9. The Bitter Twin

6.5K 162 1
                                    

9

“Aalis na lang siguro ako sa inyo, Gemino,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Ivy. Nasa garden sila noon. Maaga pa para maghapunan kaya doon muna sila nagkuwentuhan. Doon niya niyaya ang binata para kahit paano ay makaiwas siya kay Flynn.

“Babalik ka sa Manila?” naaalarmang wika ni Gemino.

“Hindi. Siguro naman, may mauupahan akong bahay dito sa Miranda. Para puwede kayong pumasyal doon ni Kyle nang hindi ako nag-a-undergo ng intense scrutiny mula sa kakambal mo.”

Dalawang araw na sa mansiyon ang mag-asawang Flynn at Jam. At sa loob ng mga araw na iyon ay pirming nakasunod ang tingin sa kanya ni Flynn. Para bang inaabangan nito na magkamali siya at kaagad na isasalang siya nito sa condemnation chamber.

Pinagmasdan siya ni Gemino. “Nahihirapan ka ba?”

“Hindi siguro ‘nahihirapan’ ang tamang term doon. Ang inaalala ko, baka magkaroon ng kapangyarihan ang mga nangongondenang tingin niya sa akin at bigla na lang akong madapa o masamid tuwing titingnan niya.”

Mabuti pa nga si Jam, pagkatapos makabawi sa inisyal na shock sa kanilang pagkikita ay nagawang yakapin siya nang mahigpit. Parang sa aktuwasyon na iyon ay ibinigay na ng kanyang kaibigan ang lubos na pagpapatawad sa nagawa niya. Nakapagkuwentuhan pa sila na naputol lang nang tawagin ito ni Flynn. Sa hula niya ay ayaw ng lalaki na mapalapit muli si Jam sa kanya.

“Hindi ka nahihirapan na... na alam mo na, 'yong may longing ka na iba ang pagtingin na ibigay sa iyo ni Flynn. 'Yong umaasa ka na kahit suntok sa buwan, tapunan ka ng pagmamahal ng kakambal ko.”

Tiningnan ni Ivy nang masama ang binata. “Pareho ko kaya kayong suntukin sa solar plexus ng kakambal mo para pareho kayong magising? Nasabi ko na sa iyo na wala na akong ambisyon ngayon sa kahit na katiting na pagtingin ng kakambal mo. Nakalimutan mo na ba?”

Literal na napanganga si Gemino sa sinabi niya.

Nahagod niya nang marahas ang kanyang ulo. “Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang tumama sa akin noon at nagustuhan ko ang Flynn na iyon. Ngayon ko lang na-realize na bukod sa guwapong mukha, wala pala talaga sa mga katangian niya ang gusto ko.”

Nang lingunin niya si Gemino ay nakaawang pa rin ang mga labi nito. Tinapik niya ito sa braso. “Ano ba? baka mapasukan ng langaw'yang bibig mo.”

Saka pa lang nagising ang binata at tumawa. Pinanggigilan nitong pindutin ang ilong niya. “May taglay ka talagang katarayan.”

“Ano? Tutulungan mo ba akong maghanap ng mauupahang bahay?” ulit niya nang magawa niyang ilayo ang kamay nito sa kanyang mukha.

“Well, pag-iisipan ko pa.”

Niyugyog ni Ivy ang balikat nito. “Huwag mo nang pag-isipan. Kapag pinatagal mo pa 'to, baka isang araw, magulat ka na lang. Huwag mo akong sisisihin kapag nawalan ako ng pasensiya at nadukot ko ang mga mata ng kapatid mo.”

“Hmmm... kumbinsihin mo pa ako,” pilyong wika ni Gemino at kinindatan pa siya.

“Gemino—”

“Isang kiss lang. 'Yong torrid.”

Natawa si Ivy sa pilyong hitsura nito. “Eh, kung isang umbag na lang? 'Yong torrid?”

“Yehey!” pigil na sigaw nito bago siya dinamba. Pinaghahalikan ni Gemino ang mukha ni Ivy.

Tawa siya nang tawa habang iniiwas ang mukha sa halik nitong nangingiliti.

“Kaysa inuuna mo ang pakikipaglampungan diyan, patahanin mo muna itong anak mo. Iyak na nang iyak, hindi mo man lang napapansin. Anong klase kang ina?”

Braveheart Series 7 Gemino Falcon (Heart Tamer) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon