2. Chance Meeting

7.9K 178 12
                                    


2

“Dumaan ka muna sa bahay, Sonny,” yaya ni Ivy sa kanyang nobyo pagkatapos siyang ihatid sa kanila. Kagagaling nila sa resort noon.

“Talagang gusto kong dumaan.” Bumaba ito ng kotse at ipinagbukas siya ng pinto. Ito na rin ang nagbitbit ng overnight bag niya. Nang makapasok sila sa loob ay dinala niya ito sa sala.

Lihim na nagpasalamat si Ivy na wala roon ang kanyang mga magulang. Marahil nasa family room ang mga ito. O mas malamang na nasa silid na ang mommy niya at nasa casino naman ang daddy niya. “We need to talk, Sonny.”

“Yeah, we need to talk,” seryosong ayon ng nobyo. “Kaninang umaga ko pa napapansin na hindi maganda ang mood mo. Napakatahimik mo sa biyahe. At parang napakalaki ng pinoproblema mo. Maayos naman na ang lahat para sa kasal natin, 'di ba? O baka naman may kulang pa na hindi mo lang masabi sa akin?”

“No, wala na.”

“Huwag ka nang mahiya. Tell me, ano ba 'yon?”

Humugot ng hininga si Ivy. Determinado na siyang ipaalam dito ang nabuong desisyon ngunit hindi pala ganoon kadaling sabihin iyon. “Promise me na lalawakan mo ang pang-unawa mo sa sasabihin ko sa iyo.”

“Hey, kailan ka pa naging madrama?” napapangiting sabi ni Sonny.

Walang babalang niyakap ito ni Ivy. Hanggang sa huling sandali ay umaasang may mararamdaman siya na sapat para baguhin ang kanyang desisyon. Tumingin siya sa mga mata ng nobyo pagkatapos. Ngunit lalo niyang nakumpirma kung hanggang saan ang pagtingin na niya sa nobyo.

Hindi naunawaan ni Sonny ang kanyang inner turmoil nang mga sandaling iyon. Iba ang pagkabasa nito sa ikinilos niya. “Pumapayag ka na ba sa request ko?”

“R-request?” saglit na nalitong tanong ni Ivy.

“'Yong matagal ko nang request,” paanas na sabi ni Sonny, nakangiti at pinapungay pa ang mga mata. Mabilis na ipinulupot ng nobyo ang mga kamay sa katawan ni Ivy. “Unahin na natin ang honeymoon.”

Napabuga siya ng hangin, sabay iling. Kumalas siya sa nobyo at tumayo. “Sonny, I’m sorry, but I can’t do it.”

Nabura ang ngiti nito. “Eh, bakit bigla kang yumapos sa akin? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”

“Hindi mo ako naiintindihan. I said, ‘I can’t do it.’ Ayokong lokohin ka. Hindi ko pala kayang p-pakasal sa iyo.”

Nagulat ito sa sinabi niya, pagkatapos ay naningkit ang mga mata. “Ginagago mo ba ako? Alam mo ba kung ano ang implikasyon ng sinasabi mo?”

“I’m really sorry, Sonny,” naiiyak na sabi ni Ivy. “Pero ayokong lokohin ka. Lalong mahirap kung itutuloy pa natin ang kasal kahit pareho nating alam na hindi pala talaga kita mahal.”

Tumayo ito, namumula ang mukha sa galit. “Wala pang gumago sa akin nang ganito, Ivy! I swear, pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin!”

MULING sumilip si Ivy sa ibaba ng kanilang pocket garden. Naroon pa rin ang kanyang ama, palakad-lakad, tila may malalim na iniisip.

Mula nang umatras siya sa kasal nila ni Sonny ay nagkaganoon na ito. Hindi na rin ito lumalabas sa gabi para mag-casino. Ang kanyang ina naman ay madalas ding magmukmok sa loob ng bahay. Samantalang dati ay napakaraming social functions na dinadaluhan ito.

Napaisip si Ivy. Hindi na nga pala siya dapat magtaka. Ang mga social functions na iyon ay ang kalimitan ding dinadaluhan ng mama ni Sonny. Maging ang casino na pinupuntahan ng kanyang ama ay hangout din ng daddy ni Sonny.
Hindi na niya nobyo si Sonny. Nagwakas na ang tatlong taong relasyon nila. At kinakabahan siya. Hindi niya malaman kung bakit.

Braveheart Series 7 Gemino Falcon (Heart Tamer) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon