Chapter 7 - Bank Robbery

82 0 0
                                    

Ivan's POV

2nd day na naman ng school pero di ko pa nakikita yung pinapahanap ni leader. Kailangan kumilos na ako ngayon baka ako pa ang mapatay nito. Mamaya pala may nanakawan kami, matagal tagal din di kami nagnakaw susulitin na din ito.

6:30 nakarating na ako sa school. Iilan pa sa mga classmates ko ang dumating, dumeritso ako sa upuan ko but before that may bento sa mesa ko pati yung coat na ginamit ko kahapon nandito din. Nandito na kaya sya??

Umupo na ako at kinuha ko ang coat ko at pinasok sa bag ko. Maya-maya nagsidatingan na ang ibang classmates ko and hayun nakita ko si Kulit.

Nakita nya akong tumitingin sa kanya, ningitian pa naman ako baliw talaga.

English subject na naman ang una sa mga subject na nandito sa section na ito. After that 2 hours vacant na naman.

Dito pa rin ako sa upuan ko, di pa rin ako lumalabas sila hayun gala-gala na naman yan ang trabaho nyo eh.

Bigla namang tumunog ang phone ko, si leader na naman ito alam ko kakausapin na naman ako tungkol sa racket mamaya..

"Hello??" sagot ko.

"Ivan, mamaya 5 pm kita tayo sa hideout natin, may bago sa plano" again

"Sige, hintayin nyo ako mamaya dyan.."

"Teka, nahanap mo na ba ang anak ng mga Nolasco dyan sa school na pinapasukan mo ngayon??"

"Hindi pa, mahirap hanapin ang isang tulad na yun kung mismo di mo man lang masabi sa akin kung sino yang babaeng yan, pano ko mahahanap.."

"Baliw ka talaga, hanapin mo dahil pag hindi pupunta talaga kami ng gang dyan.. tandaan mo importanteng mapatay natin ang babaeng yun.. susunod ang pamilya nya"

"Sige, gagawin ko bigyan mo lang ako ng sapat ng oras."

"Sige yun lang, gawin mo ang trabaho mo nang malinis kung ayaw mong magkaproblema??"

"Alam ko yun.." Binaba ko na ang phone.. Ewan ko ba, ba't sa lahat ng hahanapin ko yung di pa ako binigyan ng clue.. Ang daming studyante dito alangan naman tanungin ko sila kung sinong Xy sa kanila.

"Hoy!!" tawag sa akin ng makulit na babaeng ito. Sya na naman..

"Bakit??"

"Uhmm nagustuhan mo ba ang bento na gawa ko.. Hehe and also yung coat nilabhan ko yun, thank you pala kahapon.." ngumiti sya

She's like an angel oo aaminin ko totoo yung sinabi ko.. pero dapat di pa rin ako mahulog sa kanyang kabaitan, kahit mabait sya di pa rin ako pwedeng magtiwala.

"Walang anuman yun, pasalamat ka at di pa ako nakakalayo nun, dahil pag nangyari yun nasa hospital ka na.."

"Alam ko naman yun eh, kaya nga salamat sayo..^_^ "

"Sige na umalis ka na.. ayoko ng distorbo" 

"Oh! sige.. anyway pwede ko bang makuha ang number mo para naman may makatext ako diba.."

"Hindi ko basta binibigay ang number ko."

"Ah ganun ba.. uhmm ito na lang yung number ko na lang ibibigay ko sayo.. ok lang heto.. " may sinulat syang number sa isang kapirasong papel at binigay sa akin

"Yan ang number ko, tawagan mo ako or text pag may kailangan ka ha.. hehe wag kang mahiya sa akin dahil bestfriend naman tayo eh.." 

Di ko na sya pinansin. Hinayaan ko na lang na ilagay nya ang papel sa mesa ko.

May bigla namang pumasok sa classroom.

"Hoy! Xyra Shane Nolasco dalian mo, si Stefan oh naiinis na pag di ka nagmadali dyan?? maiinis na yun minsan lang manglibre yung kapatid kung bakla.." sigaw nung kaibigan nya. Isa ito sa kambal na kaklase ko

"Ah ok wait lang.. sige Ivan kita na lang tayo mamaya. Babye.." Paalam nya sa akin

Ewan ko sa inyo, teka lang anong tawag nung babae sa kanya Xyra Shane Noslaco?? Pamilyang NOlasco.. Matawagan ko nga muna si Black J.

"Hello"

"Black J. matanong ko nga, anong full name ng hinahanap ko dito sa school na pinapasukan ko??"

"Xyra Shane Nolasco ang pangalan nya, kanina ko lang nalaman pinaimbistigahan ko.. Yung tawag sa kanya Xy. bakit nahanap mo na??"

"Ah, hindi pa sige tatawagan lang kita tungkol doon.. Salamat" binaba ko na..

Shit! yung makulit na yun ang papatayin ko.. bakit sya pa..

Di ko pinansin buong araw si Xyra dahil sa nalaman ko na sya pala yung mission ko dito. Kahit anong pangungulit nya di ko pa rin pinansin.

Again last subject at nauna na akong umuwi at dumiretso sa hide out namin. Pagdating ko doon nakita ko sila Black J. na nagpaplano para mamaya..

"Andito na ako." bati ko sa kanila

"Mabuti at nandito ka na Ivan.." bati ng isa kung kasama

"Ok dahil kumpleto na tayo, tara na pumunta na tayo.." utos ni Black J.

Pumunta ako sa locker ko at kinuha ko ang gamit ko na ginagamit namin para pumatay and also para magnakaw.

Sinuot ko yung black t-shirt ko at yung black jacket ko, ito din ang paraan para di ako makilala ng mga tao. Nilagyan ko din ang mukha ko ng isang mask na itim at iniba ko ng ayos ang buhok ko.

Maya-maya kinuha ko yung baril ko sa locker at umalis na kami. Another crime na naman at pera na naman ang kapalit. 

==================================================

O to the M to the G.. OMG!!! Bad boy pala si Ivan.. >_< Pano na ito.. 

My Boyfriend is A Hired KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon