga natatakot sa akin, sa attitude kung ito..??" sabi nya. Bakit naman ako matatakot sa mukha nya pa lang na chinito boy hay naku ito talagang si Ivan baliw. Kailangan talagang sabihin yun.

"Hindi" ngumiti ako.

"Di ako pupunta, may kailangan akong aasikasuhin" Ay sayang naman.. :(

"Oh, sayang naman then next time na lang.." sabi ko ulit

"Bahala ka.."

"Ok, uhmm saan ka ba nakatira?? pwedeng malaman??"

"Bakit??" Ay kailangan talaga bakit??

"Wala lang, pag bored ako sa bahay namin, then pupunta ako sa inyo para makipag bonding sayo ok lang naman yun diba.. Walang bawal??" pleasue TT3TT

"Di mo pwedeng malaman, palipat lipat ako ng bahay wala akong permanent address.." :(

"Ay sayang naman.."

"Hey! bukas ah, may ibibigay ako sayo pero secret muna hehe and I know magugustuhan mo yun.." balak ko sana syang bigyan ng bento as remembrance :) Yan naman kasi always ginagawa ko eh.

"Bahala ka.." Oh YES... haha gagandahan ko talaga ang pag-gawa

"Ok, oh sige since mukhang busy ka ata, mauna na ako bukas ulit.." Nagbabye na ako at umalis, lumiko ako sa kanang kalye dahil doon ang daan patungo sa bahay namin. 

Habang naglalakad ako, may biglang humila sa aking 3 lalaki na taga ibang school. Dinala nila ako sa isang bakanteng lote.

Di ko sila kilala pero parang may masama ata silang balak sa akin.. Lord please help me bakit ngayon pa..

"Hi Miss, anong pangalan mo??" sabi nung mataba

"Ano ba, bitawan nyo nga ako.. Ano ba.." sabi ko, ayaw kasing huminto sa kakahawak sa balikat ko.

"Ano ka ba naman, wag ka namang bastos nakikipagkilala kami ng maayos sa iyo eh, sige na sabihin mo na anong pangalan mo, naku ang ganda mo pa naman" sabi nya sa akin

My Boyfriend is A Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon