3. Dizzy

6.9K 162 32
                                    

3

Nanghihinang napaupo si Ivy sa sofa pagkarinig sa sinabi ng kanyang ama na si Eliseo Ilustre. Kadarating niya noon mula sa Boardwalk.

Hindi na yata matatapos ang mga sorpresa sa kanya sa araw na iyon. Nang umagang iyon ay gulay na gulat si Ivy dahil paggising niya katabi niya sa kama ang natutulog pang si Gemino. Saka lang nanumbalik sa isip niya ang mga naganap sa kanila nang nagdaang gabi.

Gulo ang isip na tinakasan niya ito. Pag-uwi sa bahay ay mas malaking problema pala ang daratnan niya.

“H-hindi na sa atin ang bahay na ito?” hingi pa rin ni Ivy ng kumpirmasyon sa kanyang ama. Baka sakaling nagkamali siya ng dinig sa sinabi nito kanina.

Ang kanyang ina ang kumumpirma niyon. “You heard your father, Ivy. Sa katapusan ng buwan kailangan na nating umalis sa bahay na ito.”

“Paano nangyari 'yon, Daddy?”

“Anak, dalawang taon na tayong nalulugi sa negosyo. At sa loob ng panahon na iyon, ang mga del Prado ang naging creditor natin,” tukoy nito sa pamilya ni Sonny. “Of course, alam mo naman sa business, hiwalay 'yan sa personal. Kaya naging collateral ang bahay at loteng ito kahit na nakatakda na kayong ikasal noon ni Sonny.”

Napapaisip si Ivy habang nagpapaliwanag ang ama. Kumikita ang bakeshop nila. Walo ang branches niyon. At sa negosyong tulad ng pagkain, napaka-remote ng pagkalugi. Besides, hands-on siya sa isang branch nila. Kabisado niya ang takbo niyon. Madalas niyang tingnan ang libro ng kanilang branch at maganda ang profit nila.

Isang hinala ang nabuo sa isip ni Ivy. Napatitig siya sa ama. “What really happened, Daddy?”

Hindi ito nakaimik.

“Tell her, Eliseo,” untag ng kanyang ina. “Sabihin mo sa anak mo ang totoo.”

Tumingin lang ang ama sa kanya. Hindi nito nakuhang umimik pa. She saw defeat in his eyes. Pagkatapos ay iniwan na sila nito roon.

Helpless na napatingin na lang si Ivy sa ina. “It’s about his gambling, right, Mommy?”

Hagod-hagod ang sentido na naupo muna ang kanyang ina sa katapat niyang sofa. “Tama ka, hija. Kailan ko rin lang nalaman na ganoon na kalaki ang utang ng daddy mo sa mga del Prado. Pati ang chain of bakeshops, nasa kanila na rin.”

“What?!” bulalas niya, sabay tayo. “You’re just kidding, Mommy, right?”

“Ivy, anak, fifty-seven million is no laughing matter. Ganoon kalaki ang naging pagkakautang ng daddy mo sa mga del Prado.”

Muling napaupo si Ivy. Napaiyak na siya. “I can’t believe this.”

Nilapitan siya ng kanyang ina. Kapwa umiiyak na nagyakap sila. “We’re practically penniless. Tanging ang namana kong properties sa lolo’t lola mo ang natira sa atin. At kahit ang mga iyon ay baka mawala rin. May iba pang pinagkakautangan ang ama mo bukod sa mga del Prado...”

IVY HAD to get away. Kahit pansamantala lang. Iyon ang nasa isip niya nang tawagan kanina si Jam. Isang linggo na siyang parang wala sa sarili. Napakaraming dapat gawin. Napakalaki ng magiging adjustment na dapat niyang paghandaan ngunit wala siyang nasimulan isa man sa mga kailangang gawin.

At pagkatapos ay may iginigiit pa ang kanyang mga magulang. Makipagbalikan daw siya kay Sonny. Iyon lang daw ang paraan para maisalba ang ibang kabuhayan nila.

Nagpakatanggi-tanggi si Ivy. Ang kanyang ama ang gumawa ng dahilan kung bakit bigla silang naghirap. Dapat na ito rin ang gumawa ng paraan para makaahon sila sa kasalukuyang predikamente. Idagdag pa na hindi man lang nababawasan ang sama ng loob niya sa ginawa ng ama.

Braveheart Series 7 Gemino Falcon (Heart Tamer) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon