7Kulang na lang na lumubog si Ivy sa kanyang kinauupuan. Hiyang-hiya siya. Hindi niya makontra ang sinabi ni Gemino. Sinabi lang nito ang totoo.
“So, you are the missing part of the puzzle,” interesadong wika ni Tita Citas. “Bakit mo pala naisip na ipamigay—”
“Tita Citas,” agaw ni Gemino sa sinasabi ng tiyahin. “Mula ngayon hindi na ang yaya ang makakasama ni Kyle sa nursery. Malaki naman iyon. Puwedeng doon na din magkuwarto si Ivy.”
Ikinibit ng matanda ang mga balikat. “Ikaw ang bahala. Ikaw naman ang talagang may karapatan sa bahay na ito.”
Hindi na nasundan pa ang kanilang pag-uusap. May pakiramdam si Ivy na hindi nagustuhan ni Tita Citas ang nalaman tungkol sa kanya. Sino nga ba’ng makakagusto sa isang babae na nagawang iwan ang anak? At sa paraan pa na tulad sa pag-iwan ng isang hayop sa anak niyon.
Nang makakain sila ay iginiya si Ivy ni Gemino paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Dinala siya nito sa nursery. Bukod sa isang magandang crib ay may isang queen-sized bed doon. Himbing na si Kyle sa loob ng crib.
“Ito ang magiging tulugan mo.” Itinuro ni Gemino ang kama.
“Eh, Gemino, 'wag na lang kaya ako rito matulog? Nakakahiya sa Tita Citas mo.”
“Huwag mong alalahanin si Tita Citas. Mabait 'yon.”
“Mabait siya, pero hindi niya ako gusto.”
“Gano’n lang talaga 'yon pero madali siyang pakisamahan. Besides, paano mo maaalagaan nang maayos si Kyle kung hindi ka dito titira?”
“Kasi, hindi naman natin 'to napag-usapan kanina.”
Tiningnan siya ng nang-aarok na mga mata ng binata. “Bakit, ayaw mo bang alagaan si Kyle?”
“Gusto naman.”
“Kaya lang...?”
Nagbuntong-hininga siya. “Baka kapag nalaman ito ng parents mo, tutulan nila ang desisyon mo.”
Lalong hindi inihiwalay ni Gemino sa kanya ang tingin. “Ang mga magulang ko ba talaga ang inaalala mo o si Flynn?”
“Siyempre, kasama na siya.” Noong huling magkita sila ng lalaki ay galit na galit sa kanya. Pagkatapos ngayon, patitirahin pa siya roon ni Gemino.
“Dahil ba nag-aalala ka na baka hindi mo makayang tingnan na magkasama sila ni Jam?”
Hindi iyon ang ipinag-aalala ni Ivy. Ngunit nang mabanggit ni Gemino ang posibilidad na iyon ay bigla siyang nag-alala. Ano nga kaya ang magiging reaksiyon niya? “I-I don’t know,” matapat na sagot niya.
Ito naman ang bumuntong-hininga. “Huwag kang mag-alala, tuwing uuwi sila dito ni Jam ay iiiwas kita sa kanila.”
“Sinabi mo pa kanina sa Tita Citas mo na nagkaroon tayo ng misunderstanding. Hindi naman totoo 'yon, ah.”
Hinuli na naman ni Gemino ang mga mata ni Ivy. “Kung wala tayong misunderstanding noon, hindi mo ako lalayasan pagkatapos na may mangyari sa atin sa Boardwalk Inn.”
“Bakit naman hindi, eh, wala naman tayong relasyon. Nalasing lang tayo kaya nangyari ang... a-ang nangyari. Aksidente lang iyon. Umalis ako agad dahil nabigla ako sa nangyari sa atin. Ayoko rin na mabigatan ka sa sitwasyon. Pareho naman nating hindi inasahan na doon hahantong ang lahat. I don’t want to saddle you with that kind of responsibility.”
“Hindi ko ugaling tumakas sa responsibilidad, Ivy. You were a virgin when I took you. Ano man ang sabihin mo, may pananagutan ako sa nangyari. Sana ginising mo ako bago ka umalis. Nakapag-usap sana tayo nang maayos.”
BINABASA MO ANG
Braveheart Series 7 Gemino Falcon (Heart Tamer) COMPLETED
RomansaPhr Imprint Published in 2006