5“N-nagkita na kayo ni Jam?”
“You have lied to me about so many things,” sumbat ni Flynn sa halip na sagutin ang tanong ni Ivy.
Lumong-lumo siya. Hindi niya naisip noon na matutuklasan nito ang inimbento niyang kasinungalingan. At lalong hindi inaasahan ni Ivy na matutuklasan nito iyon nang mas maaga. “I-I did not lie about my name. I was christened ‘Ivy Leah Ilustre.’” Mahinang pangangatwiran iyon ngunit ano pa ba ang masasabi niya?
“You should have been christened ‘Poison Ivy,’” nagbabaga sa galit ang mga matang sabi ni Flynn. “There’s so much poison dripping from your mouth. Bakit gusto mong paglaruan ang mga taong nasa paligid mo?”
Umiling lamang si Ivy sa helplessness na lumukob sa kanya. Nagsimula nang manlabo ang kanyang mga mata sa pagbalong ng luha.
“Dapat pala nagduda na ako noong una pa lang tayong magkita. You made a big fool out of me. Ginawa mo akong tanga, Ivy. Ginago mo ako.” Kulang na lang na sakalin siya ni Flynn sa galit na nakamarka sa mukha nito.
“F-Flynn—”
“Pati ayos at pagdadamit ni Jam ginaya mo. Bakit? Ano ang satisfaction na makukuha mo doon? Masaya ka ba na makapanloko ng kapwa mo? Naligayahan ka ba na may sinira kang relasyon? Na may winasak kang pagtitiwala dahil sa mga inimbento mong kuwento?”
Pinilit ni Ivy na magsalita kahit ang tumakbo at lumayo ang naiisip niyang gawin. Hiyang-hiya siya kay Flynn. Pero hindi niya hahayaang maghiwalay sila nang hindi nito naliliwanagan sa kung ano ang nilalaman ng puso niya. “It’s easy to stand back and judge like what you are doing now... Hindi mo ako kilala, Flynn. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko.”
“Bakit? Ano ba ang rason at ginawa mo ang mga iyon? Ano ba ang valid na dahilan para hindi ka husgahan sa ginawa at gagawin mo pang panloloko sa kapwa mo?”
“Ikaw lang ba ang may karapatang magmahal sa unang pagkikita, Flynn?” sumbat ni Ivy habang umaagos ang kanyang luha sa magkabilang pisngi.
Pinalalim lang ni Flynn ang pagkakakunot ng noo.
“Natatandaan mo pa siguro ang naramdaman mo noong una mong makita si Jam.” Sandaling sumagap ng hangin si Ivy. “Paano kung may isang tao na nakaramdam din ng pagmamahal na gaya ng naramdaman mo noon kay Jam? Paano kung... k-kung ako ang taong iyon?”
Napamata sa kanya si Flynn.
“Masuwerte ka dahil kahit hindi kaagad, later on ay minahal ka rin ni Jam. Na hindi mo naranasan ang rejection na naramdaman ko.”
“Rejection?”
“Every time na hahanapin mo sa akin si Jam, tuwing magmamakaawa ka na ipaalam ko sa iyo kapag nakita ko siya, pakiramdam ko, kahit hindi mo naman alam, paulit-ulit mo akong ibinabasura. I mean, imagine yourself loving Jam but she was devotedly in love with someone else. Ano ang pakiramdam n’on, Flynn?”
At sa pamamagitan niyon, alam ni Ivy na hindi man nabawasan ang pagkasuklam ni Flynn sa kanya, at least naunawaan nito ang tunay na dahilan ng kanyang kabaliwan.
Nang maghiwalay sila ay tinanggap na niya ang pagkatalo. Saka lang naamin ni Ivy sa sarili na wala nga palang mabuting ibubunga ang pagpupunla ng kasinungalingan. Na walang lihim na hindi nabubunyag. Sa ginawa niya ay lalo siyang nagmukhang katawa-tawa. Tuluyan na siyang nawalan ng pagkakataon kay Flynn.
“IVY, NO!”
Nahinto si Ivy sa akmang pagtungga mula sa hawak na bote ng alak. Ang ina ang nalingunan niyang nasa pintuan ng kanyang silid. Tuluyan nang pumasok ito at inagaw sa kanya ang bote.
BINABASA MO ANG
Braveheart Series 7 Gemino Falcon (Heart Tamer) COMPLETED
RomancePhr Imprint Published in 2006